"Wesley, diyan ka muna kay Dark Knight. Mas ligtas ka riyan. Naibalita na rin sa akin ni JR ang mga nangyari sa awarding ninyo, at naroon din daw si Romeo. Mag-iingat ka, mukhang he's already showing his true skin." Habilin ni Papa Johnson. Masaya talaga akong malaman na siya ang papa ko at hindi ang kinilala kong ama. "Sandali, Sec Johnson, este Papa, may gusto akong itanong." Pigil ko kay Papa ng maalala ko si Kuya Leo. "Ano 'yon?" "Kilala mo si Cedes? Cedes Alfonso?" "Si Cedes? Paano mo siyang nakilala?" Nasa tono nito ang pagkagulat. "Taga-San Jose siya, may hacienda sila doon at nagsasama sila ni Kuya Leo, may anak na nga sila pero hindi alam ni Papa." Pagbabalita ko. "Ano? Kasamahan ni Romeo sa pagtatayo ng pasugalan ang ama ni Cedes na si Don Geraldo pero naghiwa-hiwalay sila

