Nagtungo muna ako sa ospital kung saan naroon si Hannah para kamustahin ang pinagkakautangan ko ng pangalawang buhay ko. Marahil ay gising na siya sa mga oras na 'to. Mahigit isang araw na siyang tulog mula ng matapos ang pagtanggal ng bala sa tagiliran niya. Kumatok ako sa pinto ng silid ni Hannah bago ko ito binuksan. Nasa loob si si Chief Delgado kasama ang isang may edad na babae at isang mas bata ng kaunti na naka-unipormeng kasambahay. Nakaupo at nakasandig si Hannah sa kama at nakikipagtawanan sa kanila. "Good morning, Sir." Sumaludo ako at tinanggap naman ni Chief. Iniabot ko ang pasalubong kong basket ng prutas saka ako naupo sa mahabang sofa na para sa bisita. "Ehem, I think I better go. 'Ma, hindi ba kayo sasabay?" Tanong ng Papa ni Hannah. "Dito na muna ako. Babantayan ko an

