Chapter 15 : Bus

1390 Words
Arriane Cruz Medina "Rian, I'm c*****g my love." Sabi ng binata. "Ohhhhh, ahhhhh," malakas na ungol ng dalaga. Pang-ilang beses ng may nangyayari sa kanila at lahat iyon ay ipinuputok nito sa loob. Nung una ay hinde naman sila nakakabuo dahil madalang lang naman kaya hinde niya inakala na mangyayari ang ganito. Kinabukasan pagkagising ay magaan ang kanyang katawan, masaya dahil sa wakas ay nakilala na siya nito kagabi. Nakahain na ng agahan ang mga kasambahay at hinihintay na ang pagdulog ng pamilya Mondragon. Pagpasok ni Damien sa dinning ay kay gandang ngiti ang isinalubong niya rito ngunit hinde siya nito pinansin. Sa nangyari ay napalis ang kanyang ngiti at nagtatanong ang mga mata. "Nasan ang juice?" Tanong ng Don. "Rian, ang juice, salinan mo na sila," bulong ni Aling Simang na nagpabalik sa kanyang wisyo. "Ah ito na po," nagmamadali niyang tugon at kaagad na kumilos para sundin ang ipinag-uutos. Inuna niyang sinalinan si Damien dahil ito ang malapit sa kanya at habang inaasikaso ito ay nakatingin siya sa binata at nilalanghap ang amoy nito. Ang bango bango mo naman Senyorito. Nangungusap din ang kanyang mga mata at nagtatanong sa inasta nito kanina. "Damn it, ang aga -aga tatanga-tanga ka na naman!" Sigaw ng binata na nagpabalik sa kanya sa katinuan. "Iho, ang bibig mo." Saway ng Doña. "Sino ba kasi itong tontang ito at ilang beses ng nangyari ito. Ano ba ang pangalan mo at pwede ba umalis ka sa harapan ko?" Dugtong pa nito. Nagsimulang manubig ang kanyang mga mata sa pang-aalipusta ng binata. "Sorry po, Senyorito, teka po kukuha lang ako ng tissue." "Huwag na," sabay padabog na tayo nito. "Maliligo na lang ulit ako at magpapalit ng damit." At tuluyan na itong umalis palabas ng komedor. "Senyor, Senyora, sorry po." paghingi niya ng paumanhin. Matiim ang pagkakatitig ng Don sa kanya at tahimik lamang itong nagmamasid dahil alam ng dalaga na alam nito ang ginagawa nila ng anak. Hinde iilang beses na nakikita niya ito na tila nakabantay sa tuwing lalabas siya ng silid ng binata. "It's alright Iha, next time na lang, be more focus para hinde ka napapagalitan." Sabi naman ng Doña. "Opo, opo." "Sige na sila na ang bahala dito at gumayak ka na papasok ng eskwela, sa akin ka na sumabay." Utos pa nito kay Rian. "Po? Sa mga byahero na lamang po ako sasakay pababa." Nagulat na sabi ng dalaga. Hinde naman kasi normal na dito siya sumasabay sa tuwing pumapasok. "May meeting ako sa campus mo kaya sakin ka na sumabay." "Sige na Rian, kami na ang bahala dito at gumayak ka na. 'Wag mo ng paghintayin pa sina Senyora." Singit ni Aling Simang. Kaya naman agad na din siyang tumalima. Nagmamadali siya sa pagligo at sa pagbibihis. Nang makatapos ay agad na niyang kinuha ang mga gamit sa eskwela at lumabas ng kanilang silid. Sakto namang katatapos lang kumain ng mag-asawa. Nakita niya pa si Damien na palabas na din mansyon nung paalis na sila papunta sa School na kanyang pinapasukan na pagmamay-ari ng pamilya. "Ate, Ate," mahinang tawag ni Rizza habang niyuyugyog at tinatapik ang kapatid. Iniiwasan ni Rizza na lakasan ang boses at baka makasagabal sila sa mga nasa bus. "Ate, Ate," tawag din ni Robert. "Gisingin ninyo at nanaginip yan baka binabangungot na." Nag-aalala ding sabi ni Aling Malou. Maya-maya naman ay napadilat ang dalaga at tila nagulat pa na pati ang mga magulang ay nakasilip na sa kanyang kinauupuan. "Bakit?" Tanong pa ng dalaga. "Anong bakit e, ungol ka anak ng ungol, baka kako nababangungot ka na." Sagot ng kanyang ina. "Oo nga Ate, ano bang napanaginipan mo?" Tanong naman ni Robert na nakatayo na pala sa likuran ng kanyang upuan. "Maupo ka na at baka mabuwal ka pa diyan," sabi niya sa kapatid. "Nakakatakot ba Ate ang panaginip mo?" Tanong naman ni Rizza. "Ah, 'di ko naman maalala gaano. Basta parang hinahabol ako." Sagot ng dalaga. Talaga namang hinahabol siya ng mga halik ni Damien at pagod na pagod siya sa pakikipagniig dito tuwing nalalasing. "O sige Ate, matulog ka na ulit." Sabi ni Rizza na napangiti. "Ng matuloy na ang paghabol sa'yo ni