FDG—3

2320 Words
BASKETBALL "Mirah!" sigaw nina Bambie habang palapit sila sa akin. Ayos na ayos silang tatlo ngayon. Parehas pa silang tatlo na naka-high ponytail ang buhok. Parehas din sila ng suot. Barbie na tshirt na tinernuhan ng white plitted mini skirt. Nagpunta kasi sila sa mall kahapon para bumili. Hindi ako nakasama. Ayaw kong sumama dahil ayaw kong magsuot ng damit na kaparehas nila. Dinahilan ko na lang na grounded ako dahil sa nangyari noon sa pool even if it's not true. Yeah, lying is bad. Kaso iyon lang ang naisip kong dahilan para hindi sumama sa kanila. Tinignan nila ang kabuuan ko. Naka-princess braid ang aking buhok. Maaga akong gumising para magpaayos sa aming katulong. Hindi ako nag-make up na kagaya nila dahil nasa bahay sina lolo at lola. Tiyak na hindi nila ako paaalisin ng bahay kapag nakita akong may kolorete sa mukha. To think na papasok lang ako sa school at hindi pupunta sa isang event with family. At bukod doon may isa pang dahilan. I am also wearing a jump skirt and a crop top shirt on top. I paired it with white old skool shoes. "Bakit ganiyan ang suot mo?" Ngumuso lang ako at tinignan kunwari ang suot ko bago tumingin sa kanila. They texted me last night. They told me what are they going to wear. Ang gusto nila ay kaparehas din sa kanila ang susuotin kong damit. "Wala akong ganiyan na damit, e." Mula nang mangyari iyong insidente na kamuntik akong malunod, hindi na ako sunod-sunuran sa gusto nila. Nayayamot nila akong sinita pero sinimulan ko ng maglakad sa pathway. Bahala kayong tatlo. "Magchi-cheer pa man din tayo ngayon kaya nga dapat parehas ang suot nating tatlo..." pagmamaktol ni Aeriel habang naglalakad sa aking likuran. Napaka-big deal sa kanilang tatlo ngayong araw dahil dadayo ang mga taga-Bridgeton Academy dito sa aming school para sa isang basketball match. They will not be cheering for the basketball team of our school. Magchi-cheer sila sa kabila dahil naroon ang mga crush nila. "Bibig ang gamit sa pag-cheer," pamimilosopo ko. . . May klase pa kami hanggang eleven ng umaga, pero ang mga estudyante ay halos hindi na nakikinig na nakikinig lalo sa last subject namin. Ang mga babae ay mga busy sa pagpapaganda. "Sino ba sila?" nang-aasar na tanong ng mga lalake. "Kung makapagpaganda kayo, para bang mga artista ang mga dadayo. E, mas guwapo pa nga kami sa kanila. Akala niyo naman papansinin kayo ng mga iyon! Ang kakapal ng make up niyo! Lalo na kayo Aljane at Aeriel!" Nagtawanan ang iba ko pang kaklase. Totoo naman kasi, ang kapal na ng make up nila. Wala na ang natural na ganda nilang tatlo. Gusto ko din sanang maglagay ng make up, kaso allergic ako sa make up na gamit nila. I have my own make up at home. I didn't put it in my bag. Actually nilagay ko kanina kaso binalik ko din sa kuwarto ko. Nabanggit kasi ni Kuya na sa Bridgeton nag-aaral si Fourth. Baka isipin pa ng lalakeng iyon na nag-make up ako at nagpaganda dahil sa kaniya. Pero sana lang hindi siya kasama sa pupunta dito ngayon. Mukhang hindi naman siya iyong sporty type. Tipong pumapasok lang siya sa school, makikinig kunwari pero wala namang pumapasok sa utak. Naalala ko na naman iyong payat na lalake na nakasuot ng palda na pink at bagong tuli. Hindi pa siya noon ganoon katangkad. Thirteen years old pa siya noon, ngayon fifteen na siya. Fifteen na kami. Ang sabi ng kaniyang yaya