CHAPTER 8

1027 Words
ANGEL POV 30th floor? Napakataas ng floor ng aming condo unit? Paano na lang kaya kapag nasira ang elevator nito? Hays, ang hirap din dito kay tiyo Lucas, hindi man lang niya sinabi sa akin ang tungkol dito. He just decide this on his own kaya nakaka gulat din ang pangyayari. Mabuti sana if nasa 5th floor pa kami, nakaka pagod ang taas ng condo namin. "Ganun ba!?" sambit kong may pag tataray, "Nahiya pa si tiyo Lucas, sana ay sa langit na niya ako pinatira para talagang wala nang makaka kita sa akin tapos araw araw akong susunduin ng helicopter!" "Teka lang... bakit ka ba sa akin nagagalit eh siya ang may pakana nito. Sige na, ingat ka ha? Baka may bumastos sayo ulit katulad noong nakaraan. Alam mo naman na may sumpa ka parati kapag nasakay ka ng elevator katulad noong nakaraan na may sumipol sayo tapos sinampal mo kaagad. Buti at nabayaran yung tao na yun ng Uncle mo kaya mas pinili na niyang maging tahimik at umiwas sa gulo. Ang hirap na pag takpan ng ganyan kaya mag ingat ka na at wag masyado mainit ang ulo." Ngumisi ako, ipinaalala niya pa ang nangyari na yun noong nakaraan eh sobrang manyak nga ng lalaki na yun na sumipol sa akin. Sa mga titig niya pa lang ay halatang hinuhubaran at pinagpapantasyahan na niya ako. "Hoy June! Tandaan mo, manyakol talaga ang lalaki na yun at inamin niya na pinag nanasaan niya na ako at nag sasarili siya gamit ang mga photos ko noong kinausap siya ni Uncle Lucas kaya deserve niya na mabugbog ng malala. Sige na nga! Aalis na ako at tiyakin mo na wag mong gagasgasan ang kotse ko kasi hindi ako mag bibiro, papabayaran ko ito sayo!" "Kaylan pa yan nangyari? Ingat ka na lang!" Bumaba na ako ng kotse at pumasok na sa building. Walang masyadong tao sa lugar na ito at bukod sa mga staff ng building, wala na akong iba pang nakikita. Talagang ghost town nga yata ito. Pumasok na ako sa loob at nag hi sa akin ang lahat ng mga staff na nakita ako. Pinagbigyan ko sila at dumeretso na ako sa elevator na solo ko. May apat na elevator dito sa loob peron syempre sa unang elevator ako sumakay. Maganda naman dito sa loob at masasabi ko na mala hotel ang lugar na ito at tahimik. Mag sasarado na sana ang elevator ng may kamay na biglang pumasok sa loob at pinigilan ito sa pagsasarado. Napahawak ako sa aking bibig at ilang sandali pa ang lumipas ay pumasok ang lalaki na naka suot ng coat, naka shades siyang kulay itim at ang bata pa ng kanyang hitsura ngunit matangkad. Nang tanggalin niya ang kanyang shades ay nakita ko ang kabuuan ng kanyang pag mumukha at halos napataas tuloy ang kilay ko. Pogi siya at parang isang model na ang lakas ng dating. Ngunit ang mas kinainis ko sa kanya ay ang titig niya sa akin na katulad tingin ng manyakis sa akin noong nakaraang araw lalo na sa boobs ko pero bigla niyang sinuot ang kanyang shades ulit at pumasok sa loob. Hindi ako natutuwa sa ginawa niyang ito. Para sa akin, kahit na pogi pa siya ay wala siyang pinagkaiba sa mga panget na manyakis. Iisa lang ang kanilang budhi. Ang mas nakaka inis pa rito ay tumabi siya sa akin. Ang tangkad pa niya, halos mas matangkad pa siya kay Uncle Lucas na 5'11 ang height. Sa tingin ko ay six footer ito at hanggang balikat lamang ako. Ang laking tao niya at ang hirap na maabot ang kanyang mukha ngayon para masampal siya. Para yatang pinaglihi ang lalaking ito sa isang kapre. At habang naakyat kami ay panay ang tingin niya sa kanyang orasan. Kaya sa pagkakataon na ito ay humarap na ako sa kanya kasi malamang ay stalker ko siya na sinundan ako rito. "Ano ha? Bakit mo ako nagawang masundan dito? Akala ko ay wala nang makakasunod sa akin pero heto ka ay pinapatunayan mo na kahit saan ako mag punta ay hahabulin ako ng mga manyakis na tao. Pero para sabihin ko sayo ay wala akong inaatrasan na laban kahit na ako pa ang mag mukhang masama na tao. Hindi mo ba alam na ayaw ko sa mga manyakis na katulad mo ha?" Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo katulad ng kanyang ginawa kanina bago ako magpatuloy sa aking pagsasalita. "Mukha kang maayos manamit, disentent tingnan at bata pa ang hitsura ngunit ang mga mata at titig mo ang nag sasabi sa akin na isa kang manyakis na lalaki. Alam mo bang kahit na babae ako ay magaling akong manapak kaya kung balak mo akong gawan ng masama, nagkamali ka ng kinalaban mo!" Tinanggal niya ang kanyang shades at tiningnan niya ako ng seryoso. Aba, parang robot ang lalaki na ito na wala man lang reaksyon ng makita niya ako. But I am so sure na kilala niya ako-impossiblent hindi! Inipit niya ang kanyang shades sa coat niya. "Excuse me miss? Sino ka ba at bakit hindi mo pa pindutin yung floor kung saan ka pupunta?" Aba at talagang ang lakas ng loob niyang magsalita ng ganito na para ba siyang taga ibang bansa na walang kaalam alam na ako ang number one celebrity dito sa Pinas at nakikita ako sa mga commercials at teleserye, sa mga movies tapos ito ang sasabihin niya. "Hoy ang bastos mong lalaki ka ha!? Ang galing mong mag salita ng ganyan sa isang sikat na artistang tulad ko! Di ba nga dapat ikaw ang tinatanong ko kung bakit balak mo pa akong sundan sa unit ko? And how dare you ka hindi mo ako kilala? Wala ka bang TV sa bahay niyo? Halos lahat ng tao na nakakasalamuha ko ay kilala ako kaya wag ka nang mag sinungaling pa. Mali ka ng kinalaban mo kaya humanda ka na!" Nag bingi bingian siya sa mga sinasabi ko at nang mag bukas ang elevator ay bigla siyang lumabas na para bang wala siyang kausap. Sinundan ko ang mokong na lalaking ito na balak pa yata akong unahan sa pagpasok sa condo unit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD