Pagod na umuwi ako galing sa shop, natagalan ang pagsara ko ng shop dahil may isang mayaman na customer na ang tagal mamili ng bulaklak. Nakakahiya naman na sabihan sya na bilisan mamili baka mamaya ipasara nya yung shop ko. Mabuti naman worth it yung paghihintay namin sa kanya dahil madami dami syang nabiling bulaklak. Nagtaka ako na may dalawang sasakyan na naparada sa tapat ng bahay. May bisita si Acey? para masigurado ay pumasok ako ng bahay. "Mommy!" isang little handsome ang sumalubong sakin. Nakangiting niyakap ko sya. Nawala bigla yung pagod ko nung makita ang anak ko. "Tired?" tanong ni Acey na nasa likuran pala ni Kevin. Kinuha nya ang bag ko at inalalayan pa. "Yeah." umupo ako sa sofa. Umupo naman sa magkabilang side ko ang dalawa. "Masahe gusto mo?" nagtanong pa sya eh gin

