CHAPTER 56 “Senator, may bago kaming entertainer baka gusto ninyo na kayo ang mauna?” dinig na Leigh na pagbibida ng Manager ng club. Sa lahat kasi sa mga naroon si Scarlet ang bago, pinakamaganda at pinakaseksi. “Okey. Bring her in.” sagot ng Senator bago ito pumasok sa VIP Lounge. Naiwan ang dalawang magkaharap nitong bodyguard sa pintuan sa labas ng VIP lounge ngunit may dalawa ring sumama sa loob. Iyon ay napag-aralan na ni Leigh dahil iyon nakikita niya nang huli niya itong minanmanan. Mukhang mahirap talagang patayin ang hayop na Senator. “Scarlet, ikaw na ang bahala kay Senator. Papasok muna ako sa office.” “Sure ma’am,” tumingin muna ito kay Leigh na noon ay isang waiter. “Huwag mo akong ipapahiya ha. Nirekomenda pa naman kita. Kung may gusto siyang ipagawa. Gawin mo aga

