Chapter 3. Guild

1106 Words
Kinaumagahan ang mga tao ay abalang abala sumilip si eugine sa bintana, nakita niya ang mga taong nag mamarcha sa daanan rinig ang bakal na sapatos. "PATAKDA NA" Sabay sabay ang mga guwardyang nag mamarcha habang mabagal na umaandar ang carriage, ang disenyo ay napaka sosyal puti ang ito at may korteng ginto, balot din ng rosas ang mga pintuan nito. "Woah" Ang mga taong nasa daanan ay lumuhod nang dumaan ang carriage, bumaba si eugine at naka salubong ang may-ari ng bahay. "Hello" Nagulat ang may-ari ng makita siya nito. "Oh andito kapa akala ko isa kang adventurer" Ang mga adventurer ay maagang umaalis para maghanap ng trabaho. "Hindi. hindi ako adventurer" "Eh paano ka nagkakaroon ng pera?" Pabirong sinagot ni eugine. "Haha negosyante kasi ako" Lumabas si eugine at na curious kung ano ang trabaho ng mga ito, Nakita niya ang isang malaking pintuan na sobrang ingay. Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob. "Creeek" Ang mga guild members ay nagtinginan sa kanya, ang maingay na guild kanina ay naging tahimik. habang nag lalakad si eugine ay naka titig sa kanya ang mga mata nito at walang nag sasalita. "Wow ang laki pala ng guild dito" Isang Guild member ang lumapit sa kanya para takutin. "Hoy bata alam mo bang hindi ito palaruan umuwi kana sa inyo kung hindi tatamaan ka sakin" Tumayo sa harap ni eugine ang isang malaking tao na malaki ang katawan, ngumiti lang si eugine at kina-usap ang receptionist. "Hmm nasan ang mga quest papers?" Sinapak ng guild member ang lamesang nasa harapan ni eugine. "Bang" "Hindi ako nag bibiro" Sabi ng guild member. "Weh tingin nga ng mukhang di nag bibiro" mas lalong naasar ang guild member at aktong sasapakin na si eugine, inilagan lang ni eugine ang mga suntok nito. "Uy tignan nyo" Hinawakan ni eugine ang braso nito at binali ng walang kahirap hirap. "Ahhh" napa sigaw sa sakit nang baliin ni eugine ang braso nito, Lumabas ang guild leader para patigilin ang kaguluhan nangyayari. "Tigil" Nakaramdam ng lamig si eugine sa presensya ng guild leader. "Anong kaguluhan ito?" Ang mga guild members ay natakot at hindi maka tingin sa mata nito, nakita din ng guild leader ang pag pilipit sa sakit ng isang member. "Ikaw nanaman? paulit ulit ka nalang" Tumingin kay eugine ang guild leader. "At ikaw?" "Balak ko sanang subukan ang mga quest sa guild" Mahinahon na kinausap ng guild leader si eugine. "May membership card kaba?" "Wala" "Sumunod ka sakin" Pinasunod ng guild leader si eugine sa isang measuring room para makita ang lakas nito. "Ako nga pala si leo ang guild master" Leo ay isa sa mga veterans adventurer hindi siya nag retiro pero nag laylow muna siya sa pagkuha ng mga quest sa ibang bayan kaya naging guild master. "Hawakan mo tong crystal para makita namin ang status mo" Nang dumapo ang kamay ni eugine sa crystal ay nag iba ang behavior ng crystal, nagkaroon ng pag alog sa buong guild at nabasag ang buong crystal pati ang mga binta ng guild. "Clak... clakk" Agad na tinangal ni eugine ang kamay niya sa crystal, Hindi naman makapaniwala si leo na naka kita siya ng isang kakaibang tao. "Ngayon lang nangyari ito" Tinanong ni leo si eugine kung sigurado na ba siya sa guild na sasalihan niya. "Teka sigurado kana ba? base sa lakas mo ay kaya mong sumali sa mga top tier guilds sa continent" Napaisip si eugine. "Nahh guild lang naman to di na masyadong big deal" Walang Pakialam si eugine kung ano ang status ng guild sadyang na curious lang talaga kaya siya naging guild member. Agad naman nabigyan si eugine ng gold rank, ang mga Guild member ay nagulat sa nakita nilang baguhan na member ay nakakuha ng gold badge. "Woah tumalon yung badge siya sa gold kahit beginner palang siya" "gaano kaya siya kalakas?" Habang namimili si eugine ng quest ay kung ano anong bulong ang kanyang naririnig pero binaliwala nalang niya ito at kumuha ng quest. kagaya ng dati ay hindi niya mabasa ang mga letra sa mga ito. Kumuha nalang si eugine ng random na papel at pinakita sa receptionist, nagtaka ang receptionist dahil ang quest na ito ay isang buwan ng hindi nakukuha, ang lahat ng sumubok ay hindi na naka balik pa. "Sir ito na po ba talaga?" tumango lang si eugine na tila na proud. "Sir matagal na po ito at wala pa pong nakakabalik ng buhay" Nanlaki ang mata ni eugine nung marinig niya, balak na sanang baguhin ni eugine ang quest pero nagkaroon na agad ng approval kaya wala na siyang choice kung hind puntahan ito. "Eh final na yon teka teka" "Eh sir nagkaroon na po ng approval at nasabihan na ang mayor ng bayan inaasahan na po ang pag punta mo" Lumabas na parang walang kaluluwa si eugine sa guild. "Curious lang naman ako sa guild at quest pero bakit nagka ganun?" Dumating ang sundong carriage ni eugine hatak hatak ng isang kabayo. "Sir ikaw po ba ang pupunta ghost town?" "Opo" Umakyat si eugine sa carriage at nakipag kwentuhan sa nagpapalakad sa kabayo. "Kuya ano bang meron sa ghost town?" lumingon ang kuya at dahan sinabi. "Maraming sabi sabi sa bayan yon ang una ay ang pagkawala ng ilang adventurer, pangalawa ay meron daw halimaw ang nakatira sa ilog at nagambala daw ng mga tao kaya naghihiganti ito" Napalunok sa takot si eugine ng marinig ang kwento ni kuya, ang ghost town ay iniilagan ng mga adventurer kahit na ang mga mataas na rank kagaya ng gold rank. "Kaya sir ikaw mag iingat ka maigi dahil ikaw lang ang nag lakas loob na tanggapin ang quest" Habang nag kwekwentuhan ang dalawa ay napansin ni eugine ang pagkapal ng hamog. "Unti unti ng nagbabago ang paligid kuya malapit na ba tayo?" "Malapit lapit kaya lang Hanggang dito nalang kita kayang dalhin dahil sobrang mapanganib na" Bumaba na si eugine sa carriage, nagpasalamat siya sa paghatid sa kanya sa ghost town. "Kuya maraming salamat mag iingat ka" "Ikaw din iho" Naglalakad si eugine papalapit sa ghost town ay naramdaman niya na tila ba pabigat ng pabigat ang kanyang nararamdaman at sobrang kapal na din ng hamog. Sa paglalakad nito ay meron siyang natapakan na isang bagay na matigas kaya hinawakan niya ito, nakita niya buto na braso at naamoy ang masangsang na amoy sa paligid. "Hah buto?" Na alarma si eugine at nag cast ng wind magic. "Whirlpool" Umusog ang mga hamog at uti uting nawawala nakita niya ang mga buto ng tao naka kalat sa daanan at bakas din ang mga dugo na naka dikit sa puno.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD