"Good morning!" Masayang bungad na bati sa akin ni Hannah habang padulog ako sa hapag-kainan para mag-breakfast. Maraming nakahandang pagkain, mukhang may party. Nasa parang conference room ang mahabang dining table na inayusan ng blue table cloth at naka-skirting pa ito. Umupo ako sa tabi ni Hannah. "Good morning din, bab-- Inspector." Napatingin ako kay Dark Knight. "It's okay, I can see you are both attracted to each other." Nanunuksong tingin nito sa aming dalawa. "Ninong naman." Namumula ang mga pisngi ni Hannah. Tumawa si Dark Knight. "Ganyan din ang anak ko sa kasintahan niya, walang kaso. Halika na, mag-agahan na tayo. Parating na rin sina Peter." "Sir," bigla kong naalala ang kagabi ko pa iniisip, "alam po ba ni Papa Romeo ang tungkol sa ability n'yo? Kasi sabi n'yo, matagal

