Arriane Cruz Medina
"Malapit na tayo sa palengke, Rico," pagbibigay impormasyon ni Mang Tonyo.
Kaya naman pare-pareho na kaming nanahimik at hinde gumawa na ingay. Si Rian naman ay tahimik lamang na nakikiramdam sa paligid habang hirap na hirap sa pagkakaupo sa maliit na espasyo sa likuran ng truck.
"Putcha, pinapara tayo Kuya Rico, paano po gagawin natin Lolo." Kinakabahang sabi ni Alvin.
"Cool ka lang apo. Ako nang bahala basta normal lang ang kilos ninyo." Dinadaan na lang ng matanda sa tawa kahit na medyo kinakabahan din.
Hinde nagtagal ay hinaharang na sila ng mga tauhan ng madaanan ang palengke.
"Manong, pwede ho ba naming macheck ang truck?" Sabi ng isa sa mga tauhan.
"Boss, may problema ba?" Tanong ng matanda habang nakangiti.
"Patingin ng likuran d'yan sa may nakatakip na kurtina." Sabi ng tauhan na umakyat na sa kanang bahagi ng truck.
Unti-unting hinawi ni Alvin ang kurtina at nanalangin dahil alam niyang mahuhuli na sila.
"Pare, nagbibihis lang ako," sabi naman ni Rico na nuo'y nakahubad at may hawak na malinis na t-shirt.
Pagbukas ng kurtina ay katawang nakahubad ni Rico ang nabungaran nila, pasimpleng naghahanap ang mata ni Alvin at hinahanap ang dalaga. Nakatakip na ang mga paa ni Rico na may putik.
"Walang tao dito sa likod, pahinante lang," pagbibigay impormasyon nito sa mga nasa baba.
"Manong, bakit parang natagalan kayo pagbaba sa daan kanina," tanong naman ng isang tauhan.
"Kasi ay isinakay namin itong isang ito dahil nahuli sa byahe namin buti at nasabat kami dun kaya isinama ko na." Sagot ng matanda.
"Nagkita din kami nina Boss Hangin dun ah habang nag-aabang ako dito sa truck." Singit naman ni Rico.
"Nandun ba sila?"
"Oo, nakita ko sa taas. Tinanong pa nga ako kung may napansin ako, sabi ko ay wala naman, e 'di ko naman alam kung sino ang hinahanap nila," sagot ni Rico.
"May babae kasing nanggulo sa kasal ni Senyorito at ipinapahanap samin. Galit na galit at hinde natuloy ang kasalan." Kwento naman ng tauhan.
"Wala naman din kaming napansin Iho, na kakaiba. Ganon ba, hinde ba natuloy ang kasal ni Senyorito Damien? Hinde namin nabalitaan at busy kami sa pagkarga." Sabi naman ni Mang Tonyo.
"Baka nga kasi pagkagaling sa simbahan ay sumakay na 'yon ng bus paalis dito sa Sta. Monica." Dugtong naman ng isa pa.
"Para naman kasing naghahanap tayo ng karayom dito sa dayami." Reklamo ng isa pa.
"Unga*s tumigil ka ng reklamo at malalagot tayo." Sabi ng pinaka-leader nila.
"Nga pala mga Iho, itong batang ito ay hinde nasama sa timbang kanina dun sa taas hano, kaya ipagbibigay alam ko pa na magbabago ang timbang namin sa Pantalan." Pagbibigay ng impormasyon ng matanda.
"Sige ho Manong, pasensiya na rin ho sa abala." Paalam ng mga tauhan.
"Okay lang mga Iho at kami rin ay mauuna na at baka mahuli kami sa byahe." Paalam na din ng matanda.
Pag-andar ng truck at ng makalayo layo ng konti ay sabay-sabay silang napahinga ng maluwag.
Agad din namang binuksan ni Rico ang maliit na daanan at inalalayang makalabas at makaupo ng maayos ang dalaga. Kumuha siya ng bimpo sa bag at binasa ng tubig ng makapaglinis ito ng katawan. Sinunod niyang itakip ang kurtina at tumabi kay Alvin.
"Mabuti Kuya Rico at naitago mo pala si Ate Rian duon sa likod." Masiglang sabi ni Alvin.
"Naisip ko lang na baka silipin nga nung sinabi ng Itay Tonyo kanina." Sagot naman ng kinausap.
"Tamang-tama talaga 'yung idea mo na gumawa ng maliit na lagayan ng gamit duon Kuya, hano."
Ang butas ay may dalawang piye ang laki ng papasukan at pagpasok sa loob ay nasa dalwa't kalahating piye naman ang luwang sapat ng paglagyan ng kanilang mga kalan, bigas, at mga ibang kagamitan kapag sila ay nasa mahabang biyahe. Sapat din ang katawan ng dalaga upang makapagtago sa likod.
"Pagdating sa Pantalan ay lalansiin natin ang taga timbang at bababa ako para yung timbang ay sasakto lamang sa irereport ng Itay sa dagdag timbang." Sabi ni Rico bilang ideya para makalusot sila.
"Hinde na anak, nagkarga kasi ako ng isang sakong mais diyan na ipapamahagi sa mga kaibigan natin sa Pantalan." Sabi ng matanda.
"Oo nga po pala Lo, kaya ibaba ko na kaagad 'yon bago tayo timbangin mamaya." Sabi ni Alvin.
"Hinde ho ba nasama 'yon sa tantos Itay?" Nag-aalalang tanong ni Rico.
"Kasama sa tantos ng timbang pero hinde kasama sa bilang ng sako kay madali pa rin nating mailulusot. Pinagpapala pa rin kayo ng Diyos at nakalusot tayo dun." Pagmamalaking sabi ng matanda.
"Rico, tapos na akong magbihis." Singit ni Rian.
Ibinukas naman ni Rico ang kurtina.
"Ate mukhang pagod na pagod ka, merong tubig diyan sa galon at may biko na padala ang Lola, kumain muna kayo."
"Salamat Vin," at kaagad ng lumipat si Rico sa likod at ng maihanda ang kakanin.
"Salamat po Tatay Kaloy." Pasasalamat ni Rian. "Sorry po, at nadamay pa kayo."
"Sabi mo Ineng kanina ay nasa Maynila kamo sina Gardo?" Tanong ng matanda.
"Opo, pinauna ko na po sila nung isang araw pa."
"Aba'y kaya pala hinde ko nakikita ang Nanay mo sa tumana. Wala naman ding nakapagsabi sa amin na sila'y umalis pala."
"Ah Lo, pakainin muna po natin sila bago po natin alamin ang nangyari dahil sigurado akong mabigat ang dahilan nila sa pagtatago sa mga Mondragon." Singit naman ni Alvin.
"Oo nga sige, may utang kayong istorya sa amin. Kumain muna kayo, sa barko na tayo maghuntahan at mahaba haba pa ang panahon natin duon."
"Salamat po." Sagot naman ni Rico.
"Tatay ang sarap po ng Biko, natakam po ako. Kanina pa nga po ako gutom na gutom." Natutuwang sabi ng dalaga.
Mahigit isang oras ang lumipas at medyo naidlip na ang dalawa sa likod.
"Kuya, Kuya, malapit na tayo sa Pantalan." Panggigising ni Alvin.
"Rian, kailangan mo muna bumalik sa likod at ng hinde ka makita." Sabi ni Rico kay Rian.
Inilis ng binata ang sandalan ng upuan sa likod para mabuksan ang maliit na pinto.
"Magtiis ka lang muna ng kaunti, buksan mo ang maliit na bintana ng may pumasok na hangin kahit papano. Kaunting tiis lang Rian ha." Bilin ni Rico sa dalaga.
"Wag mo kong alalahanin at kaya ko ito. Salamat ha kasi hinde mo ko pinabayaan."
"Naku Ineng sino ba naman magtutulungan kundi tayo lang din naman." Sabi ng matanda.
Maya-maya lang ay natanawan na nila ang Pantalan at ang mga byaherong truck ng mga Mondragon ay may sariling linya kaya naman hinde nila kailangang pumila ng matagal. Natapat din namang wala silang kasabay na byahero ngayon dahil mamayang gabi pa ang alis ng iba na may kargang gulay.
Pagpila ng truck ay kaagad naman bumaba ang dalawang pahinante ng maibaba ang sako ng mais na pasalubong sa mga empleyado ng RORO na kanilang sasakyan.
"Manong, tumawag ang Mondragon, may pinapahanap na babae sa amin na baka daw sumakay dine sa barko, ang problema baka kanina pang umaga nakaalis iyon. 'Yung byahe ng alas dose." Sabi ng tagatimbang ng mga kargada.
"Oo nga daw, hinarang din kami kanina at baka daw nakita namin." Sagot naman ng matanda.
"Ano ho bang nangyari duon?"
"Ang sabi ay hinde natuloy ang kasal ng Senyorito at may babae daw na humarang e wala naman kaming nabalitaan dahil madami kaming ikinakarga."
"Ah ganon ho ba, kaya pala po babae nga 'yung pinapahanap."
"Siya nga pala ay magbabago ang timbang baga namin dahil itong si Rico ay hinde namin kasama kanina nung nagtimbang e nasabat lang namin yan dun sa pababa at naiwanan ko dahil di ko mahagilap, e baka kasi hinde kami umabot dito."
"Ganon ho ba?"
"Pakireport mo na lang, tsaka nga pala may pasalubong kami sa inyo, paghati-hatian n'yo na lang yung isang sako ng mais. Napakatamis niyan." Pang-uuto pa ng matanda.
"Ganoon po ba Manong, maraming salamat po. Ano po ba ang timbang ninyo kanina?" Tanong naman ng empleyado.
Kaagad namang sinabi ng matanda kasama ng timbang ng binata.
"Sige po idagdag ko na lamang sa report at dumiretso na po kayo dun sa loob."
"Naku salamat at ng makapagpahinga na ako sa wakas." Nakangiting sabi ng matanda.
Nagsisakay na ang dalawa at ng makaparada na sila sa dulong bahagi ay pinalabas na ni Rico ang dalaga.