CHAPTER 9

1006 Words
ANGEL POV "Hoy kutong lupa ka, talagang plano mo pa yata na pumasok sa condo namin ha!" sambit ko. At talagang ito nga ang kanyang ginawa. Pumasok siya sa loob ng condo namin ni Uncle Lucas at sinaraduhan na lamang ako basta ng pintuan. Naiinis ako sa ginawang kabastusan ng lalaking ito. Kinalampag ko ang pintuan ng ilang beses. Grabe ang kabastusan ng lalaking ito at sana ay kanina ko pa siya sinapak para matikman niya kaagad ang galit ko ngunit too late na para gawin ito sapagkat nasa loob na siya. "Hoy kung sino ka mang lalaki ka, buksan mo ang pintuan na ito! May gana ka pang pumasok sa loob ng condo namin ng Uncle ko ha!" sigaw ko habang patuloy kong kinakalampag ang pintuan. Walang sumasagot sa loob at tatawagan ko pa lang nga ang Uncle ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko. "Angel anong ginagawa mo diyan?" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko itong si Uncle Lucas na lumabas sa isang pintuan at naka boxer shorts lamang siya. Nakapamewang siya at kitang kita ko ang mga batak na muscles sa kanyang mga kamay at sa dibdib. Pero nawala na ang paborito kong tingnan na balbon sa kanyang dibdib papunta sa kanyang pusod na siyang mas lalong nagpapa hot sa kanya. Lumapit ako sa kanya kaagad. "Kasi ang bastos ng lalaki na yun kanina. Pumasok sa condo natin matapos niya akong supladuhan kanina. At ang mas nakaka loka pa ay hindi niya raw ako kilala!" Napangisi siya pero in fairness, ang bango niya at halata na bagong ligo siya na masarap yakapin. "Yun na nga eh, ang sabi sa akin ng agent ay matagal na raw walang nakatira sa kabilang condo unit kaya nga ito ang napili ko. Pasenysa ka na pero wag kang mag alala, kapag nakita ko ang nambastos na yun ay may kalalagyan siya sa akin." "Hindi niya ako kilala, mas nasaktan ako doon sa totoo lang... mabuti sana kung nasa ibang bansa tayo..." "Baka naman taga bundok yan!? Hayaan mo na, wala na tayong magagawa. Basta kapag nang gulo sayo ang lalaki na yun ay ireklamo na natin kaagad para mapa alis na dito. Anyway, pumasok ka na sa loob, mayroon akong munting sopresa para sayo babe!" Hinatak niya ako kaagad papasok sa loob at sinandal sa pintuan. Lumapit siya sa akin at naramdaman ko ang init ng kanyang hininga. Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko na para bang ayaw niya akong pakawalan. "Sobrang na miss kita, babe! Ang lungkot ko nga na hindi man lang kita ng isang gabi. Pakiramdam ko nga ay isang taon tayong hindi nagkita!" Ang lagkit pa ng mga titig niya sa akin habang binibigkas niya ang mga mabulaklak niyang mga salita. "Thank you, I missed you too ngunit minsan ay kaylangan na magpa miss din tayo kasi doon tayo mas nagiging sabik sa isa't isa at tsaka need din natin ng space," sambit ko. Mas naging mahigpit pa nga kanyang pag hawak sa mga kamay ko. Dama ko nang nag iinit na siya sa mga sandaling ito. "Sana nga... pero are you sure na walang nakaka kita sayo na kasama si Cindy ha?" tanong niyang may pag dududa. Napabuntong hininga tuloy ako ng malalim sa sinabi niyang ito. "Please wag niyo na sana akong pagbawalan na makipag friend sa kanya kasi kahit noong hindi pa ako masyadong sikat ay siya na ang unang nakipag friend sa akin kaya ngayon na naging baliktad na ang aming sitwasyon, gusto ko pa rin siyang maging friends." Inaasahan ko na ngingiti na siya sa pagkakataon na ito subalit mas lalo pa siyang naging seryoso. "You know what? The moment I have seen that woman, I feel something off about her. Para bang nasa loob ang kulo niya. I am sorry kung nasaktan ka sa sinasabi ko ngunit maaaring mali rin ako." "Nasaktan talaga ako lalo na ngayon na may pinagdadaanan pa siya-" Bigla niyang pinutol ang aking pagsasalita. "Hindi na importante ang tungkol kay Cindy. Ang importante rito ay ang tungkol sa atin. Kalimutan muna natin ang mundo sapagkat tayong dalawa lamang ang tao rito." Sa isang iglap lamang ay naramdaman ko na ang kanyang labi na dumikit sa labi ko. Dama ko kaagad ang kanyang pananabik sa masarap naming halikan. Mas lalo pa nga niyang inilapit ang kanyang katawan sa akin. Grabe nga ang halik niya, ang hayok at para bang isang taon kaming hindi nag kiss sa pagiging aggressive niya. Pero gusto ko ito, sa lahat ng mga naka halikan kong lalaki, iba pa rin ang halik na dala nitong si Uncle Lucas sapagkat nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal. At maituturing ko ang pagkakataon na ito na nakaw na sandali sapagkat hindi namin ito pwedeng gawin sa harapan ng maraming tao. Kaylangan na normal ang bawat na galaw namin dahil natatakot kami na may makahalata. Bukod sa bahay, sa ibang bansa na kami madalas na mag halikan ng ganito, yung wala nang makaka alam. Masasabi ko na mahirap ngunit masarap lalo na at pinadama ni Uncle Lucas kung gaano niya ako kamahal at talagang iniingatan niya ako. Bonus points na lamang ang kanyang ka gwapuhan dahil sa ugali pa lamang niya ay nahuhulog na ako sa kanya. Wala nga akong masabi sa kanya kasi ang galing niya pang manager sapagkat napasikat niya ako kaagad sa maikling panahon. Kung sa iba ako nagpa manage ay baka malaos na ako nito. Sino ba ang mag aakala na sisikat ako ng ganito kahit na boba ako sa salitang English? Sadyang naging maswerte rin ako sa kanya kahit ka hindi kami totoong magkadugo. Pilit kong sumasabay sa sayaw ng kanyang mga labi ngunit nahihirapan ako sapagkat masyado siyang mabilis humalik at para bang kakainin niya na ang labi ko. Binitawan na nga niya ang aking mga kamay at sunod niyang hinaplos ang mga pisngi ko. Dama ko ang init nito kaya napapikit na ako. Dito ko mas lalong naramdaman ang sarap ng mga nakaw na sandali namin ng lihim kong sinisinta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD