CHAPTER 5

1036 Words
ANGEL POV Nang tinginan ko ang cellphone ko ay panay na ang chat at tawag ni Uncle Lucas sa akin at panay ang hingi niya ng sorry. Wala na akong galit sa kanya pero tampo ay meron pa rin kaya kahit na magpaalam ako ay titiisin ko muna. Basta gusto ko muna mag spend ng time kasama itong si Cindy para may bonding kami. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na marami ding mga customers. Mabuti na lang at nandito ako sa pinaka dulo at hiwalay sa upuan ng mga tao. "Mukhang malakas ang restaurant mo ha?" sambit ko sa kanya. Ngumiti si Cindy, "Kapag weekends lamang ito malakas at especially kapag nandito ako. Pero kapag wala ako ay matumal rito at halos wala ngang katao tao. I mean to say, ganito sa business, walang permante kaya kaylangan kumayado ng kumayod. Medyo lugi na nga ito kung tutuusin ngunit kahit papaano ay nakakabawi pa rin kami. Ikaw, bakit ayaw mong mag business since maganda ang kitaan sa showbiz?" "Business?" tinawanan ko siya, "Malaki pa ang kinikita ko rito at tsaka sakit lamang yan sa ulo. Mas maganda pa rin na mag artista ka tapos ipunin mo ang lahat ng pera mo. Siguro mag nenegosyo ako kapag naging matamlay ang career ko pero sa ngayon ay ayaw ko pa yan isipin." "Sige, iwan muna kita rito ha? Aasikasuhin ko ang ibang mga customers namin. Marami din kasing mga nagpapa pictures sa akin kanina. Yan ang pinunta nila rito kaya sabi ko ay dapat mag order muna sila. Oh diba? Pautakan lang ito beshy, that is one of the perks ng pagiging isang artista." Tumayo na siya at umalis ng hindi man lang ginagalaw ang kanyang milk tea. Grabe, nakangiti man siya subalit nakikita ko pa rin ang lungkot na nag kukubli sa kanyang mukha. Sigurado ako na magsasara na ang negosyo niyang ito. Naging matyaga ako sa paghihintay ko rito at habang nakaupo ako ay nakatanggap ako ng tawag galing kay tito Lucas. Mukhang hindi niya ako tatantanan, kukulitin niya ako at baka iba iba pa ang kanyang tawagan kaya sinagot ko na ang kanyang tawag. "Hello? Kanina pa kita tinatawagan, nasaan ka ba ngayon ha?" bungad niyang tanong na tila ay seryoso ang pananalita. "Look sorry sa mga nasabi ko kanina ngunit sana ay umuwi ka na para makapag usap tayo ng masinsinan. Alam mong artista ka, paano kung may makakita sayo? Magiging issue pa ito kapag nagkataon!" Napangisi ako, "Kalma tito Lucas! Nandito ako sa restaurant nila si Cindy at nag suot ako ng face mask kanina. Napilitan pa nga akong mag withdraw ng pera. Plano kong matulog sa kanila mamaya since lilipat na tayo. Dumating na ba ang mag hahakot ng mga natitirang gamit natin?" "Mamaya pang gabi at maraming mga fans mo dito sa labas. Busy rin ako ngayon sa ginagawa ko. Ipapasundo kita mamaya kay June!" "Yung drive natin? Akala ko ba ay nag resign na siya kasi pupunta na siya sa Canada?" "Cancelled ang kanyang flight at inalok ko siya na mag stay sa atin para doblehin ko ang kanyang sweldo. Ipapasundo kita sa kanya." "No!" sambit ko, naiinis ako doon kay June kasi ang kulit niya rin, madaldal na driver. "Nakiusap na ako kay Cindy at sinabi niya na pwede raw akong matulog sa bahay nila." "Ano? Bakit mo yan gagawin, laos na si Cindy. Pwede mo siyang dalawin ngunit wag kang makikisama ng madalas sa kanya. Ikaw ang sikat ngayon kaya wag kang didikit sa kanya at baka bumango pa ang pangalan niya. Sige ka, career mo ang isipin natin dito." Naiinis ako kay tito Lucas. Talagang ang lahat ng mga bagay ay gusto niyang bigyan ng kulay at malisya. Pati ang social life ko ay gusto na niyang kuhain mula sa akin. "Tito Lucas, please hayaan niyo rin ako na i enjoy ang buhay ko. Malayong mangyari ang sinasabi niyo. Basta, wag niyo na akong susunduin. Didiretso na ako bukas sa condo natin. Gusto ko na maglaan ng oras para sa kaibigan ko kasi araw araw akong nagtatrabaho. Ang nais ko lamang ay maramdaman na may social life ako!" Binabaan ko na siya kaagad ng tawag. Nasasaktan ako sa mga sinabi niya kay Cindy kanina. Ilang beses pa niya ako sinubukan na tawagan ngunit hindi ko na ito sinagot pa. Pagsapit naman ng hapon ay natuloy na kami sa pag alis nitong si Cindy. Naka upo ako katabi niya sa driver's seat. Ang ganda rin ng kanyang kotse na kulay pink. Samantalang ang kotse ko ay kulay red at madalang kong i drive. "Ang ganda ng kotse mo ha? Gaano na ito katagal?" tanong ko. "Isang taon na rin, ito ang bunga ng last movie na ginawa ko kaya nga nakaka proud din at kahit papaano ay nakikita ko ang pagsusumikap ko sa buhay. Ikaw, di ba bago ang sasakyan mo?" "Yes, six months old na ang baby ko pero hindi ako masyadong nagmamaneho. Madalas ang driver namin at si tito Lucas." "Grabe no? Sobrang close kayo ng tito Lucas mo? Parang hindi kayo mapaghiwala dalawa kapag magkasama kayo hehe!" Hindi ko mapigilan na kiligin. Tatlong taon na ang relasyon namin ngunit ang init ng pagmamahalan namin ay sariwang sariwa pa rin na daig nga yata namin ang ibang mga bagong magkasintahan na bago pa lamang. Iba talaga kapag ang ka relasyon ay mas matanda, matured na siyang mag isip at alam kung paano ako pasayahin. Ang sarap niya pang humalik at alagang alaga ako lalo na sa pagkain. Minsan nga, sa sobrang busy ko sa work ay nakakalimutan ko nang kumain sa tamang oras pero mabuti at nandiyan siya para alalahanin ako. "Yes, thankful ako na siya ang naging pangalawang magulang ko at tumaguyod sa akin." "Pero wala na ba siyang plano na magkaroon ng asawa? Sorry kung pakialamera ako ha? Kasi good catch naman siya at mapera na rin kahit papaano. It's not too late na magkaroon siya ng girlfriend and eventually ay asawa." Naiisip ko pa lang na may iba siyang babae ay ang sakit na. Paano pa kaya kapag totoo itong mangyari? "Hindi..." mariing sabi ko pa. "Ang ibig kong sabihin, matagal na niyang sinabi na wala na siyang plano pang mag asawa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD