Damien Angelo Corpuz Mondragon
Kasalukuyan siyang umiinom ng alak sa kwarto, Alas siete na ng gabi at wala siyang ganang magdinner kaya hinde na siya bumaba pa kahit ilang beses na siyang kinatok ng kanyang dating yaya na si Align Simang.
"David, wala pa bang balita?" Mainit ang ulong tanong niya sa kanang kamay.
"Wala pa Boss e pero hinde naman tumitigil ang mga tauhan natin." Sagot ng nasa kabilang linya.
"Iisang babae lang ang hinahanap niyo at isang Linggo na ang nakalipas ay wala pa ding balita? Sinasayang ninyo yata ang pinapasahod ko sa inyo." Inis na inis siya ba halos gustong ibalibag ang telepono.
"Ahhhhhhhhhhhh, mga inutil!" Sigaw niya out of frustration.
Tok tok tok, nadinig niyang katok sa pinto.
"Manang sinabi ko na pong hinde ako kakain e, wag ninyo muna akong kulitin gusto kong mapag-isa." Sigaw niya.
Nagulat pa siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang ama.
"Anak, nadinig ko ang sigaw mo, ano bang nangyayari?" Bungad nito.
Tinungo ang Veranda kung nasaan siya at umupo din sa katapat na lamesa.
"Wala po Pa."
"Anong wala eh halata namang frustrated ka." Sabi nito habang nagsasalin din ng whiskey sa baso. "Come on tell me."
"Isang Linggo na po kasi pero hinde pa nahahanap ang babaeng 'yon."
"Si Emilia? Akala ko ba ay nagpunta na sa abroad, buti nga at 'di mo na sinundan."
"Pa, I am talking about that Rian who ruined my wedding." Halata ang inis sa boses nito sa paraan ng pagsagot.
"Oh, si Rian ba? Namimiss mo ba?" nanunudyong tanong ng ama.
"Pa, hell no, I am not missing her."
"Really, bakit frustrated ka sa kakahanap?"
"Para parusahan siya sa ginawa niya. 'Yun lang ang intensyon ko."
"How are you going to take revenge on her, by the way?" Nakangiting sabi ng Don.
"Pa, what are you implying to tell me, may gusto ako sa kanya?"
"O sa'yo nanggaling 'yan hinde sakin and honestly, 'yun din naman ang nakikita ko lalo na nung lumabas tayo nung graduation day niya, titig na titig ka."
"Pa, stop teasing me."
Ngunit napapaisip siya kung ano nga ba ang intensyon niya sa paghahanap dito eh kung tutuusin pwede naman niyang sundan si Emilia ngunit hinde niya ginagawa.
"Isa pa akala ko ba hinde mo siya kilala pero nung nakita mo sa simbahan, nagtaka ko na siya ang itinuturo mo gayong ako nga hinde ko siya nakilala kung sino man ang babaeng iyon."
"I am sure of it Pa, si Rian 'yon?"
"What do you think her intention of ruining your wedding?"
"Because I knew her."
"How come?"
"Because I own her."
Nanlaki ang mata ng ama sa nadinig sa binata.
"Own? How could she be yours?"
"Because, she always fill my empty bed."
Natawa ang ama sa pag-amin niya dahil ang totoo ay alam naman niya talaga ang nangyayari sa dalawa. Siya pa nga ang pasimuno nuon eh.
"So you like her?" Diretsong titig ang ginawa niya sa anak.
"NO!" matigas niyang tugon sa ama.
"Ahaha No? But you seems so frustrated looking for her? Simula pa nga last week na hinde na siya umuwi dito ay naging malulungkutin ka na. Wala namang masama na umamin ka. I like her for you, I know you mom does too."
"Pa, please stop it because I already said no and that's a no."
"Okay, alright pero Iho, if you do love her, everything is worth trying just to find her but if not, you're just wasting your time."
"Kailangan ko lang pong makaganti Pa."
"I don't believe that crop, anyway, I leave you for now. Magpapaakyat ako ng dinner mo. Hinde pwedeng hinde ka kumain lalo at puro alak ka from two weeks ago simula ng hinde na siya umuwi dito."
Wala naman na siyang nagawa sa sinabi ng ama. Pinanuod na lamang niya ito palabas ng pinto ng kanyang silid.
Bigla niyang naalala kung saan niya unang nakilala ang dalaga.
Alam niyang may bagyo ngunit sa tampo sa magulang dahil hinde siya pinayagan sa birthday party ng kaklase kahapon pagkatapos ng eskwela ay naisipan niyang mangabayo. Sabado ngayon at wala namang pasok sa eskwela at isa sa kanyang hobby ay ang pagsakay sa kabayong si Puti.
