Arriane Cruz Medina
Medyo naantala ng sampung minuto ang kanilang byahe dahil pinahinto niya ang driver ng tumawag ang Don. Pinababa muna niya ito.
"Rian, iha, handa ka na ba?"
"Opo, pero kinakabahan po ako."
"Huwag kang matakot dahil may tauhan akong magbabantay sa'yo"
Napalingon siya sa driver na bumaba at nakita niya itong iba ang pagkakangisi sa kausap sa telepono. Mas lalong nilukuban ang puso niya ng kaba dahil ngayon lang niya ito nakita at alam niya sa sarili niyang hinde niya ito mapagkakatiwalaan, woman's instinct.
"Ganon po ba?"
"Ang diver mo din ngayon ang maghahatid sa'yo pa Maynila kaya kailangang makabalik ka sa kotse agad. Sapat na ang limang minuto upang mahinto ang kasal"
"Okay po," mahinang sagot niya habang hinde inaalis ang mata sa taong nasa labas ng sasakyan na nuon ay palinga linga sa paligid.
Ibinaba na ng Don ang telepono kaya kinatok niya ang salamin para ipaalam sa driver na maaari na silang umalis. Lalo naman siyang nilukuban ng kaba ng nakita niya itong nakatitig sa rear view mirror at nakatingin ito sa kanya.
Dahil sa instinct ay nakabuo siya ng isang plano na wala sa pinag-usapan nila ng Don.
Bago nagsimula ang kasal ay nakarating naman sila sa destinasyon.
"Ma'am, pwede ninyo pong iwanan ang bag ninyo dito sa kotse ng hinde makasagabal sa inyo mamaya."
"Ah ito po ba Kuya," sabi niya habang nakangiti at hinawakan ang maliit na body bag na dala dala. "Nandito po ang pampaswerte ko eh. Hinde po ito makakasagabal dahil wala naman itong laman kundi facemask at bandana na gagamitin ko mamaya."
Sinadya niyang maging magiliw sa kaharap upang hinde ito makahalata na hinde na niya ito babalikan mamaya. Sinadya niyang dalhin ang maliit na bag upang magkabulilyaso man ay dala niya ang mga mahahalagang bagay sa kanyang pagtakas.
"Ma'am, dito na lang din po ako maghihintay ha."
"Okay po Kuya, ayos nga po itong pinaradahan mo madali akong makakabalik dito,"
Bago tuluyang bumaba ay inilabas na niya ang bandana at facemask. Isinuot na niya ang bag bago ibinalot ang bandana niya sa may balikat at ulo. Nagtali din siya buhok at ipinasok sa isang itim na bucket hut, nagsuot din siya ng itim na shades at nakaitim din siyang rubber shoes. Magaan ito at malambot sa paa para madali niyang maipang takbo, nabili niya ito sa Bayan kahapon.
Pagkababa ay pasimple siyang humanap ng ibang lugar kung saan siya pwedeng sumakay mamaya o tumakbo. Mula naman sa simbahay ay may shortcut sa gubat papunta sa kanilang bahay.
Sakto namang magsisimula ang kasal ng naaayos na niya ang kanyang planong pagtakas pati sa kotseng kanyang sinakyan.
Alas nueve at nagsimula ng tumugtog ang wedding march, kaya naman nagpunta na sila sa isang sulok sa loob ng simbahan dahil isasarado ito kapag nakapasok na ang bride kaya kailangang sa gilid lamang siya dadaan. Nagmasid siya sa paligid at napansin niyang maraming tao ang mula sa kanilang nayon o mula sa Hacienda, ang iba marahil ay sa reception na lamang ito magsisipunta para sa inihandang piging.
Pumuwesto siya sa sulok sa likod ng bulletin board kung saan hinde siya gaanong mapapansin. Madaming mga tao ang nakatayo sa gilid gilid at tila ba manunuod ng isang pelikula, madami ang gustong makasaksi sa pag-iisang dibdib ng prinsepa ng lugar. Iniwasan din niya ang pwesto ng mga tauhan ni Damien at ni Don Ramil. Halos lahat lamang naman ng mga panauhing pandangal ay sa may harap ng simbahan nakapwesto at sa hulihan ay puno ng mga nakikiusyoso.
Lahat ng atensyon ay nasa ikakasal kaya wala namang nakakapansin sa kanya.
Nagsimula ng lumakad ang bride at napakaganda nito. Si Damien ay nakatitig lamang dito ngunit hinde niya mabasa ang iniiisip nito. Hinde naiiyak tulad ng napapanuod niya sa mga drama movie na umiiyak ang bida habang ikinakasal. Hinde niya makitaan ng saya ang mga mata nito.
Pagkadating ng bride sa harap ay nagsimula na ang misa ng pare. Nakita niya ang Don na lilinga linga at alam niyang hudyat iyon para pumasok siya sa eksena.
"Tayo ngayon ay nagtitipon upang masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Damien Mondragon at Emilia Acosta na—" hinde pa man tapos ang pari sa pag-aanunsiyo kung sino ang mga ikakasal ay umalingawngaw na ang sigaw niya.
