NAPAYUKO si Syrene nang maiwan siya roon sa loob ng van. Inasahan na niyang magugulat si Clint pero hindi niya inakala na magagalit ito ng ganito. Kung tutuusin, siya nga ang nagtatampo sa binata noong kaarawan niya. Ilang beses itong tumawag at nagtext na hindi niya sinasagot dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Alam niyang tututol ito sa plano niya ngunit ito lamang ang paraan na naisip niya para matahimik siya sa sitwasyon nila. Besides, hindi naman siya totally stranger sa mundo ng showbiz. Naging paparazzi na siya noon. Kahit papaano ay alam naman niya ang kalakaran sa industriyang ito. Extra lamang siya at sa tingin niya ay wala namang masama roon. Ni wala ngang linya na ibibigay sa kanya. Nakatayo lang talaga siya bilang background sa mga eksena ng dalawang bida. A

