Masangsang na amoy at mga buto ng tao ang bumungad sa harapan ni eugine, may sumigaw na napakalakas na boses.
"Tulong"
Nang marining ni eugine ito ay tumakbo ng mabilis at hinahanap kung saan nanga-galing ang tunog, subalit wala ng ingay o boses ang maririnig.
Napadpad si eugine sa gilid ng ilog ang ilog ay kulay pula, natagpuan niya ang katawan ng lalaki nahati hati palutang lutang sa tubig. hinanap ni eugine kung sino ang may gawa nito pero wala siyang natagpuan.
"Tssk naghalo na ang kulay ng dugo ng tao tsaka ang tubig sa ilog"
Nakarating si eugine sa gate ng ghost town ang mga sibilyan lang ang nag guguwardya sa kanilang malaking pintuan, napansin si eugine ng mga ito.
"Dyan kalang sino ka?"
Pinakita ni eugine ang request paper sa mga guwardya, nang makita ito ay agad siyang pinapasok sa loob ng bayan.
"Pasensya kana sir takot lang kami sa halimaw na kumakain sa tao"
Nag lalakad ang isang grupo papalapit kay eugine, Nagpakilala ang mayor ng ghost town iniyuko nito ang kanyang ulo para makita ang pag papasalamat kay eugine.
"Mr adventurer maraming salamat sa pag tangap ng aming tulong"
Ipinaliwanag ng mayor ang mga nangyayari nung nakaraan buwan at kung papaano nagsimula ang lahat.
"Ang totoong pangalan ng ghost town sunny village, Ang lugar namin ay masagana nakakatakbo ng malaya ang mga bata, naiinom ang tubig at naka-kakuha ng sapat na pagkain para sa mga tao, ngayon nawala ng parang bula ang mga iyon"
Nalungkot si eugine ng marinig niya ito, patuloy sa pag kwekwento ang mayor.
"isang araw sa paghahanda para sa darating na festival ay abala ang mga tao para maghanda, Ang ibang kalalakihan ay lumabas ng village para manghuli ng mga isda, pero kalahating araw na ang lumilipas ay wala padin isa sa kanila ang bumalik, nag aalala na ang kanilang mga asawa ang mga guwardya naman namin noon ay nag patrol para alamin ang nangyari pero parehas lang ang kinalabasan"
Isang babae ang pumasok, nasaksihan niya daw ang pangyayari.
"Nakita ng dalawang mga mata ko kung paano niya kainin ang asawa ko"
Umiiyak ang babae habang kweni-kwento ang kanyang nakita.
"Walang awa niya itong kinagat, wala akong magawa para tulungan siya naka-titig lang ako at tumakbo papalayo"
Kitang kita sa mukha ng babae ang sobrang takot na tila ba na trauma ito sa pangyayari, sinubukan pakalmahin ng mayor ang babae subalit sumigaw ang isa sa mga guwardya naka bantay sa pintuan.
"Mayor! Mayot! papalapit na ang hamog sa pintuan natin"
Sigaw ng guwardya, Agad naman pumunta si eugine sa pinto para tignan ang pangyayari, nakita nila ang uti uting pag usad ng makapal na hamog ang mga guwardya sibilyan ay natakot at napa atras.
Agad naman nag cast si eugine ng magic para matangal ang hamog.
"Whirlpool"
Isang malakas na hanging ang nag tulak papalayo sa hamog, Nagulat ang mga tao na makita nila ang isang halimaw na may katawang tao.
Ang halimaw ay hugis tao pero ang balat at ulo nito ay isang isda sobrang talas ng kanyang mga ngipin at palikpik ang tenga.
Ang mga tao ay nagtago sa likuran ni eugine takot na takot ng makita nila ang tutuong itsura ng halimaw, naglalakad ito papalapit.
"Kayong mahinang tao umalis kayo dito sa teretoryo ko
galit na sinabi ng halimaw, si eugine ay naglakad din papalapit din sa halimaw.
"Marami kang kinain na tao, wala kang awa sa mga ito"
Sumagot naman ang halimaw.
"Ako ay isang deep sea king wala akong paki alam sa mga mababang uri na tao"
"Pwes alam mo ba na ang mga mababang uri ng tao ay kaya din kainin ang mga nasa ilog o dagat?"
Nag cast si eugine ng isang normal na apoy.
"Cannon"
Isang bolang apoy ang tumama sa deep sea king.
"Boom"
Napaatras ang halimaw subalit gasgas lang ang natamo nito.
"ha mahina"
Ang deep sea king ay sumugod, napaka bilis nitong kumilos sa sobrang bilis ay hindi mo ito makikita Kung isa kang normal na tao.
"HAHAHA kaya mo pa ba?"
Sabi ng halimaw, patuloy lang sa pag ilag si eugine ang halimaw ay may kakaibang lakas na kayang sirain ang malalaking gusali sa isang suntok nito.
Nakita din ng mga tao ang impact ng suntok galing sa halimaw.
"mayor kaya ba ni sir eugine yun.. yu..yung suntok ng halimaw sobrang lakas ng tunog"
Nag papanik na ang mga tao pero si eugine ay nana-natiling kalmado, Tumigil pansamantala ang halimaw.
"Ha.. ha.. bali bali na sigurado ang mga braso mo"
Ang halimaw ay napagod kakasuntok kay eugine, si eugine ay nakatayo lang at walang imik, patuloy na nag salita ang halimaw.
"Ha.. kayo na ang susunod"
Tumingin ang halimaw sa mayor at iba pa.
"Crack crack... Medyo masarap yung pag masahe mo dun ah, telented ka bilang masahista kukunin kita 10 out of 10"
Nagulat ang deep sea king na makita niya si eugine na okay ang kalagayan, nabuhay din ng loob ang mayor.
"Ahh thank you lord"
"Hmm kanina may nabasa akong skill"
"Infinity Prison"
Ang buong paligin ay nabalot ng yelo at nakulong ang halimaw sa isang cage, ang cage ay gawa sa tubig na kung saan kapag ikaw ay lumabas ay mahihiwa ang parte ng katawan.
Natakot ang deep sea king sa magic ni eugine.
"Well since ikaw ay sea monster ano kaya pakiramdam ng masaksak ng trident"
Isang trident na gawa sa tubig hawak ni eugine, ibinato niya ito sa halimaw at nabutas ang kanyang tiyan. ang pagka butas ng tiyan ay naging sanhi ng pagka talo ng halimaw.
"Ahh mababang u..."
Kaya ni eugine gamitin ang lahat ng magic affinity basta na i-imagine niya ang bagay na ito.
"Sir adventurer kaya mong gumamit ng tatlong affinity magic, bihira lang ang meron kakayahan sa buong mundo ang kaya nun"
Excited na sinabi ng guwardya, Ang mayor ay lumapit para pigilan ang mga guwardyang nag tatanong.
"Mr eugine maraming salamat isang malaking karanggalan ang makilala ka namin"
"Inaanyayahan dahil mag hahanda ako ng victory party"
Ang mayor ay sobrang saya ng matapos ang problema sa bayan nila.
"Hinda na ulit nila tayo tatawaging ghost town"
Sigaw ng guwardya, habang pabalik kami sa loob ng Village nagsigawan ang mga tao sa tuwa nang marinig nila ang balita.
"Maraming salamat isa kang bayani"
"Thank you sir adventurer ngayon napag higandi mo ang aking asawa"
Ang mga tao ay lumabas ng kanilang bahay at bintana upang salubungin ang pag pasok ni eugine.