"Itigil ang kasal Father, buntis po ako at si Damien po ang ama.—Maawa po kayo sa batang dinadala ko."
Pinilit din niyang ibahin ang boses dahil isa ito sa kanyang talento nuong nasa kolehiyo siya. Nadevelop iyon sa pagsali sali niya sa mga acting session at voice over lesson sa eskwelahan.
Nadinig niya pang tinatanong siya kung sino siya.
"Anong hinde mo ko kilala? Damien ang kapal ng mukha mo pagkatapos mo akong angkinin ng paulit-ulit at buntisin ito ang gagawin mo?"
Nagsimula ng magkagulo kaya ang atensyon ng lahat ay nasa harap at ng matantiya niyang hinde na matutuloy ang kasal dahil sa pagtutol ng ama ng bride ay agad agad na siyang kumilos palabas bago pa nakahuma ang lahat at mahabol siya.
Tumakbo siya sa likod ng simbahan. Agad niyang hinubad ang itim na bestida at sumbrero upang may makakita man sa kanya ay hinde iisiping siya ang nanggulo. Pagdating sa isang kubling lugar ay inilaylay niya ang pajamang suot at inayos ang tshirt na nakapaloob sa bestida.
Direretso siyang dumaan sa mapunong bahagi sa likod ng simbahan. Malapit kasi iyon sa tuktok at pagbaba sa medyo matarik na daan ay malapit na iyon sa kanilang lugar. Iilan lamang din ang nagtatangkang dumaan duon dahil delikado ngunit kabisado niya iyon dahil madalas silang mangahoy duon nung maliliit pa sila kasama ng kaibigang si Rico.
Nagpadausdos siya sa lupa kaya makapal na pajama ang kanyang suot. Natatagalan lang sa byahe ng sasakyan dahil paikot ang kalsada na kanilang dadaanan.
Ng makababa ay meron na lamang sampung minuto o kualng pa ang kanyang tatakbuhin at mararating na niya ang kanilang tahanan kung saan nakagayak na ang susuutin niya sa pagtakas.
Hinde na niya alintana ang batang nasa sinapupunan. Parang hinde buntis kung siya ay kumilos. Habulin man siya ng sasakyan ay mas mauuna pa din siya dahil malapit lang talaga ang shortcut na iyon. May magtangka mang sumunod sa kanya duon ay sigurado ding matatagalan lalo at hinde sanay sa matarik na bahaging iyon.
Meron kasing isang parte sa gubat na iyon kung saan ka lamang maaaring dumaan gamit ang mga baging na kanilang natuklasan para sa pagbaba bago ka makakapagpadausdos sa lupa.
Ng makarating siya sa bahay ay agad niyang hinubad ang mga damit na puno ng putik at inilagay sa isang plastik kasama ng sapatos at kanyang itatapon iyon mamaya sa daan. Muli siyang naligo at nagpalit ng damit. strecheable jeans, brown shirt at black bucket hat at magaang sapatos ang kanyang sinuot at muling chineck ang mga dadalhin.
Hinde pa man siya natatapos ay nadinig na niya ang boses ng kaibigan.
Hinde na niya nagawang magsinungaling dito at hinde niya inakalang nanduruon ito sa kasalan sa simbahan.
Tinulungan na lang siya nitong magligpit at hinde nagtagal ay naulinigan nito ang yabag ng mga taong paparating kaya naman dali-dali na silang lumabas sa likod ng pinto.
Nakuha pa nitong isara ang pintuan at damputin ang itim na plastic na siya nitong itinapon sa matarik na bundok habang sila ay matuling tumatakbo para makatakas.
"Ate, Ate," untag ng kanyang kapatid na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan,
Napakatagal ng namutawing katahimikan sa kanilang pamilya.
"Ibig sabihin dahil sa ayaw ng Don kay Senyorita Emilia ay nakagawa siya ng isang malupit na desisyon para sirain ang buhay ng Senyorito?" Tanong ni Rizza.
"Ayon sa kanya ay nagpaimbestiga siya at nalaman niyang may ibang nobyo si Senyorita at ng tangkain niyang sabihin iyon kay Senyorito ay hinde ito naniwala. Natuklasan din niyang may balak agawin ang kumpanya."
"Sino ang nagbabalak umagaw?" tanong ng ina.
"Si Sir Armando po na ama ni Senyorita Emilia."
"Kung ganoon dapat ngang mapigilan, kaya lamang ang hinde ko maintindihan ay bakit ikaw pa ang napiling gumawa niyon? Ipinahamak ka niya at sa tindi ng pinagdaanan mo sa pagtakas ay para ka niyang pinatay lalo pa at may bata sa sinapupunan mo." Mahabang litanya ng ama na may pagdaramdam.
"Ako naman po ang may gusto na mag-iba ng plano dahil kinabahan ako sa driver na kasama ko."
"Mabuti na lang pala Ate at nagkita kayo ni Kuya Rico." Singit ni Robert.
"Sinundan siyang kusa hinde sila basta nagkita. Ang bait talaga ni Kuya." Sabi pa ni Rizza.