FDG—2

1763 Words
SWEET FIFTEEN "Ano ba iyang suot mo, Anak? Dapat nag-long gown ka," sita ni mommy sa akin pagbaba ko ng hagdanan. Dadalo kami ngayon sa wedding anniversary celebration nina Mr. and Mrs. Smith. Hindi sana ako isasama nina Mommy kaso pinilit ko sila na isama nila ako. Pupunta daw kasi ang ilan sa mga kaklase ko na anak din ng mga negosyante na dadalo sa party na pupuntahan namin. I'm wearing a pink glittery bodycon dress that is above the knee. Si daddy na patayo na dapat ay bumalik sa pagkakaupo. "What?" tanong ko naman habang nakatingin sa suot kong damit at sa strappy sandals na suot ko sa paa. Ang ganda nga ng suot ko, e. Ano'ng mali dito? "Hindi tayo sa bar pupunta, Anak. And you're too young for that kind of stuffs," mahinahong paliwanag ni daddy. "But I want to wear it, dad." Sinulyapan lang ni daddy si Mommy. Pagdating sa mga bagay na ito si mommy talaga ang nagdedesisyon. Humalukipkip si mommy at tinaasan ako ng kilay. "We're not leaving until you changed your dress, Almira." Ayun, Almira na. Ibig sabihin seryoso na siya. I sighed. Sayang naman itong suot kong damit. Gusto ko pa man din ito. Pang-picture taking na lang ang purpose nito at hindi ko na masusuot sa party. Nagpalit ako ng damit. Iyong gusto ni mommy na baby blue spaghetti dress na abot hanggang sakong. Mabuti na lang at hindi pinilit ni mommy na isuot ko ang shaul na kapares nito. Magmumukha akong matanda. Baka pagtawanan pa ako ng mga kaibigan ko na dadalo sa party. "Much better. You look beautiful in that dress," papuri ni mommy bago kami lumabas ng bahay. "Of course, mom! Lahat naman bagay sa akin." Umiling-iling siya pero hindi na kumontra pa. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kanino pa ba ako magmamana? Syempre sa kanila ni daddy at mommy na parehong maganda at guwapo. Nagsisimula na ang programa pagdating namin. Wala na iyong pa-special na red carpet entrance. Mangilan-ngilan na lang din ang photographer at mga media na nakaabang sa labas. Siguro sila iyong mga walang invitation sa party. Some of them were asking dad about some stuffs but dad just gave them a friendly smile. Pagdating sa loob, sinalubong kami ng mga usherette. They guided us to our table. Naroon na si Kuya Alwin na prenteng nakaupo. Kasama niya sa mesa si Kuya Jetro. Ngayon ko na lang siya ulit nakita mula nang magpunta ako sa bahay nila. Hindi na ako sinama pa ulit ni Kuya sa mga lakad nila ng mga kaibigan niya dahil sa nangyari noon. Sinumbong pa niya ako kay Mommy at Daddy noon. I feel humiliated. Pinagkaisahan nila ako, sinasabi pa nila na may gusto daw ako sa Fourth na iyon, e, wala naman. Hindi ako magkakagusto sa isang bakla at iyakin. Pinaiyak ko daw ang lalake. Sinabi ko na wala naman akong kasalanan. Kasalanan ng Fourth na iyon dahil sinigawan niya ako. Ayaw ko ng sinisigawan ako, kaya ayun, sinigawan ko din. Kaso inaasar pa din nila ako. Sa sobrang inis ko, naiyak ako. Kasalanan iyon ng Fourth na iyon. Tsk! Ayaw ko nang maalala pa iyon, pati ang Fourth na iyakin at bakla. Nagsasalita sina Mr. and Mrs. sa harapan. Inaantok na ako sa haba ng speech nila. Luminga-linga ako sa buong hall upang hanapin kung saan nakaupo ang mga kaibigan ko. Nasa dulo sila, ang layo nila. Napatingin ako sa kabilang mesa nang may mapansin ako na ilang mga lalake na sa tingin ko ay hindi nalalayo sa edad ko. Napatitig ako roon ng ilang