Arriane Cruz Medina
"Rico, sorry, sorry talaga at nadamay ka pa, iwanan mo na ako dito. Siguro pupuntahan ko na lang si Senyorito at hihingi ng tawad." Nanginginig na sabi ni Rian sa kaibigan.
"Ano ka ba Rian, tumigil ka nga sa iniisip mo, hinde mo alam gaano kadelikado ang gagawin mo." Sigaw ni Rico. "Hinde ka kasi nag-iisip bago ka nagdedesisyon."
"Paano na tayo makakaalis dito, sigurado ako pati sa bahay namin may nagbabantay na. Hinde na ako pwede bumalik dun." Mangiyak ngiyak na sabi niya sa kaibigan.
"Kaya nga magpakatatag ka, dapat positibo ang pananaw mo para sa mga Inay mo at sa baby mo." Pagpapalakas nito ng loob sa kanya.
Sa nadinig ay biglang natauhan si Rian.
Ang baby ko ang magiging buhay ko kaya kailangan ko magpakatatag.
"Salamat, Rico."
"Halika na umakyat na tayo ng makarating sa kabila, dun muna tayo mamalagi habang nag-iisip." Akay ni Rico sa kanya.
Sinimulan nila ulit ang pag-akyat papunta sa kabilang bundok, mas mahirap ang pagbalik dahil pataas ito at malalaki ang mga puno kaya mahirap kumapit sa mga ito.
"Teka Rian, may nadidinig akong sasakyan, baka mamaya mga tauhan yan nila Senyorito. Magtago tayo muna rito." Bulong ni Rico at ingat na ingat gumawa ng anumang ingay.
Mula sa kanilang posisyon ay medyo tanaw ang sasakyan na pababa sa highway.
"Rico, paano na, kotse nga 'yan dun sa hacienda."
"Shssshss, wag kang maingay." Saway nito sa kanya.
Maya maya pa huminto ang kotse malapit sa tapat nila at tila nagmamasid.
"Halughugin n'yo," sigaw ni David at agad namang nagsisunod ang mga tauhan nito.
Sakto namang may limang kalakihan ang humihingal ang lumabas galing sa kabilang bundok, kung saan sila lumabas kanina. Sila 'yung mga nakita nilang nagtungo sa kanilang bahay kubo.
"Boss, talagang wala na sa bahay at tinalunton din namin ang gubat ngunit wala." Report ng isang tauhan.
"Hinde makakalayo 'yon. Malalagot tayo kay Senyorito Damien 'pag hinde natin nahanap ang babaeng 'yon." Sabi ni David.
"Boss Hangin, baka mamaya pagkagaling sa simbahan ay dumiretso na siya sa sakayan ng bus palabas ng Sta. Monica kaya hinde na natin naabutan." Sabi naman ng isang tauhan.
"Pasukin n'yo ang pababang bahagi na ito." Utos ni David sabay turo ng lokasyon na pinagtataguan nila, o mas kilala sa bansag na Hangin dahil sa taglay nitong kayabangan at angas.
Sa nadinig ay nahintakutan ang dalawa. Nanginginig ang kamay ni Rian
"Boss, may mga tauhan na tayo sa istasyon ng bus. Makikita sila agad kung may lalabas diyan sa kabilang bahagi."
"Oo nga Boss, possible 'yon na kanina pa siya nakaalis, kasi sa pagsuyod namin sa gubat, impossibleng hinde namin siya makita kung papunta pa lang sila sa palengke ngayon." Sabi pa ng isang humihingal na tauhan.
"Itawag ninyo sa Pantalan baka may sumakay ng barko na nagngangalng Arriane Medina eh i-report nila agad sa atin." Muling utos ni Hangin. "Tara na sakay na, maghintay na lang tayo ng tawag mula sa mga tauhang nakakalat."
Nakahinga sila ng malalim sa nadinig, kaya naman nagtangka na sanang tumayo si Rian ng madaganan ng isang kamay ang siit at tumunog dahil sa pagkakabali nito.
"Teka Boss, mukhang may tao banda roon." At nagmamadali ng tumakbo ang isang tauhan papasok sa madawag na lugar.
"Kahit anong mangyari 'wag na 'wag kang lalabas dito." Bulong ni Rico na sinabayan ng tayo at lumitaw sa lugar na pinagtataguan.
"Sino ka, taga san ka?" Tanong ng tauhan ng makita si Rico sabay tutok ng baril.
"Ah Boss, teka lang teka lang, tauhan ako sa Hacienda, nagdala lang ako ng sarili kong aning sili sa baba." Sabi ni Rico ng nakataas ang kamay.
Hinde naman siya mapagkakamalang nagsisinungaling dahil ang dumi dumi niya at puno ng pawis.
"Kilala ko 'yan, bakit nandito ka?" Tanong ni Hangin
Minsan na kasi siyang nakikita ni Hangin dahil si Rico ay isa sa pinagkakatiwalaang tauhan sa tumana sa maisan.
