ANGEL POV
"June?" sambit ko, talagang tinotoo ni tiyo Lucas ang muling pagtanggap sa kanya. "Anong ginagawa mo rito? Akala ko ay si Uncle ang susundo sa akin sabi ni Cindy."
Naka uniform na nga siya kaagad na blue at nakasalamin na. Kumamot siya sa ulo sa sinabi ko. Nahiya pa nga ako kasi ngayon ko lang naalala na nasa ibang bahay pala ako. Mabuti at walang tao rito maliban sa amin.
Kumamot siya sa ulo niya katulad ng parati niyang ginagawa kapag nagsisimula ang aming usapan.
"Ayan ka na naman, papagalitan mo ako, sumusunod lang ako sa pinag uutos ng Uncle mo kasi lumipat na kayo at baka raw maligaw ka kapag umuwi kang mag isa sa bagong condo niyo."
"Girl, may upcoming call ka coming from you Uncle," sambit ni Cindy na hindi ko namalayan na nasa tabi ko. Hawak niya ang cellphone ko na panay ang ring.
Ngunit ayaw ko na may marinig siya na kahit na ano kaya bumaba ako at sinagot ang tawag sa sala.
"Nasaan na kayo? Pinasusundo na kita kay June!" sambit ni tito Lucas. "Need mo makarating dito sa condo bago ang hapon. Ida drop niya dito at may iba siyang pupuntahan. Please listen to me, may mga bago kang endorsers na darating dito."
Ayaw ko nang mag matigas pa kaya sinunod ko na kaagad ang tito ko and besides, nakaka miss din siya. I know na namiss niya rin ako. Kung maaari nga ako makapag bigay ng sweet message sa kanya ay ginawa ko na. Pero makakapag hintay ito mamaya.
"Sige po, aalis na kami!" sambit ko.
"Okay babe! I love you and I missed you so much kaya sana ay umuwi ka na. Ang lungkot ko kagabi na mag isa akong natulog sa kwarto ko. Sanay na sanay ako na kasama kita rito at kayakap so please comeback to me!"
I wish na nakikita ko siya ngayon na nagsusumamong saad siya sa akin. Lumalambot din talaga ang puso ko kapag naririnig ko ang ganitong tono ng kanyang boses. Kaya kapag dumating ako doon at kaming dalawa na lamang, isang mainit na yakap at halik ang ibibigay ko sa kanya.
"Sige na, sana ay may pagkain din pala diyan kasi hindi na ako kakain dito."
"Ako ang bahala sayo!"
Halata na excited na siya sa tono ng kanyang boses. Binabaan ko na siya ng tawag at lumapit ka ako kay Cindy na nakatitig sa akin.
"Sige na, tsaka mo na ibigay ang mga damit ko kapag nagkita tayo and then ibabalik ko ang damit mo. Mukhang nagmamadali ka na eh," sambit niya.
"Maraming salamat sa pagpapa stay mo rito sa akin ha? Sana ay makabawi ako sayo next sa susunod."
Ngumiti siya, "Ano ka ba? Walang problema yan sa akin. Oo naman, pwedeng pwede tayong mag kita next time. Basta wag nang mag tampo sa Uncle mong pogi okay? I am looking forward na magkita kami ulit. I am sure na kilala niya ako and he knows that we are friends kahit na marami tayong mga fans na nag aaway away. Okay lang yan as long as okay tayong dalawa ay walang problema."
Nag beso na kaming dalawa at tsaka na kami lumabas nitong si June na dinala pala ang sasakyan ko. Pagbubuksan na sana niya ako ng pintuan sa unahan ngunit sa likod ako umupo.
"Ayaw mo bang umupo sa unahan? Kotse mo naman ito eh!" sambit niya ng siya ay pumasok sa loob.
Tiningnan ko siya at tinaasan ko ng kilay, "Ang dami mong sinasabi, mag drive ka na lang diyan!"
Kumamot siya sa ulo niya, "Ang aga aga ang init na naman ng ulo mo sa akin!"
"Hindi mainit ang ulo ko. Sadyang ang kulit mo kasi."
Sinimulan na niyang mag maneho ng sasakyan at habang naanaar ang kotse na ito ay bigla siyang nagsalita.
"Teka, di ba pinag bawalan ka na ng Uncle Lucas mo na lumapit kay Cindy kasi magkalaban kayo diba?"
Tiningnan ko siya at kinotongan ko pa, "Ang dami mo pang sinasabi, mag drive ka na lang pwede ba? Kaibigan ko pa rin siya at wala akong pakialam kahit magkaribal pa kami sa showbiz at tsaka ang bilin ni Uncle Lucas sa akin, ihahatid mo raw ako sa condo ko at may iba ka pang pupuntahan."
"Oo, may sakit kasi ang miss ko kaya uuwi ako. At tsaka alam mo na ba kung anong floor ang unit mo? Balita ko ay masyadong tago ang lugar na yun at wala kang kapitbahay na pwedeng gumulo sayo. Sa dami mong fans sa paligid, alam natin na sinusundan ka nila kahit na saan kaya tama na naka condo na kayo!"
Hay nako! Kalalaking tao nito subalit talagang madaldal siya at walang preno ang kanang bibig. Ngunit kung may isa man siyang bagay na sinabing nagpapasaya sa akin, yun ay ang wala na kaming kapitbahay pa. Tama na rin ito para maging payapa ang tulog ko. Limitado man ang espasyo ng condo unit pero kung ang magiging kapalit nito ay peace of mind ko na wala na akong mga stalkers, masasabi ko na pwede na rin. Yun nga lang ay walang pool na pwede kong pag liguan kapag weekend na.
"Mahal ko ang mga fans ko at marahil ay sobra lang ang pag hanga nila sa akin sa galing kong umarte kaya ganyan!" sagot ko na may halong pagyayabang.
"Yan ang gusto ko sayo, Angel! Mahalin mo ang fans mo kasi sila ang dahilan kung bakit ka sikat at tsaka mahirap nang mawalan ng fans ngayon kaya-"
Sa inis ko sa pagiging madaldal niya ay lumapit ako para muli siyang batukan.
"Ang dami mong hanash! Ang sabi ko sayo ay mag drive ka na lang eh!"
Medyo malakas ang pagkakabatok ko sa kanya pero kasi ang kulit niya eh!
"Aray ko Angel, grabe ka makabatok sa akin!"
Nag duling dulingan ako sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya. Hindi ko na siya pinansin hanggang sa makarating kami sa building. At para ngang tahimik sa lugar na ito at walang masyadong tao. Tila ba ay isang abandonadong building.
"Nasa 30th floor ang inyong apartment. Balita ko ay dalawa lamang ang unit na nandoon ngunit kayo lang ang nakatira!" sambit ni June.