Chapter 16 : Nueva Ecija

1318 Words
Arriane Cruz Medina Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng mapansin nila ang arko na nagsasabing Welcome to Nueva Ecija. "Naku Ate, malapit na pala tayo," excited na puna ni Rizza. "Oo nga, sana ay maging maganda ang pamumuhay natin duon." "Mahalaga Ate, magkakasama tayo, huwag ka ng masyadong mag-alala Ate at pagtulungtulungan natin yan.? "Salamat ha, kailangan lang talaga nating umalis duon. Hayaan mo 'pag naayos na din ang titirahan natin diyan ay ikukwento ko sa inyo ang mga nangyari." "Talaga Ate ha, promise mo 'yan ha." "Hmmmnn," na sinabayan ng tango ni Rian. "Mahal na mahal ko kayo." "Ay sus, bigla ka namang nagdrama dyan," panunudyo ni Rizza sa kapatid. "Totoo naman 'yon ah, na mahal ko kayo." Bigla naman nagseryoso si Rizza at yumakap sa kapatid. "Ako din Ate, mahal na mahal ko kayo nina Inay. Sana matagal pa tayong magkakasama-sama, 'yung walang magkakasakit sana." "Oo naman, kaya nga alagaan ninyo sina Itay habang naghahanap ako ng work." "May school naman yata na malapit din duon hano Ate?" "Meron 'yan." "Naku sana nga Ate ng hinde ako mahirapan kaysa lumayo pa ako. Sana 'yung malapit lang na byahe. "Basta, 'wag uunahin ang pag boyfriend ha!" "Of course Ate, kasi gusto kong yumaman." Nakangiting sagot nito. Masaya silang nag-uusap ng kapatid ng biglang nagvibrate ang kanyang cellphone kaya dinukot niya ito sa maliit na bag na dala dala at tiningnan. Nagulat siya sa nilalaman ng mensahe mula sa kanyang gcash app na nagsasabing nkatanggap siya ng sampung libong piso. Hinde naman nagtagal ay nakatanggap siya ng panibagong mensahe mula sa taong tanging nakakaalam ng lihim nila ni Damien. "Mag-iingat ka, pinapahanap ka na niya. Tulad ng napag-usapan ay, makakatanggap ka ng sampung libong allowance kada buwan sa loob ng limang taon. Salamat at 'di natuloy ang kasal. Ito na ang huling message ko sayo." Halos mapaiyak siya sa nabasa ngunit malaking tulong din ang ibibigay nito para sa kinabukasan nila ng anak. Naisip din niyang bumili ng maliit na lote at magpapatayo siya ng kahit maliit na bahay. "Pwede po bang humiling na sana po ay iadvance ninyo na lang ng buo ang limang taon dahil kakailanganin ko din po iyon sa pagsisimula. Makabili man lang sana po kami ng maliit na lote at makapagpatayo ng simple bahay. Pasensiya napo kayo." Mahabang reply niya. Naisipan niya itong ireply dahil sa kinikimkim na sama ng loob sa Don. Pakiramdam niya noong paalis siya ng Sta. Monica ay pinabayaan siya nito. "Ate, okay ka lang ba?" Tanong ni Rizza ng mapansing natahimik siya at titig na titig sa binabasa. "Ah oo, okay lang ako." "Ate, Gapan na pala o, naku mga ilang minuto na lang siguro." "Bakit parang alam mo ang lugar? Hinde pa naman tayo nakapunta dito." "Google maps po Ate, mabu-view duon ang mga lugar, malinaw na makikita ang isang location." "Ah, oo nga hano, hinde ko lang naisip na naisip mo 'yon." Nakangiting pang-aasar niya sa kapatid. "Acctually, hinde ako kundi si Bunso. Ang astig di ba. Bright Child." "Ahahahha oo nga," at malakas silang nagtawanan. "Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" Singit ni Robert na tumayo pa at hinawakan sila sa ulo." "Sabi ko ang bright mo, isipin mo, naisip mo ang google maps." Sagot ni Rizza. "Ah yun ba? Sisiw!" May pagmamalaki pang sagot ni Robert. "Hoy, maupo ka at baka matumba ka." Saway ni Rian sa kapatid na kaagad namang sinunod nito. "Mga anak, ang iingay ninyo," sawa naman ng Inay nila. "Nagkakatuwaan lang po 'Nay, malapit na po kasi tayo." Sagot ni Rizza. "Ah ganun ba, naku mabuti naman at nangangalay na ako." Reklamo ng ina. "Shhh mahal, sumandal ka na lang sa akin, konting tiis na lang." Singit naman ng ama na kahit sa maliit na bagay ay kitang kita ang pagmamahal sa asawa. "Kuya, pakibaba po kami sa mismong Purok Tres po noh ung katapat mismo ng bato na ito." Sabi ni Rizza na pinapakita pa ang