CHAPTER 53

1620 Words

MAS LALONG nakaramdam ng pagbigat ng puso si Syrene habang tinitingnan si Clint na tumatawang nakaupo kasama ang grupo nina Jacob at Linette. Ang tagal niyang naghintay sa kanilang inuupahang condo, umaasang darating si Clint para ayusin ang kanilang alitan. Ngunit hindi ito dumating. Iyon pala ay nandito lamang ito sa club. Hindi man lang sinagot ang mga tawag niya. "Come on, Syrene, let’s have some fun tonight!" sigaw ni Jane sa ibabaw ng malakas na musika habang hila-hila si Syrene papunta sa table na kinaroroonan nina Clint. Buhay na buhay ang nightclub sa malakas na tugtog, kumikislap na mga ilaw, at samut-saring halimuyak ng pabango at alak. Pinilit na ngumiti ni Syrene at saka tumango. Huli na para umatras siya. “Tama ka. Magsaya tayo ngayon gabi,” aniya sa matigas na boses.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD