Wesley's Point Of View Binaybay namin ang daan patungo sa opisina ni Dark Knight. Tahimik si Kuya, alam ko ang nararamdaman niya. Kahit gaano kasama ang kanyang ama ay ama pa rin niya ito. As usual rin ang get up nito, naka-prim and proper na damit with coat and tie. Masyadong seryoso. Nasa likod namin sina Victor at Baldo na nag-prisintang sumama sa pagdakip kay Romeo Gutierrez. Sa Region 3 siya nagkasala kung kaya't dala rin namin ang request letter para doon namin siya mai-detain sa San Jose. Nasa kasunod na sasakyan sina JR, Gerald at Lucho. Magliliwanag na nang makarating kami sa UPG. Kailangan na naming kumilos at baka makatunog pa si Romeo. I want to catch him at all cost. Dumiretso agad kami sa office ni Dark Knight. Naroon na ito't inaabangan na talaga ang pagdating namin. "We