minuto. Pamilyar sa akin ang tatlong mga lalake. Kung hindi ako nagkamamali si Dalton iyong nakasuot ng blue suit, anak ng Mayor sa isa sa syudad dito sa Ncr. Si Spike naman na nakasuot ng black suit, na ang family business ay hospital chains at ang isa... kumunot ang aking noo dahil hindi ko agad siya nakilala. Bored na tumingin sa akin ang lalake na nakasuot ng baby blue na suit. At parehas pa talaga kami ng kulay. Nakahalukipkip siya habang walang kurap na nakatingin sa akin. Sino na nga ba siya? Bigla itong ngumisi na kinasikdo ng aking puso. What was that? Gustuhin ko mang makipaglabanan ng titigan sa kaniya kaso hindi ko matagalan. Sino ba ang lalakeng 'to? Narinig ko ang pagngisi ni Kuya Alwin kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangising aso sila ni Kuya Jetro habang nakatingin sa akin. "What?" inis kong tanong. "Nakita mo na ang crush mo?" biro niya na hindi ko agad nakuha. "Sino?" may bahid ng inis na tanong ko saka ko muling sinulyapan ang mesa, kung saan nakaupo ang tatlong lalake. Napatingin sa akin si Daddy sabay sulyap sa gawi ng tinitignan ko. Si Mommy ay nagtanong naman kung ano iyong pinag-uusapan namin nina Kuya. "Iyong crush ni Almira," natatawang biro ni Kuya. Agad namang sumama ang timpla ng aking mukha. Gusto kong singhalan si Kuya dahil nagsimula na naman siya sa pang-aasar sa akin. "Oh, si Fourth..." Mahinang humalakhak si mommy. "What?" Sino'ng Fourth? Oh my! Siya si Fourth? Halos hindi ko siya nakilala. Nang muli akong mapatingin sa kaniya nahuli kong nakatingin pa din siya sa akin. What is he staring at? Tumawa si Mommy. May binubulong din si Kuya kaya napasimangot na ako. "Terno pa sila ng damit..." I didn't choose this dress! Pulang-pula na ang mukha ko sa inis! "Mom, you're so noisy," mahinang saway ko sa kaniya. "Daddy, oh..." sumbong ko. "Alwin, stop teasing your sister," saway ni daddy sa aking kapatid. ... Iniwasan ko ng mapatingin kay Fourth kahit may gusto sana akong tignan sa gawing iyon. Ayaw kong inaasar ako, baka hindi ko mapigil ang inis ko. Baka mag-walk out ako. Tiyak na grounded ako kapag ginawa ko iyon. Matapos kumain, lumapit na ako sa mga kaibigan ko. Nasa sulok sila. Kumukuha ng dessert sa may grazing table. "Almira, bakit ganiyan ang suot mo?" Nainis ako sa tanong nila. Paano ba naman kasi, nasuot nila ang gusto nilang mga damit. Sana all na lang hindi pinapakialaman ng magulang ang suot. Naglagay sila ng dessert sa plato na hawak nila saka sila nag-aya na magpunta sa may likod nitong event center. Naupo kami sa mga upuan sa gilid ng pool. "Look what I got!" Napasinghap kaming tatlo nang makita ang bote na hawak ni Bambie. Nakapagpuslit siya ng alak! Tumili sina Aeriel at Aljane. "Oh my God! Ang galing mong magpuslit! Buksan na natin, I want to try that wine." Binuksan ni Bambie ang bote. Siya ang naunang uminom nito, pagkatapos ay nagpasahan ang dalawa. When it was my turn already. I hesitate a bit. "Come on, Mirah..." Bahala na. Hindi naman siguro ako maaamoy nina Mommy at Daddy. Pagkainom ko, halos mailuwa ko ang alak. Ang pangit ng lasa. Ang init din! Pakiramdam ko nasunog ang tonsils ko rito. The girls were pushy. Hindi sila pumayag na mag-pass ako sa ikot ng bote. Hanggang sa makalahati namin ang bote. It feels like the world is revolving. Tawa nang tawa ang tatlo. Oh my! I think we're drunk. "Tama na," saway ko sa kanila. Kung