"Boss, ito ang pinakamabilis at murang daanan, sa isang kilong siling naibenta ko ipapamasahe ko pa ba iyon?" Katwiran ni Rico. "Nagmamadali na nga ako at bibyahe pa kami mamaya, iiwanan ko lang itong pera sa kapatid ko."
"Wala ka bang napansing tao diyan na nakasalubong?" Tanong ng isang tauhan.
"Sino naman maglalakas loob ng pumasok diyan eh napakadawag diyan? Maraming ahas. delikado kapag hinde kabisado ang lugar." Sagot ni Rico.
"O sige, tara na tara na." Aya ni Hangin sa mga kasama.
Nakahiga naman ng maluwag si Rico ng magmaneobra na ang sasakyan nito at umalis. Hinde pa muna siya bumalik sa piangtataguan nila at nakiramdam, mahirap na baka biglang bumalik pa ito.
Ilang minuto na siyang nakatayo ng makita ang papababang truck na nagbabyahe ng gulay pa Maynila. Nabuhayan siya ng loob dahil kilala niya ito.
"Tatay Tonyo," tawag niya dito kahit hinde niya sigurado kung nadinig ba siya nito. Lumitaw siya sa dadaanan kaya naman napapreho ito.
"Hoy bata ka, anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa namin hinahanap ah." Bungad ni Tatay Tonyo.
"Kuya Rico, san ka ba nagpunta sabi naman ng pahinanteng si Alvin." Apo ito ni Tatay Tonyo.
"Paano ka pa niyan makakasama sa biyahe eh napakadumi mo na, 'san ka ba nagsuot? Sabi mo kanina ay sisislip ka lang sa kasal eh hinde ka na bumalik pa. Alam mo namang hinde pwede madelay ang byahe natin at malalagot tayo.
"Pasensya na po 'Tay pero sasama po kami sa byahe ninyo." Nag-aalalang sagot ni Rico.
"Kami?" Naguguluhang sabi nito, "Sinong kame?"
"Sa daan ko na po ikukwento "Tay, sandali lang po." Sabay takbo nito sa pinagtataguan ni Rian at nagmamadaling binuhat ang kanilang mga dala.
"Rico," nagulat pang sabi ni Rian.
"Rian, bilisan mo halika na, dali at baka bumalik pa sila." Kaagad namang napatayo si Rian at hila hila siya nitong tumatakbo. "Sakay dali. Hinde tayo pwedeng matagal na nakahinto dahil sigurado akong nakatingin dito 'yung mga nasa baba at baka magtaka sila kung bakit natagalan ang truck bago makalabas dito."
Ng makita naman sila ni Alvin ay agad itong bumaba at inalalayan silang makaakyat.
"Anong gulo ba itong pinasok mong bata ka?" Nag-aalalang tanong ni Tatay Tonyo at agad na pinaandar ang sasakyan. "Magtago muna kayo riyan at baka matanaw kayo ng mga naghahanap sa inyo, dinamay mo pa itong si Arianne."
"Tatay, ako nga po ang nagdamay kay Rico. Umalis na po tayo at baka abutan pa ako ng mga tauhan ni Senyorito. Pasensiya na po kayo pero kailangan ko pong makarating ng Maynila para sundan sina Itay at Inay." Mahabang paliwanag ng dalaga.
Ang likod ng truck ay may maliit na space sa likod ng driver na kung saan ay pwedeng mahiga ang gustong matulog. Naibubukas ito at may kurtina kaya tahimik muna silang naupo duon at nagtago.
"Itay may mga tauhan po sa palengke na nakaabang, mag-ingat po kayo." Paalala ni Rico.
"Alvin, yung mga bag ay iabot mo din sa likod at baka makita 'yan diyan kapag may sumilip, baka halughugin ang mga byahero." Utos ng matanda.
Sa nadinig ay agad naman silang tumalima at binuksan ni Rico ang maliit na pinto sa likod kung saan pwedeng dumaan si Rian para makapasok sa likod ng Truck kung saan nakakarga ang mga mais. Sa liit ng katawan ni Rian ay kakasya naman siya duon at least ay buksan man ang kurtina ay hinde siya makikita duon.
"Paglagpas sa palengke ay pupwede na muna kayong lumabas, pero may isa pa tayong malaking problema na kailangang pag-isipan."
"Kapag naman po Lolo nakasakay na tayo ng RORO ay ligtas na po sila 'di ba? Singit ni Alvin.
"Iyon ay kung papalaring hinde sila mahuli doon." Sagot naman ng matanda.
"Hinde ganoon kadali 'yon Vin, dahil may timbang ito nung umalis sa Hacienda, kaya dapat lamang na pagdating sa Pantalan ay iisa lang 'din ang timbang ng truck bago tayo makasakay sa barko." Paliwanang ni Rico.
"Ay oo nga hano Kuya, hinde ko naisip agad 'yon ah."
"Kaya nga kailangan nating paghandaan 'yon." Sabi ni Tatay Tonyo.