CHAPTER 57 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Mahalaga ang bawat sandali kay Leigh. Habang nagkakagulo pa ay kailangang matapos na ang job. Sa isang iglap ay nasa loob na si Leigh. May nakahandusay ng duguan sa sahig. Napatay ni Scarlet ang dalawang bodyguard sa loob ngunit hindi ang Senator. Ang masaklap ay hawak ni Senator si Scarlet. Nakatutok sa sintido nito ang baril ni Senator. Mukhang tagilid sila kahit pa pinagplanuhan na nila ito ng husto. Itinutok ni Leigh ang dalawang hawak niyang baril kay Senator. “Akala ninyo malulusutan ninyo ako? Akala ninyo ganoon lang ninyo ako kadaling mapatumba? Ulol! Akala ko talaga Swan, ikaw ang papasok dito na maka-table ko. Gumamit ka pa ng baguhan pero, not bad! Mahusay. Akalain mong napatay niya agad ang dalaw kong bodyguard? Kaso mukhang

