CHAPTER 62 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA “Para ano pa? Anong karapatan ko e hindi naman kami kasal ni Lucas? Asawa ko ba siya? Hindi! Pero tang-ina lang. Kung alam mo lang, kanina ko pa gustong manakit.” “Ang hirap ng pinagdadaanan natin ngayon. Pero kaya natin ‘to.” Tinitigan niya si Leigh. Ilang araw na kasi niyang minamanmanan ang lahat ng kilos nito. At yung nakita niya kanina? Hindi niya iyon kailanman napaghandaan. Kung hindi lang niya nakita ang lahat, hindi sana siya maniniwala. Kamamatay lang ni Avi pero heto’t may natuklasan siyang kakaibang pagkatao ng kanyang Ninong. Kaya ba iniwan siya noon ng Ninang niya at ilang buwan lang natagpuan na itong patay? Kaya ba hindi na ito nag-asawa pang muli? Alam kaya ni Avi ang pagkatao ng kanyang Da

