Chapter 3 : Ang Pagtakas

1356 Words
Arriane Cruz Medina "Rian, bakit mo ginawa 'yon?" humahangos na tanong ni Rico, ang kanyang kababata at kaibigan. Inabutan siya nitong nagpapack ng mga gamit sa kanilang kubo. Nakapag-bihis na rin siya ng strecheable jeans, brown shirt at black bucket hat. Ginupitan niya na kagabi ang mahabang buhok na ngayon ay kanyang ipinusod at itago sa sumbrero. "Ano bang sinasabi mo, Rico?" kunwa'y naguguluhang tanong niya sa kaibigan. "Huwag ako, Rian, kilala kita kahit pa takluban mo ng kumot ang buong katawan mo at kahit pa busalan mo ang bibig mo, kilala ko ang boses mo. Hinde ka ba natatakot?" "Kaya nga kita mong nag-eempake na ako oh." Naluluha naman niyang sagot. Mabilis ang kanyang mga kilos dahil alam niyang anumang oras ay pede siyang abutan. "Kapag nahuli ka ni Senyorito siguradong mapapahamak ka. Alam mo kung gaani niya kamahal ang impaktang 'yon." "Tulungan mo na lang kaya akong mag-ayos ng gamit at ng makaalis na ako." Kinakabahan niyang sagot. Agad namang tumalima ang kaibigan at tinulungan siyang makapag-ayos ng ilang importanteng gamit. Kasama niyang isinilid sa maliit na body bag ang kaunting pera at ang iba ay inipit niya sa bra at ang ilan ay nilagay niya sa plastic at isinuksok sa rubber shoes. "Bakit kailangan mong gawin 'yon, ipaliwanag mo sa'kin, may pagtingin ka pa rin ba kay Senyorito Damien?" Naluluhang tanong ni Rico. "Buntis ako, Rico at aaminin ko na hinde ako masaya na ikakasal siya sa iba pero 'di ko din kagustuhan ang ginawa ko, kinailangan ko lang gawin." "Ha? Bakit? Sino ang ama niyan? Gulat na gulat ang kaibigan sa natuklasan. Natigil ang pagtatanong nito ng madinig nila ang kahol ni Balbon sa di kalayuan. Rian, may paparating. Umalis na tayo. Bilisan mo, siguradong sila Hangin yan." Kabadong sabi pa nito. Sa nadinig ay agad na silang lumabas sa likod at isinara ang pinto para kahit paano ay hinde mahalata at direretso na ang kanilang takbo papunta sa masukal na kakahuyan. Kailangan nilang magmadali at makasakay sa byahe ng bus papuntang Maynila. Isang oras pa mula ngayon ay aalis na ang bus, tamang tama lang ito kung sakaling makakaalis sila sa masukal na bahaging yon ay aabot siya sa termina. 'Yun ay kung papalarin pa siya. Malayo layo na ang natakbo nila bitbit ang kanyang bagpack at tila wala naman ng nakasunod sa kanila. Hinde siya sigurado kung alam ba ng mga tauhan ni Senyorito Damien ang daan na 'yon dahil bibihira lang ang napapadpad duon, ang mga may kabahayan lamang sa lugar na iyon ang posibleng makaalam ng daang iyon sa loob ng Hacienda Mondragon dahil sa lawak ng lupain ito meron pang mga ten percent ng lupain ang nanatiling hinde nagagalaw at ito nga ang kakahuyang pinasok nila kanina. Malapit ito sa lupain kung saan sila nakatira. Ang mga naninirahan sa lugar ay walang pag-aaring lupa, bagkus ay ipinahiram lamang sa kanila ito ng Don na maari nilang patayuan ng bahay bilang mga trabahante ng Hacienda. Sa makatuwid, lahat ng tao sa pamayanan ay trabahante lamang ng Hacienda at walang pwedeng makapasok lalo na ang basta na lamang magpatayo ng bahay. Sa Sta. Monica na siya ipinganak, nagkaisip at nagdalaga kaya ang tanging pangarap niya ay ang makapagtapos at makapag-aral upang sa hinaharap ay maialis ang pamilya sa lugar na iyon. Hangad niya na mabigyan ng maayos na tahanan ang pamilya, 'yung magkaroon ng sariling lupa at tahanan na masasabi nilang kanila talaga. "Rico, ayokong madamay ka pa, kaya pagkadating natin sa Bayan ay lumarga ka na. Kaya ko na ang sarili ko, babalitaan na lang kita." Sabi niya rito ng makalusot na sila sa gubat at makarating sa highway, malapit sa bayan. Mula roon ay mga sampung minutong lakaran na lang at aabot na siya sa terminal ng bus pa Maynila. Ito lang ang tanging paraan para makatakas siya sa lugar. "Hinde kita iiwanan, Rian, ihahatid kita 'san ka man magpunta." Pursigidong sabi ni Rico habang nakaalalay sa kanya. Pareho silang hinihingal at tumigil lang ng makarating na sa may paanan ng gubat malapit sa hi-way. Tatawirin nila ito at muli na namang papasok sa madawag na lupain katugon ng bayan. Hinde nila inalintana ang pagod at hirap sa pagtakbo ngunit kahit saglit ay kailangan nilang mamahinga. Dala ang baong tubig ay uminum muna siya ng kaunti at inalok si Rico na siya din naman nitong tinanggap. "Baby, konting tiis lang ha, kailangan lang natin makaalis dito. Kapit lang anak." Pagkausap niya sa sinapupunan habang hawak hawak ito. Sa nadinig ni Rico ay biglang lumungkot ang kanyang mga mata kasama na ang panghihinayang dahil matagal na niyang lihim na iniibig ang kababata. Hinde lamang niya magawang magtapat dahil alam din niya at masidhing pagtatangi nito sa kaisa isang anak ng amo na si Don Ramil. "Rian, sasamahan kita hanggang masigurado kong safe ka na sa pupuntahan mo. Tatawagan ko na lang sina Itay mamaya at sasabihin kong ilang araw akong hinde makakauwi dahil madaming ipinag-uutos ang Don." Nangyari na din kasi dati ang ganoon ng minsang sumama siya sa pagluluwas ng mga produkto kaya malamang na hinde naman magtaka ang kanyang mga magulang. "Salamat Rico, kung wala ka ngayon ay hinde ko alam ang gagawin ko." "Bakit ba kasi sumabak ka sa ganito kalaking problema sa kabila ng kilala mo kung paano magalit si Senyorito. Hinde mo man lang din ako sinabihan, para 'san pa at naging magkaibigan tayo." "Tulad ng sabi ko sa'yo, napilitan lamang ako." "Saan mo ba balak magpunta?" Tanong nito. "Sa Maynila, susunod ako kina Itay at Inay. Umalis na sila nung Miyerkules pa, ngunit kinailangan ko pang maiwan ngayon dahil sa planong ito. Sana lang ay magkita kita pa kami. Alam kong delikado ito kaya pinauna ko na sila duon. Sa ngayon ay alam ko ng safe sila." Mahaba kong paliwanag. "Kaya pala hinde ko na nakikita ang Nanay mo sa tumana, at hinde namimitas ng gulay. Akala namin ay may sakit lang ang Itay mo, 'yun pala ay umalis na dito at wala ring nakapagsabi sating mga kababaryo na nakita silang paalis." "Mahabang kwento, hayaan mo at 'pag nakarating na tayo sa pier at nakasakay ng barko ay ikukwento ko sa'yo." "Aasahan ko yan, Rian, para lubos kong maintindihan at umasa kang ibibigay ko ang pangalan ko para sa magiging anak mo." Bago sila tumawid ng malapad ng kalsada ay sinigurado muna ni Rico na walang sasakyang dumadaan at dadaan sa lugar. Pababa ang lugar na 'yon kaya mas mahirap itong tawirin kahit na nasa tatlong daang metro lamang ang haba nito. Ilang sandali lang ay natanaw na nila ang pamilihan sa ibaba at ang terminal ng bus. Makikita dito ng malinaw ang view ng palengke. Madami din namang taong naninirahan sa lugar kaya meron pa din namang mode of transportation, jeep, tricycle at habal-habal. Bus naman kung lalabas ka ng bayan ng Sta. Monica. "Rian, may malaki tayong problema." Pigil nito sa kanya bago pa sila makalabas sa lugar. Mula duon ay maari din sila makita ng mga tao sa ibaba kaya ingat na ingat si Rico sa bawat hakbang. Agad naman niyang sinundan ng tingin ang tinitingnan nito at nanginig ang kanyang kalamnan ng makita ang mga lalaking nakatambay malapit sa terminal ng bus at ang tatlong kotse na nakaparada malapit dito. "Rico, mukhang nakilala na nila ako." "Sino ba naman kasi ang hinde makakakilala sa'yo kahit pa nakabandana ka at nakasuot ng face mask?" "Teka, nakalimutan ko yata ang bandana sa bahay, yung mga damit ay naitapon ko na kanina, baka nakita nila 'yon kanina ah." Nahihintakutang sabi ko. "Hinde, ito oh." sabay dukot nito sa bulsa sa likod. "Salamat Rico at naalala mo pa 'yang damputin." "Kahit na hinde nila nakita ito duon, alam na nilang ikaw 'yan dahil pinuntahan ka nila sa bahay ninyo. Palagay ko nakilala ka ng Senyorito kanina." "Paano na ang dapat nating gawin?" Nag-aalalang tanong ko. "Halika bumalik tayo duon sa kabilang bundok, mas malaki ang tyansa na makatakas tayo duon." Sabi ni Rico na walang kasiguraduhan kung ano ang dapat niyang gawin. "Paano ang bus baka maiwanan tayo?" "Hinde na natin pwedeng gawin ang sumakay sa bus dahil pinababantayan na nila yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD