Pulang pula ang mukha ko matapos naming kumain na tatlo. Umalis si Kevin ng dining area kaya naiwan kaming dalawa ni Acey dito na nagliligpit ng pinagkainan namin. Naaasar ako sa pangisi-ngisi nya. Sarap sapakin eh. "Ako na maghuhugas...babe." sabi nya at kumindat. Napanganga ako. Kinuha ko ang tinidor at dinuro sa kanya. "Tutusukin ko mata mo kapag inulit mo yan, letche ka at wag mo akong tinatawag tawag na babe hindi ako bibe." asar na sabi ko sa kanya pero imbis na matakot sya ay tumawa lang sya. "You're so cute, babe." tinignan nya muna ako ng ilang segundo bago naglakad papunta sa lababo. "Bwisit ka!" ibabato ko sana sa kanya yung tinidor kaso kahit na gustong gusto ko syang tusukin, hindi ko na lang ginawa. Padabog kong binato sa lamesa ang tinidor. Asar na asar na ako sa bwisi

