CHAPTER 47

1508 Words

KINAKABAHAN si Syrene habang sinasalubong ang titig ni Clint. Sa itsura pa lang nito ngayon, alam na niyang hindi magiging maganda ang kanilang pag-uusap. Kanina pa siya naghihintay sa loob ng condo unit na ni-rentahan nito. Nauna siyang dumating doon dahil may iba pang commitments ang binata. Pinagluto niya ito ng masarap na pagkain at inihanda na niya kung ano ang ipapaliwanag niya rito kung bakit siya pumasok bilang extra sa teleseryeng pinagbibidahan nito. Nag-shower din siya at nagbihis ng magandang bestida bago nagpahid ng manipis na kolorete sa mukha. At least kung mag-aaway man sila, maganda pa rin siya sa paningin nito. Tumikhim siya at saka sinubukang ngumiti bago lumapit dito. “Kumain ka na ba? Nagluto ako ng–” Ngunit kaagad nitong pinutol ang sasabihin niya. “Bakit mo gin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD