CHAPTER 69 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA “Sige, naiintindihan na kita. Tutulungan kitang mawala yang hiya na ‘yan basta bigyan mo ako ng chance na patotohanang wala kang dapat ikahiya sa mga taong hindi naman tayo talaga kilala.” Naging masaya sila sa buong araw. Hinayaan lang ni Liam si Leigh na maglambing ito sa kanya. Mga pasimpleng akbay sa gilid ng beach, yakap kapag nagmomotor sila papunta sa susunod nilang destinasyon at panakaw na halik kapag wala sa kanilang nakatingin. Unti-unti nawala ang hiya ni Liam sa mga ibang nakakakita sa kanila. Nawawala na yung trauma rin ni Mia sa kanyang kabataan. Matagal na niyang nalabanan yung takot at lagim ng mga nakaraan. Kung alam lang ni Liam ang lahat ng nangyari sa kanya baka mahihiya ito sa sinasabi nitong hiya sa ibang nakakakita.