ay same kami ng birthday. At isa pa iyan sa pinang-aasar sa akin ni Kuya. Parehas kami ng birthmonth, kaya bagay daw kami. Parehas daw kaming kulang-kulang, kaya mas bagay daw kami. Sabay hirit ni mommy, kami daw ang bubuo sa isa't isa. I would p**e. Nakakainis! "Tingnan niyo si Mirah. Natural na natural ang ganda. Hindi na kailangan ng make up sa mukha!" At nadamay pa nga ako sa usapan nila. I pretend that I didn't hear them, dahil baka mas lalo pang mainis ang dalawang kaibigan ko. Tumayo na ako at lumabas ng classroom. Tapos na ang klase namin. Pupunta na muna ako ng canteen para bumili ng frappe, bago ako magpunta sa library upang magtago doon. Wala akong plano na manood ng basketball game mamayang one pm. Baka kasi kasama iyong lalake na iniiwasan kong makita. Kaso pagdating ko sa canteen, gusto kong umatras. Ang lalakeng iniiwasan ko ay nakapila sa bilihan ko ng frappe! Too late para umalis dahil nakita na nila ako. Kasama niya sina Dalton at Spike. Nginisihan ako ng dalawa samantalang si Fourth naman ay tamad na napatingin sa akin. Mag-iiwas sana ako ng tingin kaso na-realize ko na bakit ko naman gagawin iyon? The guy look bored while looking at me. Pakiramdam ko iniinsulto niya ako. I look at him disgustingly before looking away. I hear Spike and Dalton's soft chuckle. Pumila ako sa likod nila. Iyon lang talaga ang sadya ko dito sa canteen. Hindi ako magpi-pretend na bibili ng iba para lang umiwas sa lalakeng 'to. May nauna sa kaniya sa pila na isang lalake, nasa unahan naman siya ng dalawa niyang kaibigan. "Ladies first." Pinasingit ako nina Spike at Dalton ngunit hindi ako gumalaw. Nagulat na lang ako nang hilain nika ang strap ng bagpack ko papunta sa harapan nila. Sa likuran ni Fourth. Hindi naman nag-abala ang lalake na tumingin o lingunin ako. Yeah, he's bored by just looking at me. Pasimple kong hinagod ng tingin ang kaniyang likuran. He's wearing his school uniform. Walang dalang bagpack. So, he's not part of the basketball team. Well, mukha naman kasi siyang patpatin noon pa. Napatingin ako sa kaniyang broad shoulders. Hindi na siya patpatin. Mas malaki na ang katawan niya ngayon. Mas matangkad na din siya. Five five ang height ko. Tantya ko ay nasa five nine naman ang height niya. Tsss! Don't stare at him, Almira! saway ng aking utak. "Likod pa lang, guwapo na..." I can hear the two guys at my back murmuring something. Alam kong ako ang pinapatamaan nila. Kaso in-ignore ko na lang sila dahil ayaw kong makaagaw kami ng pansin ng iba. Ayaw kong makahanap ng itutukso sa akin ang ibang mga estudyante dito sa Ariston Academy. Iba pa man din sa mga kababaihan dito ay hinahanapan ako ng mali at ng puwedeng ipintas sa akin. Ako lang naman ang tinanghal na campus crush dito sa Academy, for three years now, kaya mainit ang dugo sa akin ng ibang mga babae. ... Nang makuha na ng nasa unahan ni Fourth ang order nito, humakbang na siya. "Coffee jelly sa akin." "Chocolate chip for me." Inis kong nilingon sina Dalton at Spike. Really? Pinasingit pa nila ako sa pila tapos si Fourth naman pala ang kukuha ng order nilang tatlo? Ngumisi ang mga 'to. "What's your order?" asked Dalton, ignoring my annoyed face. Hindi ako nagsalita. "Two order of strawberry, one chocolate chip and one coffee jelly." Napatanga ako kay Fourth. In-order-an niya ako! And how did he know that I like strawberry? Nababasa