Arriane Cruz Medina
Pagkatapos ng kainan ay nagpaalaman na sila.
"O Iha, mag-iingat ka, nalulungkot ako na aalis ka na sa mansyon, wala ng mag-aalaga sa amin. Ikaw pa naman ang paborito ko dahil maalaga ka." Sabi ng Senyora.
"Ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil nakapagtapos po ako ng pag-aaral sa tulong ninyo." Nakangiti namang tugon ng dalaga.
"Mamimiss ko ang luto mo Iha," sabat naman ng Don.
"Masarap naman po magluto sila Manang."
"Naku para sa akin, e luto mo ang pinakamasarap lalo na 'yung pinatisan at kare-kare." Sagot naman ni Don Ramil.
"Baka po magselos si Senyora sa mga sinasabi ninyo Senyor."
"Ay, hinde ano ka bang bata ka dahil pati ako'y sarap na sarap sa kare-kare mo. Mamimiss ko din 'yon lalo na ni Damien dahil paborito niya iyon." Sagot ng ginang.
Hinde naman na sinagot ng dalaga ang sinabi ng ginang at nagpaalam na lang silang aalis na.
Naramdaman niyang sinusundan siya nito ng tingin nung papaalis sila ng restaurant na pinagdalhan sa kanya ng ginang kaya naman naaasiwa siya kanina. Hinde niya matukoy kung lungkot ba ang nababanaag niya sa gwapong mukha nito ngayong alam na nito na hinde na siya uuwi sa mansyon.
Hapon na din ng makauwi sila ng bahay kasama ng mga magulang. Kahapon pa lang ay iginayak na niya ang mga gamit mula sa mansyon at nagpaalam na din siya sa mga naging kasamahan duon.
Sumabay naman na si Doña Camilla sa asawa pauwi ng mansyon ngunit si Damien ay may sarili pang lakad na wala naman siyang balak alamin pa. Wala naman silang relasyon kaya wala siyang karapatang bawalin ito.
Kanya-kanya na silang pahinga ng makauwi sila sa bahay.
"Inay, Itay, pupwede po ba kayong makausap?" Seryosong sabi niya sa mga ito.
"Ano bang sasabihin mo anak." Tanong ng ina.
Sa mga oras na ito ay kabadong kadabo siya sa gagawin at kung paano iapapaliwanag sa magulang ang nais sabihin.
"Inay kailangan na po kasi nating umalis dito."
"Ay bakit anak?"
"Isa po kasi sa napagksunduan na pagkagraduate ko ay magtatrabaho ako sa kanilang kumpanya sa Maynila at hiniling ko po sa kanila na isasama ko kayo."
"Ay bakit sa Maynila pa anak, ang layo naman niyon." Tanong ng ama.
"Ayoko po na magkakalayo tayo kaya po hiniling ko na kasama po kayo. Mauuna po kayong umalis duon sa Miyerkules."
"Sa Miyerkules na agad?
"Opo Inay at kung maaari po ay wala kayong pagsasabihan sa mga taga baryo dahil ayaw kong pagtampulan pa ng tsismis."
"Anak, e," nahinto ang ama sa sasabihin ng hinawakan ito sa kamay ng asawa at pinisil.
Matagal nagtitigan ang mag-asawa na tila ba nag-uusap ang mga mata.
"Inay di ba po mayroon kayong kapatid 'dun sa Manila? Baka pwede pong 'dun muna tayo manirahan ng ilang araw pero gusto ko po sana na sa malayo sa Maynila tayo manirahan."
"Anak, may kapatid ako sa Sta. Mesa Manila at meron din sa Nueva Ecija."
"Baka po pwede ninyo silang kontakin kaagad at ipaalam ang pagdating natin."
"E, sige anak, magluluto muna ako at hahapunin na ako sa paggagayak. Robert anak, pumarine ka muna at mamitas ka ng kalabasa at sitaw sa likod." Sigaw nito.
"Opo," agad namang tumalima ang tumawag.
"Nakahuli ng palakang bukid kagabi kaya maggagata ako ng sitaw at kalabasa."
"Masarap yon mahal ko," sabi ng kanyang ama.
"Konti lang ang alimasag mo dahil baka maatake ka na naman." Irap ng kanyang Inay.
Nakahinga siya ng maluwag ng hinde na magtanong pa ang magulang. Dahil hinde pa nakakaluto ay minabuti niya munang magpahinga sa kwarto nila ni Rizza. Ilang araw din siyang napuyat sa pag-aalala.
Sumapit ang Miyerkules at nagpadala ng mensahe ang Don para pag-alis ng kanyang pamilya mamayang gabi. May van na maghahatid at magsusundo sa kanila hanggang Maynila.
"Inay, Itay, mag-iingat po kayo ha. Rizza, ikaw na ang bahala, wag kang tatawag sa akin, ako ang tatawag sa'yo. Robert alagaan mo sila ha, big boy ka na kaya ikaw na ang aasahan ko sa kanila."