Isa itong white stallion na ang breed ay Thoroughbred Horse, kilala ito dahil isa sa pinakamatulin at mataas tumalon kaya pangkaraniwang ginagamit sa horse riding competition. Binili pa ito ng ama sa ibang bansa dahil isa itong equestrian kaya naman kahit matanda na ay matikas pa din ang pangangatawan sa pagiging sporty nito na minana ng anak na si Damien.
Kulimlim ang kapaligiran ng araw na iyon ngunit dala ng sama ng loob ay ipinagpatuloy niya pa rin ang paglilibot sa Hacienda. Ilang oras na din siyang patakbo takbo at nadaanan niya ang mga tao na nagmamadali sa pagpitas ng mga gulay na maisasalba sa super typhoon.
Labing-apat na taon siya ng panahong ito at walang ibang iniisip kundi ang sariling kagustuhan. Habang abala ang mga magulang sa pag-aasikaso ng mga dapat mailigtas mula pa kahapon, mula sa mga tubo, saging at kung an-ano pang mga gulay sa tumana. Lahat ay dinadala sa bodega para maimbak ng maayos.
Tinakasan lamang niya ang yaya na nagbabantay sa kanya dahil busy din ito sa pag-aasikaso sa garden.
"Ang Senyorito ba iyon?" Tanong ng isang tauhan na nadaanan niya sa tumana.
"Naku eh, mukha nga, san kaya pupunta ang batang iyon eh mukhang babagsak na ang bagyo, iba na ang simoy ng hangin." Sagot naman ng isa pa.
Ang batang Rian naman na nuon ay siyam na taong gulang pa lamang ay nakikinig lang sa usapan at nakabuo ng isang pasya.
"Inay, mauuna napo ako sa bahay, dadalin ko na po ang hilaw na mais na ito para maigisa sa ulam mamaya."
"Sige anak at baka maulanan ka pa." Sagot ng ina.
Mabilis ng tumakbo ang bata buhat ang plastic na may lamang ilang pirasong mais na napitas kanina. Ngunit hinde siya dumiretso sa bahay at tinunton ang daan papuntang Virgin Forest kung saan niya nakitang patungo ang batang Senyorito.
Hinde pa siya nakakapasok sa bundok ay bigla ng dumilim ang langit at grabe ang laki ng patak ng ulan na sinabayan ng matalim na kidlat at napakaingay na kulog.
Tatamaan siya ng kidlat kung hinde siya bababa ng kabayo at kailangan din niyang makahanap ng pagkukublihan. Basang basa na siya ng ulan.
Hinde pa sila nakakalayo ng kabayo sa paglalakad ay ginaw na ginaw na siya. Nagsisimula na din siyang kabahan at gumagapang na din ang takot sa buong sistema niya.
Nawawalan na siya ng pag-asa ng biglang may humawak sa kanyang kamay at hinila siya patungo sa isang direksyon at nagpaubaya na lang siya sa paghila nito at sumunod. Mabilis ang kilos ng batang babae at ganun din si puti na nakikisabay sa kanilang pagtakbo.
Hanggang sa makita niya ang maliit na kubo at pumasok sila sa loob. Hinde siya sanay sa ganoong hirap ng katawan kaya naman nananakit ang kanyang mga hita at pagod na pagod siya kasabay ng panlalamig.
Mabilis ang kilos ng batang babae na maganda. Natitigan niya ito at naakit siya sa maamong mukha nito, Makapal ang kilay, matangos ang ilong at manipis ang mga labi.
Ngumiti ito sa kanya at agad nitong kinuha ang plastic bag na dala dala mula sa isang pack na bitbig nito, Merong ding ilang pirasong mais sa plastic, binalot nito ang kanyang ulo. Kumuha ulit ito ng bagong plastic at binutasan ang puwitan at gilid na bahagi nito at isinuot sa katawan niya. Ang iba naman ay ibinalot sa kanyang mga braso. Nanginginig na ang kanyang katawan sa ginaw at patuloy naman ito sa paghimas sa kanya na hinde niya tinutulan. Alam niyang alam nito ang ginagawa.
"Senyorito bakit po ba kasi alam ninyong may bagyo eh nagpunta pa kayo rito? Nilalagnat ka na yata, ang init ng balat mo." Sabi nito.
"Anong pangalan mo?"
"Rian po." Nakangiting sagot nito habang unti-unting pumikit ang kanyang mata.
Nakita niya pa na nataranta ito bago siya tuluyang nawalan ng malay sa sobrang lamig.