CHAPTER 4

1016 Words
CINDY POV Ang ganda at ang aliwalas ng ngiti nitong si Angel ma mala anghel subalit kahit na gaano pa ka inosente ang kanyang mukha ay mananatili siyang isang demonyo sa paningin ko. She stole everything from me. Simula nang dumating siya sa showbiz, lahat ng mga projects ko ay napunta na sa kanya. She took every project and endorsements at nawalan ng kinang ang career ko. Kung ikukumpara ang aming pag acting, it's really obvious na ako ang mas magaling sa kanya. Sadyang ma appeal lamang siya sa mga tao pero sa totoo lang ay walang kahit na anong espesyal sa kanya. Tapos ngayon ay nagagawa niya pang mainis sa dami ng mga taong sumusuporta sa kanya? Yan ang bagay na gustong gusto ko noon na nawala sa akin. Pero hindi ako makakapayag na siya ang mamamayagpag sa showbiz. Gagawin ko ang lahat para maibalik ko ang korona ko na inagawa niya sa akin noon. Kaya gagawin ko ang makakaya ko para mapabagsak siya. "Ang swerte mo no? Lahat ng mga gusto mo ay natutupad?" sambit ko. "Kahit na hindi ka nakapagtapos ng pag aaral ay naging maganda ang buhay mo. Even after losing your parents." Mas lalo pang naging malawak ang ngiti sa kanyang labi, "Well, tama ka sa sinabi mo. Dati alam mo ba? Naniniwala pa ako sa edukasyon. Na ito ang magpapayaman sa akin ngunit ngayon na artista na ako, masasabi ko na diskarte ang totoong labanan sa buhay. At syempre sobrang thankful na ako sa tito Lucas ko na binigyan ako ng ganitong klase ng opportunity. Sa totoo lang, mahirap mawalan ng mga mga magulang sa buhay pero mabuti at siya ang nag aruga sa akin. Masasabi ko na utang na loob ko ang lahat ng meron ako sa kanya. Magaling na manager at masasabi ko na hindi ako mawawalan ng career habang siya ang manager ko." Now come to think of it, sobrang close nga nila ng kanyang tito Lucas na halos panay ang buntot sa kanya. In fairness, gwapo din ang lalaki na yun sa kabila ng kanyang edad. Matipuno ang katawan at gusto ko ang pagiging moreno niya. What if halimbawa na landiin ko siya? Single pa naman ako at hindi ko pa sinasagot si Jason na two years nang nanliligaw sa akin paano laos na rin siyang artista at wala nang pera. Ang gusto ko sa lalaki ay yung kaya akong iangat ulit. Bakit ba ngayon ko lamang naisip ang bagay na ito? Wala sigurong masama if landiin ko siya. May contact din ako sa kanya kaya pwede akong makipag meet rito. "Oo nga ano? Speaking of your Uncle, ang hot niya pa rin tingnan at ang lakas ng kanyang dating. Ilang taon na nga siya ulit?" pag uusisa ko sa kanya. Nagtaka ako ng biglang mamula ang kanyang mga pisngi na para bang siya ay kinikilig rito. Nagtaka tuloy ako and come to think of it, single din siya, parehas sila ng kanyang tito Lucas. "45 years old na siya pero wag mong sasabihin sa ibang tao ha? Pati na rin sa kanya sapagkat ayaw niyang may nakaka alam ng kanyang edad. Mas maigi pa kung sa atin muna ito. Pero gwapo pa rin siya ano? Sa kabila ng kanyang edad ay matikas pa rin ang kanyang pangangatawan at may abs pa siya. Mabalbon ang kanyang dibdib papunta sa kanyang puson. Paani kasi, active pa rin siya sa gym. Ang dami nga niyang mga equipments sa bahay eh." Na shock ako sa narinig ko sa kanya. Mas matanda pa ang tito niya sa Dad ko but he is younger than him. Kaya nakakapagtaka na rin kung bakit single pa siya hanggang sa ngayon despite having good lucks. Ngunit ang mas nakakagulat pa rito ay detalyadong detalyado ang paglalahad niya ng physical appearance ng kanyang tito Lucas. Hmmm! I smell something fishy here pero hindi pa ako sigurado sa mga tumatakbo sa utak ko. "Siya nga pala, ikaw, wala ka bang plano na magkaroon na ng boyfriend? You are already 21 years old at natitiyak ko na marami na rin ang mga lalaki na gustong manligaw sayo." She rolled her eyes. Isa ito sa mga ugali niya na kinaiiisan ko sa lahat. Dito na lumalabas ang pagiging maldita ng babaeng ito. "Pass na muna ako sa pagkakaroon ng love life. Tinatamad akong mag boyfriend kahit may ilang nagpaparamdam sa akin. At tsaka sa trabaho ko na maraming kissing scenes, mahirap makahanap ng lalaki na makaka intindi sa trabaho na meron ako at sure akong maiintindihan mo ang sinasabi ko sapagkat parehas lang tayo ng sitwasyon. No boyfriend ako at naniniwala ako na darating din yan. Marami pa akong mga projects na paparating kaya sobrang thankful ako. Ang lalaki, nasa paligid lamang, yan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko." Wala na akong pakialam sa mga sinasabi niya. Ang yabang kasi ng tono ng kanyang pananalita at talagang masyado niyang binibida ang sarili niya. "Ganun ba? Maiba pala ako ng usapan, baka gusto mo pala na pumunta ng bahay mamayang hapon? May kaunting salo salo sa bahay namin, if you want na sumama, don't worry, it's just me and family at some relatives. Namiss ka na rin ni mama at kung may tampo ka pa sa tito mo, malamang ay hindi ka pa uuwi." Tumingin siya sa cellphone niya at muling napatingin sa akin. "Sige, baka pwede na rin akong makitulog muna doon sa bahay niyo?" "Walang problema. Maluwag pa ang kwarto ko para sa ating dalawa. And pwede pa tayong maligo sa pool." "Okay! Sayang, hindi ko dinala ang kotse ko ngayon. Natataranta rin ako sa mga nangyari kanina." "That's okay, kabataan pa rin tayo kaya masyado tayong repulsive or mapusok. And I am sure na maiintindihan yan ng Uncle Lucas mo but to make sure na hindi ka niya hanapin, why don't you give him a call right now? Tawagan mo siya at magpaalam ka sa kanya na pupunta ka sa bahay ko. I know na papayagan ka niya." Napataas siya ng kilay ulit, "Hayaan mo nga siya! Uuwi ako doon sa bahay kapag gusto ko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD