Damien Angelo Corpuz Mondragon
Hinde niya kayang aminin sa babae o kahit pa sa kanyang sarili na may pagtingin siya sa dalaga lalo na at may long time girlfriend siya, si Emilia Acosta, anak ng isa nilang business partner. Tulad niya ay heredera din ito. Maganda, sexy, matalino din naman at nasa alta de ciudad. Kilala din ang pamilya nito sa lungsod at ang lupang pag-aari ng mga magulang nito ay katabi lamang ng mga Mondragon, 'yun nga lamang at wala pa sa sampunt porsyento ng lupa nila ang mayron ang pamilya nito kaya naman hinde naman lingid sa kaalaman niya na habol ng ama nito ang kanilang lupain sa pamamagitan niya.
Hinde niya lamang din tanggap sa sarili na 'yun din ang habol ng nobya sa kanya dahil malambing naman ito at submissive sa lahat ng kanyang mga gusto ngunit hinde kailanman mapapantayan nito ang pagkabaliw niya kay Rian sa kama. 'Yun ang isang bagay na hinde niya maunawaan, kung bakit hinahanap hanap niya ang simpleng amoy ng dalaga kumpara sa mala rosas na bango ni Emilia.
Si Emilia ang tipong maipagmamalaki niya san man niya dalhin samantalang si Rian ay makinis man, magaspang naman ang mga kamay dahil sa kakatrabaho mula pa nuong maliit ito. Ngunit kung ikukumpara ang katawan at kagandahang taglay ay hinde naman sila nagkakalayo. Mas maputi nga lang si Emilia dahil sagana ito sa pampaganda na kung saan saan pa nabibili at sa mga mamahaling beauty products at skin care samantalang si Rian ay gandang natural.
Si Emilia ay naging classmate niya sa kolehiyo sa isang sikat ng university sa Manila at since bata pa lang ito ay kilala na din naman niya kaya mas lalo silang naging close.
Tuwing bakasyon ay nasasabik siyang umuwi ng Sta Monica upang masilayan ang dalaga sa tumana. Tuwing umaga ay nangangabayo siya at hinde naman siya nabigong makita ito puwera na nga lang sa mga araw na may pasok ito. Dahil panganay ito ay tumutulong na din ito sa mga magulang para kahit paano ay makadagdag ang kinikita nito sa pang-araw-araw na gastusin ng pamilya. Kahit pa mahirap ito ay sadya rin namang matalino kaya lubos itong kinagigiliwan ng kanyang mga magulang. Sila pa nga ang nagpapaaral dito at dahil kay Rian kaya nabuo ang scholarship program na sinimulan ng ina.
Sayang raw kasi ang talino ng mga kabataang namamasukan sa Hacienda kung hinde nila susuportahan. Isa pa kahit pagod ito sa trabaho ay nagagawa pa rin nitong pagsabayin ang pag-aaral kaya naman ang kanyang ina at ama ay puring-puri ito na siya naman niyang kinaiinisan dahil mas pinapaboran ito kaysa sa kanya.
Dahil sa selos sa dalaga ay natuto na siyang mag-inom at mabarkada ngunit ganun pa man ay hinde naman niya pinapabayaan ang pag-aaral. Nang makapagtapos siya sa kursong Business Management ay sinunod niyang kumuha ng Masteral sa Marketing at kasabay nuon ay nagself-study siya ng tungkol sa Accounting at Logistics.
Sa panahong iyon ay alam niya ng ninanais ng mga kapatid ng ama na makuha ang negosyo nila kaya naman hinde siya makakapayag na mawala ang lahat ng pinag-hirapan ng mga magulang.
Kasabay ng pagmamasteral ay isinabay na din niyang aralin ang lahat tungkol sa negosyo kaya naman nakuha niya ng tuluyan ang loob ng ama at ina.
"Anak, I am so glad that you are learning fast, ikaw lang ang tanging pag-iiwanan namin nito kaya naman kapag nagka-anak ka ay damihan mo ang mga apo ko ng sa ganoon ay magkakatulong sila sa pamamahala ng kumpanya balang araw. I hope makahanap ka ng asawa na kasing talino mo at kasing sipag mo dahil hinde ako makakapayag na makuha ito ng mga kalaban natin." Sabi ng ama minsang naging emosyonal ito dahil sa pakikipagtalo sa kapatid na walang ginawa kundi waldasin ang pera ng kanilang mga magulang.
"Yes Pa, that is why I am choosing Emilia."
"Oh Emilia, ah, I don't think she is not capable of loving you through thick and thin," makahulugan ang tingin nito habang sinabi ang mga katagang iyon na hinde nagustuhan ng binata.
"Pa, she is the one for me."
"Oh well, just don't get married yet." Tanging nasabi nito.
Ng minsang naimbitahan sila sa birthday party kasama si Emilia ay bigla na lang itong nawala. Pasimple niya itong hinanap sa event ngunit hinde niya makita.
Hinde niya alam kung ngkakamali ba siya na si Emilia ang nakita niyang lumabas ng patalilis sa isang kwarto. Nagkubli siya upang hinde siya makita nito at ng makalayo ito ay pasimple niyang binuksan ang kwarto at nakita niya ang lalaking nakadapa at walang pang-itaas. nilukuban siya ng kaba sa tagpong iyon ngunit pinilit niyang alisin sa isipan na baka niloloko siya ni Emilia lalo at hinde siya sigurado kung ito nga ba ang nakita niya.
Minsan namang nagpunta siya sa bar ay bigla din itong nawala kaya naman halos naghuhurumentado siya sa galit at lumipat ng bar para magpakalango. Tinawagan ng bar ang kanyang ama kaya naman napilitan na siyang umuwi at lasing na lasing siyang inihatid nito sa kwarto.
Hinde din niya masyadong matandaan ang nangyari sa magdamag dahil sa kalasingan ngunit nagulantang siya ng magising dahil sa mga nagkalat na dugo sa kanyang higaan. Natigilan siya sa malalim na pag-iisip lalo at parang masakit din ang kanyang alaga at may bahid ng dugo. Kaya alam niyang may nakaulayaw siya ng nagdaang gabi at kung hinde siya nagkakamali ay si Rian ang mukhang nakita niya sa kanyang balintataw.
Pagbaba sa komedor ay hinahagilap niya ang kasagutan sa mukha ng dalaga ngunit tulad ng dati ay lagi naman itong nakangiti sa kanya at hinde din niya ito magagawang tanungin ng harapan lalo pa at kaharap ang mga magulang.
Siya na din ang nagligpit ng bedsheet at nagpalit ng comforter para hinde na maeskandalo pa ang maglilinis ng kanyang silid. Binanlawan na din niya ang parteng may dugo at inilagay sa labahan ang mga ito upang hinde na makita ang bahid ng dugo na nagkalat sa puting telang iyon.
Sa pagkatuliro ay nasigawan niya pa ang dalaga at kitang kita niya ang pamumuo ng luha nito bago ito tumalikod at pumasok sa kanilang dirty kitchen. Nabuhusan kasi siya nito ng juice.
Tuluyan na siyang tumayo at nagtungo sa kwarto upang magpalit ng damit at umalis.
Habang daan papasok sa opisina ay hinde pa din mawala sa isip niya ang ilang tagpong naalala sa nagdaang gabi sa piling ng dalaga ngunit pilit din niyang itinataboy sa isipan ang bagay na iyon kahit pa ramdam niya sa kanyang ibaba ang pagkabuhay pa nito kahit sa simpleng pagpasok ng dalaga sa kanyang isipan na para bang sabik na sabik ang kanyang alaga na muling pasukin ang kweba ng ligaya. Kailangan niyan tuklasin kung tama nga ba na ang dalaga ang kasama sa nagdaang gabi kundi ay hinde siya matatahimik at sigurado siyang pahihirapan siya ng mga isiping iyon.
Ngunit paano? Paano niya matutuklasang ang dalaga nga ang kasama niya?
Kahit nasa opisina na ay dala dala pa rin niya ang pagkabalisa at ang mga ala-alang hinde nawala wala sa kayang isipan.
Kaya naman nakabuo siya ng isang pasya na siya namang naantala ng makatanggap ng tawag sa telepono.
"Hello," sagot niya sa telepono.
"Oh honey, it's me, I am sorry I lost my phone last night and I was too busy looking for it and when I came back wala ka na kaya bumili agad ako ng phone today to call you." Sabi ni Emilia sa telepono.
"I am glad you called. Where are you?"
"I am here at the phone store at the mall near your office."
"I'll pick you up and let's have lunch."
"Okay hon, I'll wait for you here." Masayang sabi ng babae.
Mag-aalas dose na pala, ganoon na pala katagal ginulo ng dalaga ang kanyang isipan at ni si Emilia ay nawala sa kanyang isipan kundi pa ito tumawag sa kanya.