"Wow!" tuwang tuwang tumakbo sila Kevin papunta sa tabing dagat. Nasa isang beach kami sa Batangas para mag-aliw aliw at makapagpahinga sa mga work at school ang mga bata. Friday ng hapon na kami nakarating at hapon ng linggo kami babalik dahil bukod pa sa may pasok na ang mga bata kinabukasan, uuwi na din si Lorenzo ng gabi ng lunes. Kasama namin na ang mag-amang sila Christian, ang asawa't anak ni Jelly, si Gil at kami nila Acey. "Mga bata! mamaya na kayo pumunta dyan!" sigaw ni Jelly. "Opo!" dali daling lumapit samin yung mga bata. "Mommy! ang ganda po dito!" sabi ni Kevin. Ginulo ni Acey ang buhok nya. "Syempre naman." sabi nya. "Sus purkit sa inyo lang 'to eh." sabi ni Gil na ikinagulat ko. "Really Tita Gil? kila Tita Acey ang resort na 'to?" tanong ni Kevin. "Yes kiddo, hind