ba niya ang isip ko? Naghintay ako na mabigay ang order. Nakatanga na pala ako ng matagal. Nang ibigay ang order, doon ko lang naalala ang aking wallet. Kumuha ako ng five hundred peso bill doon. Binitbit ni Fourth ang dalawang strawberry. Ang dalawa naman ay dinampot ang kanila. Iaangat ko na sana ang kamay ko nang humarap si Fourth sa akin, kaso natigilan ako nang marinig ko ang boses ng babae na nagsalita sa aking likuran. "Thank you, Fourth!" Napatingin ako sa babae. She's wearing a Bridgeton uniform. Naka-braid din ang buhok pero hindi kasing perfect ng braids ko. Sino siya? Nakasunod ang aking mga paningin sa kanila hanggang sa makaalis sila ng canteen. Doon ko pa lang naalala na napahiya ako. Naiinip na nakatingin sa akin ang mga nakapila sa likod, kaya umusad na ako para mag-order ng akin. Um-order ako ng iba. Hindi strawberry. Mula ngayon ayaw ko na ng strawberry frappe. Hanggang sa makuha ko ang aking order, parang wala pa din ako sa aking sarili. Ngayon lang ako napahiya at nagmukhang tanga sa buong buhay ko. Ang campus crush, ginanon lang ng Fourth na iyon? Hindi ko ininom ang in-order ko. Hindi ko naman talaga ito gusto. Strawberry lang talaga ang gusto ko. "Almira, kanina ka pa namin hinahanap!" Lumapit sa akin ang tatlo. Imbes na taguan ko sila, sumama na lang ako. Naiinis talaga ako sa Fourth na iyon! Nakita ko sila sa mga benches malapit sa parking lot. May kasama silang dalawang babae na nag-aaral dito. Kausap ng mga 'to iyong babae na taga-Bridgeton. "Narito na nga daw ang mga taga-Bridgeton." "Almira, di ba, kilala mo si Fourth De Gracia?" "Yeah," tamad kong sagot. "Hindi ba kayo close? Di ba, magkaibigan ang mga kuya niyong dalawa?" "We're not close." "Huh? Di ba, siya ang sumagip sa'yo nang kamuntik kang malunod?" Napangiwi silang tatlo. "Well, nakita na niyang nalulunod ako, kaya niligtas niya ako. Hindi gaya ng iba diyan na panonoorin lang akong malunod at mamatay." Hindi ko sinasadya pero nagngingitngit na pala ang mga ngipin ko. At bakit ko ba nasabi iyon? Samantalang nananaig ang inis ko sa Fourth na iyon kaysa dito sa tatlo. NASA GYM NA KAMI. May mga dalang blue na pompoms ang mga babaeng estudyante dito sa Ariston. Ang mga babae din na taga-Bridgeton ay may hawak na pulang pompoms. Nang pumasok ang mga basketball players tumili ng malakas ang mga babae. Nagsimulang mag-cheer kaliwa't kanan. Hindi naman ako gumalaw mula sa aking kinauupuan. Lalo na ng makita ko ang player ng kabilang school. Kasali si Fourth sa mga player. Magaling siya pero hindi din papatalo ang campus heartthrob na si Huxley. Nagagawa nitong pigilan ang mga bola na sinu-shoot ni Fourth. Tumili ang mga kababaihan na myembro ng kaniyang fans club. "Huxley!" "It's okay, Fourth!" cheer naman sa kabila. "Ano, kanino kayo magchi-cheer?" tanong ko sa tatlong babae sa tabi ko. Broken hearted sila. Nalaman nila na may mga girlfriend na pala iyong mga crush nila. Lahat naman yata sila mayroon na. Sinama pa nila dito para may taga-cheer sila. Kinuha ko ang pompoms na nilapag ng presidente ng fans club ni Huxley. Nang maagaw ni Huxley ang bola mula kay Dalton, tumayo ako at nag-cheer. "Go, Huxley!" "Go, Huxley!" Napatingin sa akin ang mga estudyante dito sa buong gym. Pati sina Spike at Dalton ay naagaw ko din ang mga atensyon. Ang awkward pero tinuloy-tuloy ko na lang ang pag-cheer. Hindi ako nanonood ng basketball games dito sa school kaya bago ito sa buong Academy. Mabuti na lang at hindi ako iniwan sa ere ng fans club ni Huxley. Nang ma-shoot ni Huxley ang bola, I screamed! "Nice one, Huxley!" Tumingin sa gawi ko si Huxley at ngumisi. Mas lalo pang lumakas ang tilian. Para naman akong nakawalang hayop sa kulungan dahil nakitili din ako sa kanila. Tumatawa naman ang mga kaibigan ni Fourth. Tinapik nila ang balikat ng lalake. Napamura ako nang maagaw ni Fourth ang bola kay Huxley. "Agawin niyo ang bola!" sigaw ko. Pero mas lalo pang binilisan ni Fourth ang takbo niya. Ang swabe ng galaw niya hanggang sa ma-shoot niya ang bola. "Okay lang iyan, guys!" "Offense!" "Offense!" "Go, Huxley!" Hawak ulit ni Fourth ang bola. Nagdi-dribble siya. Si Huxley naman ang nasa harapan niya, ginaguwardyahan at hinaharangan siya ng maigi. Ilang beses na sinubukan ni Fourth na kumawala pero hindi niya magawa, kaya pinasa ni Fourth ang bola kay Dalton. Kaso di hamak na mas malaki sa kaniya ang fourth year na nakabantay sa kaniya kaya pinasa niya kay Spike. Na-shoot ni Spike ang bola. Hindi ko akalain na mag-e-enjoy ako sa game na 'to. Iyon nga lang, tabla na ang score ng magkabilang team. Na kay Huxley na ang bola. "Go, Huxley! Daanin mo sa laki!" sigaw ko. Napatanga sa akin ang mga estudyanteng babae. Ang mga lalake na green minded ay nagtawanan. Ang dumi ng mga utak. "Huxley, mas malaki ka sa kaniya! Go!" Natatawa na din ang ibang mga player. Para silang mga tanga. "Ipakita mo sa kaniya na mas malaki ka!" pagpapatuloy ko. And hindi nga ako binigo ni Huxley, nag-three points siya. Nakakabingi ang hiyawan sa buong gym. Lalo na ng tumingin si Huxley sa akin at tinuro ako. Natatawa naman akong tumili. Kaya nang hawak na ulit ni Huxley ang bola, nakiki-cheer na ang buong Ariston. "Malaki! Malaki! Malaki!" Ewan ko sa kanila bakit ito pa talaga ang china-chant nila. "Oh, yeah! Huxley Daks for the win!" sigaw ni Bambie ng mag-three points shot siya ulit. Ang akala ata ng iba, ako iyong sumigaw. Medyo kaboses ko kasi si Bambie. Dahil doon, pangalan ko na ang chini-cheer ng buong school. "Bambie, nakakahiya ka," inis kong sambit sa babae. "Ikaw ang nakakahiya kasi akala nila ikaw iyon," tumatawa namang sabi ng dalawa. Yeah, kapag magsu-shoot ng bola si Huxley, pangalan ko na ang chini-cheer ng mga estudyante dito sa gym. Nakakainis! "Almira!" "Almira!" "Huxley! Almira!" Parang mga tanga. Pero overall, nag-enjoy ako. Nanalo ang team namin. Isang puntos lang ang lamang. ... Kahit gusto ko ng umuwi sana, pinagbigyan ko ang hiling ng fans club ni Huxley na pumunta sa court para lapitan ang lalake. "Hi, thank you!" Pinisil ni Huxley ang pisngi ko. Sumimangot naman ako at tinabig ang kamay niya. "Congratulations!" "I think I owe you," sabi niya habang pinupunasan ang basa niyaang buhok gamit ang towel na inabot ko sa kaniya. Ginawa pa akong taga-abot ng mga fans niya. "Wala iyon." Umiling ako. "Lunch, bukas? What do you think?" taas kilay niyang tanong. Tatanggi sana ako kaso sa perioheral vision ko, nakita ko ang grupo nina Fourth na nakatingin sa amin sa malapit. At hindi ko alam kung bakit napa-oo ako ni Huxley dahil doon. Ngayon kailangan kong gumawa ng excuse bukas sa lunch na iyon. Baka masama ang pakiramdam ko bukas, kaya hindi ako makapapasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD