matapos ang pag clear ng quest naghanda ang mga tao ng sobrang daming pagkain para Ituloy ang festival, lahat ay may kanya kanyang gawain at si eugine ay ang big guess na kung saan naka upo ito isa isang upuan habang pinapaypayan at sinusubuan ng prutas nang mga kababaehan.
"Sir masarap po pa?"
Tumango si eugine, namumula ang kanyang mga pisngi at tenga, di matatanggi ang kagandahan ng bawat isa, lumapit ang isang dalaga bit-bit ang isang plato.
"Sir tikman mo naman tong cookie ko"
Binigkas sa matamis na tono.
naibuga ni eugine ang mga prutas sa kanyang bibig.
"Fffttt ahem ahem"
habang ang ilang babae ay hinihimas ang kanyang likuran.
"Okay kalang sir? tubig tubig"
ilang minuto ang lumipas, ang mayor ng village ay nag salita sa harap ni eugine.
"Ngayon nawala na ang aming problema taos puso akong nagpasalamat"
Ang mga taong bayan ay ngumiti at ang iba naman ay naiiyak, naluto na ang mga pagkain at isinasagawa na ang pag didiwang.
Ang mga tao ay sumayaw at nagpaka lasing sa alak na tila ba walang bukas.
"Sir hero uminom pa tayo"
Sabi ng isang guwardya lasing, natapos ang kasiyahan at inabot na ng umaga, makikita mo ang ibang tao ay tulog sa kalsada, Nag paalam na si eugine sa mayor at iba pa.
"Mauuna na ako mag iingat kayo palagi"
Ang mayor ay may ibinigay na isang maliit na bag.
"Ito isama mo magagamit mo ito sa pagiging adventurer"
Isang supot ng platinum coins ang ibinigay kay eugine, ang platinum ay sampung beses ang halaga katumbas ng gold.
"Naku naku hindi na po"
Ang mayor ay pinilit si eugine na tanggap ito bilang sukli sa kanyang pagtulong.
Umalis na si eugine at naglakad papalayo ang mga tao ay kumakaway sa kanya habang papalayo.
"Paalam sir eugine"
"Maraming salamat bayani"
Sa mahabang paglalakad ay nakarating si eugine sa guild, bakas ang pagod at pawis na pawis ang kayang damit.
"Ha... sa wakas andito na ako halos anim na oras akong nag lakad, ang hirap mabuhay sa gantong mundo"
Anim na oras na naglakad si eugine pabalik sa kanyang guild, pumasok siya sa loob para sabihin na natapos niya na ang quest.
"Hello tungkol dun sa ghost town na clear na"
Ang mga guild members ay nasurpresa dahil na tapos niya ito ng mag isa.
"eto na po ang guild rewards"
Naka tanggap ng one hundred gold coins si eugine, bilang reward sa kanyang quest, pumasok sila Daisy, mark at kevin.
Nakita nila si eugine sa harap ng receptionist.
"Hello eugine"
Pumunta sila mark para kumuha ng mga quest.
"Hi"
Nakita ni mark ang gold coins na hawak ni eugine.
"Kakatapos mo lang sa quest? gusto sana kitang isama sa samin"
Inaanyayahan ni mark si eugine sa kanilang mission, pero nag alin langan si mark dahil napansin niyang kakabalik lang ni eugine sa guild.
Lumabas ang Guild leader sa kanyang kwarto para personal na makita si eugine.
"Clack"
"Eugine meron akong personal na mission para sayo"
Ang mga members nagtinginan dahil sa dami daming tao ay si eugine pa ang napili.
"Ang Mission ay mahuli ang mga slave traders ang reward ay 200 gold coins at rank platinum"
Si mark ay nabigla na marinig nila ang malaking promotion rank bibihira lang itong maganap sa isang guild.
"Woah promotion"
ang mga slaves traders ay nang ki-kidnapped ng mga demi humans para gawing katulong at kung ano ano pang bagay.
Malaki ang kapit ng mga ito sa mga noble's dahil ang mga noble's ay nagiging backer nito, hati hati ang kanilang porsyento kapag nakaka-benta sila, noble's din ang maraming demi slaves sa buong kontineto.
"Mag iingat ka eugine alam kong malakas ka pero wag kang mag papabaya"
Pinag iingat ni leo si eugine dahil napaka hirap ng misyon nito, sa tingin ni leo si eugine lang ang may kakayahang tapusin ang misyon, ang ibang nakatataas na rank ay hindi pa nakababalik sa kanilang misyon.
Tinanong ni leo si eugine kung meron ba itong balak isama bilang katulong.
"eugine meron ditong iilang gold rank members at silver magsabi ka lang sa akin kung sino ang balak mong isama"
napaisip ng malalim si eugine.
"Kung delikado ang misyon mas pipiliin ko nalang mag isa kesa madamay pa ang mga ito"
Hindi naman sang-ayon ang iba sa sinabi ni eugine.
"Ha balak mo sigurong solohin ang platinum rank?"
Ang paligid ay nabalot ng kung ano anong pag hihinala.
"Kung kaya mong gawin bakit hindi, hahayaan ko na kayo ang mauna sa misyon"
Hindi tinanggap ni eugine ang misyon at ibinigay ito sa ibang guild member.
"Maliit na bagay lang ito meron limang gold member ngayon at tatlong silver rank"
Tugon ng isang gold rank.
Sila mark, daisy at Kevin ay hindi sumama sa pag huli sa slave trader mas pinili nalang nilang kumuha ng natural na misyon.
"Siguro mag hunt nalang tayo ng wolfs"
Sabi ni mark, si eugine ay umalis na sa guild at nag pahinga sa kayang ni rerentang bahay.
Ilang araw ang naka lipas si eugine ay nakikipag kwentohan sa receptionist. si Andrei ay head ng mga receptionist kilala din bilang kanang kamay ni leo.
"Sir eugine bakit hindi kapa kumukuha ng misyon hindi kaba nababagot"
Sabi ni Andrei, meron isang taong tumatakbo papalapit sa guild ang mga yabag ng paa nito ay naririnig muna sa loob.
Si Andrei ay napa silip sa pintuan, pumasok ang isang gold rank member na putol ang isang braso at sugat sugat ang mga balat nito.
"Ah sir tulong tulong dalhin niyo ako sa pagamutan"
Agaran naman hinatid ni Andrei ang member habang naka higa ito sa isang kama ng ospital ay kwinento nito ang nangyari sa kanilang misyon.
Tatlong tao lang ang nag babantay sa mga slave's ang isa ay nag papaandar ng kabayo ang isa naman ay naka bantay sa pintuan, ang isa ay napaka misteryoso. balot ang kanyang katawan ng benda at tangging espada lang nakikita.
"Nung lumusob kami akala namin ay sumuko na sila, pero nang tumayo ang naka bendang lalaki ay sobrang bilis nito walang naka ligtas sa amin kung hindi ako lang"
Nanginginig ito sa takot ng maalala niya ang pangyayari napaka brutal at awang awa si Andrei. napayuko nalang si leo dahil nabigo ang kanilang misyon.
May sulat na dumating kay leo, ang sulat ay isang timbre na kung saan dadaan ang mga slave traders. nabuhayan ng loob si leo akala niya na wala ng pag-asa, kaya agad niyang hinanap si leo at handang gawin ang kahit ano para tanggapin lang ito.