hindi kami titigil, mahuhuli kami ng mga magulang namin. We'll be grounded. "We're already drunk. Let's stop drinking." "Oo nga, umiikot na ang paningin ko." "Oh my God! My eyelids are heavy." "We can't go back inside like this," sabi ni Bambie. "Yeah. I suggest that we should take a dip." "Huh? Pero naka-dress tayo!" "E di hubarin natin ang mga dress natin. Patapos na din mamaya ang party kaya sa parking lot na natin hintayin ang mga parents natin." Nauna ng maghubad ng damit ang tatlo. Nanatili naman ako sa dulo at nakatayo. Nagdadalawang isip kung gagaya ba ako sa kanila. May banyo naman. Puwede akong maghilamos doon. Tingin ko mababawasan ang tama ng alak kapag naghilamos ako. "Oh, saan ka pupunta?!" pigil sa akin ni Bambie. Bago pa ako makahakbang palayo sa pool, the girls grab the hem of my dress. Nahulog ako sa pool. Dahil hilong-hilo ako hindi ako nakaahon mula sa pagkalublob. Ilang beses akong nagkakawag pero hindi ako makaahon. Nakainom na din ako ng tubig ng pool. I panicked! Oh my God! Somebody help me! ... UBO AKO NANG UBO. Nasa gilid na ako ng pool. Nakahiga sa Bermuda grass. Paano ako napunta dito? Someone was tapping my back. Nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko si Fourth. Nakatayo siya sa harap ko at seryosong nakatingin sa akin. Basang-basa siya. Nag-swimming din siya? Ang lalakeng tumatapik sa aking likod ay si Dalton. Hindi siya basa. Ganoon din si Spike, tuyo ang suot niya. Si Fourth lang ang basa. "Are you okay?" tanong ni Spike. Tumango ako. "What happened?" "You almost got drowned... No, you got drowned." "Huh?" Inisip ko ang nangyari. That was so stupid. At nasaan na ang tatlong babaeng iyon? Nawalan ako ng malay? Gaano katagal? Hindi ko ma-processed sa aking utak lahat ng nangyari. Dahil na din siguro sa bigla at sa alak na nainom ko. "Huwag kang mag-inom kung hindi mo kaya." Tiningala ko si Fourth na nagsalita. Sinimangutan ko siya. "Why do you care?" Seryoso lang niya akong tinignan bago siya tumalikod. Tinanggal niya ang suot na blazer saka piniga ang tubig doon. "He just save you. You should be thanking him," sabi ni Dalton, tumayo na siya. "Teka." Ano'ng nangyari? Nawalan ba talag ako ng malay. "Sino ang nag-CPR sa akin?" "Sino sa tingin mo?" tanong pabalik ni Spike. Ngumisi siya. Siya ba? CPR lang ba? Oh my God! M-in-outh to mouth precipitation din ba ako? Sino? Tumawa sina Spike at Dalton nang makita ang kaba sa mukha ko. "Kung hindi namin siya pinilit na i-mouth to mouth ka, baka hindi mo na nasilayan ang liwanag." What?! Tulala ako habang pinapanood ko silang maglakad palayo. Unconsciously, napahawak ako sa virgin kong labi. Virgin pa 'to kanina. Ngayon hindi na. .... "Almira! Oh my God!" Tumatakbong palapit sa akin sina Daddy, Mommy at Kuya Alwin. Nakasunod din sa kanila sina Mr. and Mrs. Smith. Lagot ako nito. Paano ko sasabihin sa kanila ang nangyari? Tiyak na tatlong buwan akong grounded dahil sa nangyari. "Nahulog ka daw sa pool sabi nina Fourth." Sinabi niya iyon? Ano pa ang sinabi niya? "Mabuti at nakita ka niya. Bakit ka ba kasi nandito?" Wala na ba siyang ibang sinabi? Nagkamot ako ng ulo. Sakyan ko na lang ang sinabi niya sa mga magulang ko. Buti at hindi niya ako sinumbong. Dahil kung sinumbong niya ako, isusumpa ko talaga siya, na mamalasin siya ng isang taon, ay hindi, mga anim na taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD