Chapter 6 : RORO

1322 Words
Arriane Cruz Medina Nang makaayos na sila ng parada ay nagpaalam ang matanda na iidlip muna sandali. Nagkabit na ito ng duyan sa ilalim ng truck at nahiga. Ganon na din ang ginawa ni Alvin. Alas-kwartro pa lamang naman ng mga oras na iyon. Ang dalawa naman ay nanatili sa loob ng truck at tinawagan na ni Rico ang kapatid para makapag paalam. Ganoon din ang ginawa ni Rian, tumawag din siya sa ina upang iparating na nakasakay na siya ng barko ngunit hinde na siya nagkwento pa rito tungkol sa hirap na pinagdaanan niya. Kinamusta muna niya ang ama't ina bago tuluyang ibinaba ang telepono. "Rian, iaalis ko muna ang mga gamit sa likod para kapag umidlip ka ay di ka na maistorbo pa, tutal ay dalawang araw tayo mananatili rito. Maglalaga muna ako ng mais sa labas" Wala namang imik ang dalaga ng sinimulan ng kumilos ng binata. Bandang ala sais ng hapon ay nagising na sila at inabutang nakalatag na ng tent si Rico sa ibaba at nagsasaing na rin sa super kalang dala-dala. "Itay ito na lang po bang sardinas ang uulamin natin ngayon?" Tanong ni Rico. "Oo sige, dahil hinde na tayo nakapamili kanina sa palengke ng uulamin sa byahe sa paghihintay namin sa'yo." Sabi ng matanda. "Pasensiya na Itay at hinde ko naman pwedeng pabayaan itong si Rian." "Okay lang naman 'yon Totoy at mabuti ngang nakaligtas na tayo dun, pero dapat ay alerto pa din tayo at baka masilip tayo dito. Mabuti na ang nag-iingat." "Kuya Rico, maluluto na ito, pababain mo na si Ate Rian at diyan na lang sa loob ng tent at ng hinde siya masyadong mapansin sakaling may sumilip." Sabi naman ni Alvin. Maya maya lamang ay nagsimula na silang kumain. "Ineng, pasensiya ka na pero sa tingin ko ay kailangan mo ng magsimulang magkwento ng maunawaan namin ang nangyayari sa inyo." "Hayyyyyyyyymmnn—, mahabang buntunghininga ng dalaga, sakto namang tapos na siyang kumain ng mga oras na iyon. Naka tatlong mais lamang ang dalaga dahil ang isang sardinas ay hinde naman kakasya sa kanilang apat kaya nagdahilan na lamang siya na iyon na lang ang kakainin. Isa pa ay ayaw niya din ang amoy ng sardinas. "Kasalanan ko po ang lahat ng ito dahil sa lihim kong pagtingin sa Senyorito ay nagawa kong ibigay ang sarili ko." Umiiyak na panimulang sabi niya. Ikinuwento niya ang tungkol sa unang beses na nagalaw siya ni Damien dahil sa kalasingan nito hanggang sa maulit ito ng ilang beses pa sa kagustuhan na din niya. "Nagbunga po ang pagniniig namin at ngayon po ay buntis ako." Naiiyak niyang kwento. "Ano? Alam ba ng Senyorito yan? Tanong ni Mang Tonyo. "Hinde ko po kayang sabihin sa kanya." "Si Don Ramil alam ba niya ate?" Tanong ni Alvin. Si Rico ay tahimik lamang na nakikinig at hinde nagtatanong. Kitang kita sa mata nito ang sakit na bumalatay sa mga mata nito. Tulad ni Rian na lihim na umiibig, lihim din niyang iniibig ang dalaga. Hinde lamang niya magawang ligawan dahil ang nais niya ay kapag nakapagtapos na siya ng pag-aaral. "Hinde ko din sinabi." Umiiyak na sagot ng dalaga. "Natatakot ako." "Anong dahilan ng pag-alis ng iyong ama't ina?" Tanong ulit ng matanda. "Una pa lang po may nangyari samin ni Senyorito ay alam kong nakahalata na si Don Ramil at nanatili lamang itong tahimik. Patuloy lang din naman po ang buhay, naninilbihan ako at nag-aaral. Ng sumapit po ang aking graduation ay kinausap po ako ng Don sa kanyang opisina at hiningi po ang tulong ko na paibigin si Senyorito. Nung una po ay pumayag ako dahil nga po may nangyayari na sa amin kaya lang po ay talagang kay Ma'am Emilia lang umiikot ang mundo ni Senyorito pero patuloy pa din po ang nangyayari sa amin kaya umaasa akong matutunan niya akong mahalin. "Sa tuwing may mangyayari po samin ay sa mga panahong lasing na lasing siya at ako ang nag-aasikaso sa kanya ngunit kinabukasan ay palagi niya akong nakakalimutan dala ng kalasingan. Nagulat na lamang po kami ng inianunsiyo ni Senyorito ang biglaang pagpapakasal kay Ma'am Emilia dahil buntis daw po ito. Isang buwang preparasyon lamang daw po." "May kinalaman ba ang Don sa ginawa mo kanina sa simbahan?" Singit na tanong ni Rico. Tumango naman ang dalaga. "Kung gayon dapat siya ang gumagawa ng paraan na itakas ka dito, hinde 'yong pagkatapos niyang makuha ang gusto niya ay iniwanan ka na lamang sa ere." Naghihinanakit na sabi ni Rico. "Nung kinausap ako ng Don ay binayaran niya ako ng isang milyon." "Isang milyon ate?" Nanlalaki ang mata ni Alvin sa gulat, "Ano na lamang ang isang milyon sa panahong ito, kakarampot lang 'yon kumapara sa yaman nila." Sagot ng matanda. "Isang milyon lang din naman kasi ang hiningi kong halaga at ang pakiusap na mauna na niyang paalisin sina Inay kaya nung isang araw ay iniluwas na niya ng Maynila ang pamilya ko ngunit pagdating sa bahay na aming tutuluyan at ng nakaalis ang mga tauhan ay sinabihan ko sina Inay na umalis dun at 'wag ipapaalam kung san sila naroroon dahil gusto kong putulin ang ugnayan sa kahit sinong nasa Sta. Monica." "Kahit sa amin pala ay wala kang balak magpaalam kung di ko pa nasaksihan ang ginawa mo sa simbahan." Naghihinanakit na tanong ni Rico. "Patawarin mo ko, alam kong kaibigan kita ngunit ayoko lamang din na madamay pa kayo sa gulong ito." Paliwanang naman ng dalaga. "Anong naging katapusan ng usapan ninyo ng Don, Ineng? "Tatay Tonyo, ang sabi po niya ay siya ang bahalang magtago sa amin at dapat din kanina sa simbahan ay may taong tutulong sakin papuntang Maynila kaya lamang ay mas pinili ko din silang takasan at hinde ako sumunod sa kasunduan dahil nung nakaraang linggo ay nalaman kong nagdadalang tao ako. Masakit man sa loob ko na sirain ang kasal ni Senyorito ay pumayag ako dahil na rin sa galit ko sa ginawa niya sa akin. Pagtapos niya kong angkinin ng paulit-ulit ay hinde daw niya ako nakikilala." Tumutulo ang luhang kwento pa ng dalaga. "Tumahan ka na Ineng at makakasama 'yan sa bata." "Kaya po ng malaman kong buntis ako ay kinausap ko ang Don at pumayag sa plano niya. Nung umalis ang mga Inay ay dala na po nila ang pera at sabi ko ay ipapaliwanag ko na lamang ang lahat sa kanila pagtungtong ko ng Maynila. Naisip ko pong malaking halaga na din naman ang pera na 'yon ulang maisilang ko ng maayos ang bata at kahit paano ay makakatulong 'yon para mabuhay kami ng maayos." "Paano ang plano mo pagbaba mo ng Maynila? Dalawa na pala ang possibleng maghanap sa'yo, si Senyorito at ang kanyang ama." Nag-aalalang tanong ni Rico. "Paglabas natin ng pier ay ako na ang bahala sa sarili ko, may konting pera din naman akong dala para mapuntahan sila sa piang-usapan naming lugar." Sagot ng dalaga. "Maipagkakatiwala mo bang sabihin sa'kin kung saan 'yon?" Tanong ni Rico. Marahang umiling ang dalaga habang nagpapahid ng luha. "Patawarin mo ako pero tulad ng sabi ko ay, hinde pwedeng malaman ng kahit sino dahil ayokong may madamay pa dito." "Paano ako mapapalagay kung hinde ko malalaman?" Tanong pa ng binata. "Tatawagan kita kapag napag-isipan ko ng mabuti ang dapat kong gawin, sa ngayon, mas konti ang nakakaalam, mas safe kami ng pamilya ko. Patawag Rico pero talagang nagpapasalamat ako sa'yo, sa inyo sa tulong ninyo sa akin kanina." Patuloy lang ang pagtulo ng luha ng dalaga. "Tama naman siya Iho, 'wag na tayong malungkot at manalangin na lang na maging ligtas ang bawat isa. Umasa ka din Ineng na walang makakaalam nito sa Sta. Monica kaya itikom mo ang bibig mo Vin." Komento ng matanda. "Opo Lo, at 'wag kang mag-alala Ate at ipapanalangin din kita. Mag-iingat kayo palagi." Bilin naman ni Alvin. "Salamat po sa inyo 'Tay, Alvin at Rico." Pagkatapos ng kwentuhan ay nagpasya na silang magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD