CHAPTER 70 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Kinakabahan si Liam na kumuha ng ebidensiya sa isang pribadong kagamitan ngunit ngayong kaya pa niyang tuparin ang tungkulin niya sa kanyang trabaho ay gagawin niya iyon. Nag-ipon siya ng lakas ng loob. Hindi dahil takot siya na matuklasan ni Leigh ang ginagawa niyang iyon kundi takot siya na makadiskobre ng katotohanan. Mahal na mahal na niya si Leigh at hindi na niya alam kung paano pa niya tatanggapin ang lahat kunsakaling mapatunayan niya ang matagal na niyang hinala na hindi ito isang bayarang babae kundi bayarang mamatay tao. Benta na sa kanya noon na maari ngang nagkamali siya sa hinala niya at si Leigh ay nagsasabi ng totoo na siya ay lihim na escort ng mga pulitiko at mga negosyante ngunit nang nasundan niya itong nag-i-spy at