larawan na nai-screen shot niya sa Google maps. "Okay po ma'am, malapit na po yan, pagliko na lang diyan sa Sapang. Mga kulang dalawang kilometro na lang siguro yan." Sagot naman ng kundoktor. "Okay po, salamat kuya." Nakangiting sabi ni Rizza. "Bunso, maghanda ka na ha, baka maiwanan ka." Panunudyo ni Rizza. "Wehhh, baka ikaw ang maiwanan dahil mabagal ka." Ganting biro nito. "Naku, magtigil kayo at mamaya nyan magkapikunan kayo." Awat ni Rian. Madalas kasing mag-away ang dalawa dahil sa pag-aasaran. "Pre purok tres lang sila ma'am." Nadinig nilang sabi ng kundoktor sa driver. Hinde naman nagtagal ay huminto na sila sa bata na may markang Purok Tres, hudyat na dumating na sila sa destinasyon. Tinulungan sila ng kundoktor na ibaba ang kanilang mga gamit pati na ang nasa compartment ng bus. Ang ina naman at si Robert ay inalalayan ang kanilang ama sa pagbaba. "Salamat po Kuya." Sabi ni Rian. Ganun din ang ginawa ng mga kasama niya. "Salamat din po mga ma'am at sir," ganting sabi nito ng nakangiti. Nagmasid muna sila sa paligid bago pumasok sa gate na gawa sa bakal na kung tawagin sa probinsya ay tarangkahan. Hinde ito tipikal na gate na may pinto at saraduhan. Bakal lamang ito na nai-welding at kinakawit sa pagsara. May maliit nabtindahan ng plastic wares sa harap nito ngunit walang tao. Pagpasok nila ay nagkahulan ang mga aso kaya napatigil sila. "Ayyyy," tili ni Rizza sa pagkagulat ng hinde mapansin ang asong nakatali sa may pinto. "Ate, baka makagat ka," sabi ni Robert sabay hatak sa kapatid. "Hinde ko kasi napansin eh." "Oh, Ate Malou, nandyan na pala kayo." Nakangiting bungad ng isang babaeng halos kaedaran ng kanilang ina ngunit mas maputi ito. Maganda din ang Tya Lina, matangos ang ilong kaya lamang ay medyo maliit. "Mga anak, ang Tiya Lina ninyo." Pagpapakilala ng kanilang ina sa kapatid. Nagsipagmano naman sila sa tiyahin. "Naku ang lalaki na ninyo. Kuya, kamusta ka?" Nakangiting bati nito. "Dito ang daan sa likod. Tara dito." Ang tatlong magkakapatid ay tulong tulong na sa pagdadala ng mga gamit at nakitulong na din ang tyahin sa kanila. "Dito muna kayo sa kabilang bahay tutuloy, ipinagpaalam ko na sa anak ko iyan, natuwa naman at may mag-aalaga ng bahay nila. Nasa Korea na kasi ang mag-anak at matagal pa bago mauwi yon." "Naku, Lina salamat ha at di ka nag-atubili ng tawagan kita.'" Sabi ng kanilang Inay. "Ate, matagal na din tayo g hinde nagkasama kaya naman ng tunawag ka, natuwa ako." "Salamat Lina," singit ng Itay. "O siya, magpahinga muna kayo dito at kukunin ko lamang ang almusal na inuhain ko." "Tulungan ko napo kayo Tiya," sabi ni Rizza. "Halika, mabuti pa nga at ng mabilis tayo." "Robert, samahan mo ang Ate mo." Utos ng ama. "Opo Itay," sagot naman nito. Binuksan ni Rian ang main door sa loob at umakyat sa hagdan. May second floor kasi ang bahay ng pinsan at may tatlong kwarto sa itaas. May isang kwarto naman sa baba na nagsisilbing master's bedroom at may isang kwarto sa likod bilang stock room. Maganda ang bahay at palagay niya ay magiging kumportable sila, habang naghahanap siya ng mabibiling lupa na pagpapatayuan ng maliit na bahay. May cr sa ikalawang palapag, may cr din sa master's bedroom at may cr sa likod sa tabi ng kusina. "Ate, kumain muna kayo," sigaw ng Tya Lina. Tuminag naman ang lahat at kanya kanyang dulog sa kusina. Ang lutuan ay may counter table sa gitna. Maganda ang set up ng bahay. May kisame sa sala ngunit sa bandang kusina ay wala pa. Nagluto ang Tiya Lina ng adobo na nagmamantika, manamis namis kaya naman sarap na sarap ang pamimya sa inihaing almusal. "Kain na, Lina." Sabi ng ama ng mapansing di ito kumakain. "Kumain na kami kanina bago umalis ang asawa ko. Beterinaryo kasi siya kaya maagang umaalis, madami pa kasi ang may babuyan dito.Ang isang anak ko naman ay nag-enroll." Nagpatuloy lang sa pagkain ang mag-anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD