Acey's POV "Hindi ko na alam gagawin ko sayo Lorenzo!" rinig namin na sigaw ni Maru mula sa labas ng kwarto. "Akala ko matino kayong tao." sabi naman ng kasama ko dito sa kwarto. "Paano nyo nagawa yon kay Maru?" tumingin ako sa kanya. "Acey, ikaw ang kahuling huling taong naisip ko na hindi kayang gawin ang ganitong bagay." may himig na inis na sabi nya. "Kinukuha ko lang ang dapat ay akin." makahulugan na sabi ko at lumabas ng kwarto. "Acey!" hindi ko na sya nilingon pa. Tumingin ako kay Maru na nakasandal sa pader habang umiiyak at hawak ang cellphone ko. "Mag-divorce na tayo, Lorenzo." maya mayang sagot nya. Tinakpan nya ang mukha nya gamit ang isang kamay nya. "Tang*na Lorenzo! sobra na akong nasasaktan! paano kita iintindihin kung ang rason mo kung bakit mo' to ginagawa sakin

