Nang makauwi ako ay agad akong nagbabad sa shower. Hindi parin matanggal sa isipan ko ang balita. Hindi, hindi kami mahahanapm. Kinalma ko ang sarili ko at nag banlaw na. Pagkatapos ay nagdamit na ako at nagpatuyo ng buhok. *Knocking* "Nak, kakain na." sabi ni Nanay mula sa labas ng aking banyo. "Sige ho!" sabi ko at pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay bumaba na ako at dumeretsio na ako ng dining area. naghanda si tatay ng mga ulam namin at mga plato at tubig. "Oh anak, sabi ng nanay mo ay maaga ka umuwi. Nagkita ba kayo ni Ashley?" tanong ni tatay at lumapit sakin at yumakap ako, napabugtong hininga ako at tumango. naramdaman kong hinalikan ako ni tatay sa ulo. "Siguro pagod ka anak, halika masarap luto ng nanay mo ngayon." sabi ni Tatay at ngumiti ako. nang nasa hapag kainan na

