CHAPTER 60 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA “Sige lang, Leigh, Tuloy lang, hindi mo alam, ikaw na mismo ang magdadala sa akin sa inyong amo. Gagamitin kita para malaman ko ang lahat. Hindi kita hahayaang makakatakas sa mga ginagawa mong kasalanan.” Planado naman talaga ang lahat ng pagkikita nila ni Leigh sa bus. Sinadya niya ang pakikipaggitgitan at ang pakikipag-inuman niya para makilala ito. Bakit nga hindi e, nasa folder ng Daddy niya ang kopya ng driver’s licence nito kasama ang mga nagngangalng Rocky Balbuena at Tom Pingris. Under-investigation lang ang nakalagay sa folder. Walang kahit anong further investigations na nakapagtuturo kung anong papel nila sa mga kaso niyang hinahawakan. Hindi na siguro natapos ng Papa niya ang imbestigasyon niya tungkol sa tatlo. Siya ang magpapa