"Anak susunod ka ba agad? Sumunod ka kaagad ha." Bilin ng kanyang ama.
"Opo Itay, may aasikasuhin lamang po ako. Pangako po darating ako. Inay lagi po ninyong lakasan ang loob ninyo ha."
"Anak, ano ba 'yang mga sinasabi mo at hinde na ba tayo magkikita?" Naiiyak na sabi ng kanyang ina.
"Ang Inay naman, bakit naman po tayo hinde magkikita. Basta po lakasan ninyo ang loob ninyo ha dahil bagong lugar po ang pupuntahan natin. Rizza, Robert, dapat alerto ha. Ito nga po pala itabi ninyo ang perang ito na magagamit sa pagbyahe, 'wag po kayong magpapagutom at bilhan po ninyo ng pasalubong sina Tiya."
"Opo Ate." Sabay na tugon ng dalawa.
"Salamat anak, mag-iingat ka ha."
Sampung libo ang ibinigay niya sa mga ito, ibinigay din iyon sa kanya ng Don bago siya umalis sa mansyon bilang allowance ng mga magulang sa pag-alis. Ang bente mil naman na graduation bonus niya at itinago niya sa maliit na bag dahil hinde siya nakaksigurado kung anong klaseng pagbabyahe ba ang gagawin niya.
"Sige na po sumakay na kayo at baka mahuli kayo sa byahe. See you po."
Niyakap niya isa isa ang kanyang ama, ina, at mga kapatid ng mahigpit bago tuluyang sumakay sa van mula sa mansyon. Kasama nila ang driver na van hanggang makarating sila ng Maynila. Ngunit ang napag-usapan nila ay magpapababa lamang sila sa may LRT sa UN Avenue at sila na lamang ang kailangang bumiyahe pa Sta. Mesa. Walang dapat makaalam kung saan ang eksaktong destisnasyon nila.
Nagtataka man ang lahat ay walang nagtanong pa sa kanila dahil alam nilang may mabigat na dahilan kung bakit nila ito kailangang gawin.
Inabutan din niya ng tig isang libo ang mga kapatid na mula sa kanyang natirang allowance sa eskwelahan ng sa ganun ay mabili nito ang mga gusto nila.
Pag-alis ng pamilya ay tahimik siyang bumalik sa loob ng bahay. Ipinadala niya ang lahat ng importanteng gamit. At mula bukas ay aayusin niya ang lahat ng kanilang maiiwanan. Alam niya sa sarili ng sobrang matatagalan na sila bago makabalik duon.
"Rian, lakasan mo ang loob mo dahil kailangan mong gawin ito." Pagpapalakas loob niya sa sarili.
Inip na inip siya sa ilang araw na wala ang mga magulang at mga kapatid. Minsan niyang tinawagan ang kapatid makalipas ang dalawang araw at nasa barko pa daw sila ng araw na iyon. Biyernes na nuon. Iniyos niya ang ilang dokumentong kailangang kunin sa eskwelahan at pinuntahan ang mga malalapit na kaibigan.
Sabado na siya umuwi sa kanilang munting tahanan at inihanda na niya ang mga dadaling importanteng bagay. Naglagay siya sa bagpack ng dalawang pares ng damit kasama na ang underwear, isang manipis at isang medyo makapal na jacket. Inilagay din niya ang mga papeles na kakailanganin. Isang payong, maliliit na toiletries na binili niya sa Bayan, manipis na tsinelas, sumbrero, mga panyo at bimpo. Naglagay din siya ng biscuit at bote ng tubig. Hinde naman kabigatan ang kanyang dala dala dahil maliliit lamang ang kanyang damit. Sunod niyang iginayak ang pantalong maong itim, tshirt na itim, bandana at ilan pang gagamitin sa pagpapalit ng damit pagtakas.
Ang kanyang mga damit ay isinama na niya sa byahe ng mga magulang. Tig-iisang trevelling bag na malalaki ang inilaan nila sa bawat isa kaya naman limang malalaking bag ang dala ng mga ito bukod pa ang body bag na sukbit ng kanyang Inay, ni Rizza at Robert kung saan nakalagay ang kani-kanilang importanteng gamit at dokumento.
Kinaumagahan Linggo ay maaga siyang nagising, Nag-almusal siya ng kaunti kahit wala siyang gana sa sobrang kaba. Muli niyang inayos ang mga gamit sa loob ng bahay na maiiwanan at naligo na bandang alas siete. Nagsuot siya ng bestidang itim ng kanyang ina kaya medyo malaki iyon sa kanya, hinde gaaanong makikita ang hubog ng kanyang katawan, sinamahan niya ng bandanang itim at itim na facemask na isusuot niya mamaya sa simbahan.
Alas otso ng dumating ang kotseng sasakyan niya pa simbahan. Meron din kasing kalahating oras ang byahe at alas nueve ang simula ng kasal.