Senyorito." Bulong ni Rizza. Buti na lang ay nakaupo na nuon ang ina at si Robert. Nakakunot naman ang noo ni Rian sa sinabi ng kapatid. "Riz, anong sinasabi mo." Ganting bulong niya dito. Nagpatuloy sila ng kapatid sa mahinang pag-uusap. "Sabi mo kasi, o Damien." Natatawang sabi nito. "Buti na lang hinde nadinig ng mga Inay kaya ginising na kita at baka lumakas pa ang sinasabi mo." Wala namang humpay ang pagbungisngis ng kapatid. "Shhhshhh," saway niya dito. "Kasi naman Ate dahil di mo na makikita ang Senyorito, sinama mo na tuloy sa panaginip. Namimiss mo na siya noh, Ate?" Tanong pa nito. "Tama na sabi, baka madinig ka." "Ay sus ang Ate, in love talaga kay Senyorito, uy." Patuloy pa ito sa panunudyo sa kanyang Ate kaya naman nanahimik na lang siya upang tumigil na ito. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Bakit nga ba pati sa panaginip ay dala-dala niya ang ala-ala na kailangan na niyang kalimutan. Hinde ito makakabuti para sa kanya lalong-lalo na sa kanyang dinadala. Pakiramdam nga niya ay literal siyang namamasa sa bandang ibaba. Ganoon kalaki ang epekto sa kanya ng lalaking tinatangi na kahit sa panaginip ay nagagawa siya nitong paligayahin. Pakiramdam niya ay parang nasa tabi lamang niya ito at ramdam na damdam niya ang bawat halik at yakap nito. Ngunit hinde talaga niya maintindihan kung bakit sa kabila ng naranasan niyang hirap sa pagtakas sa Sta. Monica, ay nanatili pa rin ang pag-ibig niya para sa binata. Inakala niyang totoo na siyang iniibig nito, nuon pala ay ginagawa lang siyang parausan at kinabukasan ay hinde na siya ulit makilala nito. Gulong gulo siya ng araw na 'yon sa mga pangyayari lalo na masyado itong malambing ng gabing iyon pati paraan ng pagniniig nila ay ramdam niya na parang ingat na ingat ito sa kanya. "Rian, tigilan mo na nga iyan at walang mangyayari sa'yo, nakalayo ka na at sapat ng ipinapadukot ka niya sa mga tauhan para matauhan ka." Saway niya sa sarili. "Bus stop muna po tayo." Sigaw ng kundoktor ng bus. "Ate, ito na 'yong burger mo, kumain na tayo ng hinde na tayo bumaba." Inabutan ni Rizza ng burger ang mga kasama. "Riz, pabili ako ng sprite, parang nagkecrave ako sa sprite eh. Masarap kasama ng burger." Pakiusap ni Rian sa kapatid. "Ate Riz, ako din ha." Nakangiting pahabol ni Robert. "Inay, kayo po ba ng Itay ay magso-softdrinks din? Tanong ni Rizza sa magulang. "Naku anak, okay na kami sa tubig at matamis 'yon. Isa pa'y pihadong mahal 'yon diyan sa kainan." Sagot naman ng Itay niya. "Okay sige po, nagpapabili po kasi ang Ate at si bunso. Bababa lang po ako sandali," paalam nito. "Rian, sabi ng Tiya mo ay mula sa kainan mga isang oras na lamang daw at nanduruon na tayo." "Malapit na po pala tayo. Siya nga po pala Inay, saan daw po pala tayo dun manunuluyan?" Tumayo si Rian sa likod ng upuan ng mga magulang upang magkausap sila ng maayos. "Duon na lang natin malalaman, anak." "Itay, kamusta po kayo, hinde po ba kayo nahihirapan?" Masuyong tanong ni Rian sa ama habang hinahimas ito sa pisngi. Hinawakan naman ng ama ang kamay niya at pinisil. "Okay ako anak, 'wag ninyo kong intindihin, ang mahalaga sa akin ay magkakasama tayong pamilya kahit saan pa tayo mapunta. Madamdaming litanya ng ama. "Salamat po Tay, Nay at pinagbigyan ninyo ang kahilingan kong ito." "Alam namin anak na may malaking problema kang dinadala kaya naman pumayag kami ng Itay mo nung nagsabi ka na kailangan nating lisanin ang Sta. Monica. Kaya lang sana ay ipagkatiwala mo saming sabihin kung ano man iyon anak." "Opo Inay, aayusin ko lamang po muna ang buhay titirahan natin sa probinsiya at tsaka ko po ikukwento ang nangyari duon, Pasensiya na po kayo at biglaan pero po sapat ang aking dahilan sa naging pasya kong ito. Salamat po sa pang-unawa." Naluluhang sabi ni Rian. Maya-maya naman ay bumalik na si Rizza dala ang mga pinamili. "Ate, bumili din po ako ng konting pasalubong kina Tiyang ha." Sabi nito. Pagka-abot ng softdrinks ay nagsimula na silang kumain at 'di nagtagal ay umandar na din ang bus na kanilang sinasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD