Chapter 2:Rules

3371 Words
Matapos akung iwan nang tatlong bebe dun sa hallway, umalis agad ako dun at hinanap ang classroom ko. Pagkatapos ng sampung taon sa wakas na hanap ko rin yung room A-142. Kumatok muna ako sa pinto pero walang nag bukas. Kumatok ulit ako pero wala paring nag bukas, kinatok ko ulit pero wala parin. Napapikit ako sa inis. Kapag ito hindi bubukas, gigibain ko talaga' to. Kumatok ulit ako pagkatapos nag bilang ako hanggang lima. Tangina! kapag ito hindi bubukas patay sakin' to. Naiinis na nga ako sa tatlong bebe doon sa hallway tas dumagdag pa ang pintong ito. "Bwesit wala talagang gustong pag buksan ako!" bulong ko Luminga-linga muna ako sa paligid. Baka may makakita sa gagawin ko, buti nalang walang tao. Kanina pa pala nag be-bell. At malamang nasa kanilang mga room na yung mga studyante. Lumayo ako nang ka unti sa pinto at nag stretch nang kamay, pina tunog ko yung mga daliri ko pagkatapos nag handa na para sa gagawin kung pag giba sa pinto. "One...two...three.. hiyaa--ehh!" Nabitin sa ere yung paa ko nang may humarang sa pinto na dapat sana ay sisipain ko. "And what do you think you're doing?" malamig na sabi niya sa akin habang nakasandal sa pinto at naka cross arm pa ang kamay Saan nang galing ang isang' to?. Wala namang tao dito kanina, a?. Dahan-dahan kung binaba yung kaliwang paa ko na naka bitin sa ere at tumayo nang maayos tsaka tumingin sa kanya ng deretso. Mula ulo hanggang paa. Teka mali. Mula paa hanggang mukha. And my jaw droped after seeing his face. His almost perfect but dark face. Holy s**t!! he's so damn hot and handsome yet he's scary as hell. The fudge, what am i thinking. Basta mapula ang labi niya, sobrang tangos ng ilong at malamig na matang nakatitig sa akin, igting ang kanyang panga na nagpa kurap-kurap sa akin. Langya bakit masyado yatang gwapo ang nilalang na' to. Tumikhim ako at hindi ko pinahalata na natulala ako sa ka gwapohan niya at nag panggap na parang walang nangyari. "Hehehe susubukan ko lang sana kung matigas ba yung pinto. Made of hard wood ba... hehehe alam mo na baka local. Made in China. Alam mo yon, marami na kasing fake sa panahon ngayon" Shit, am i acting now like an idiotic girl?. What a lame answer Zianah. Sana bumenta palusot mo sa kanya. "Pfft.. Hahaha Walastik! yun oh local daw" Napa lingon ako sa gilid para tignan kung sino yung sumigaw. May apat na lalaking nakatayo dun sa hindi kalayuan. Parang yung chinito ang nagsasalita kasi ang laki ng ngiti niya habang nakatingin sa akin. At yung dalawa pa niyang kasama na nagpipigil ng tawa. Samantalang yung isa seryoso lang ang mukha. "Do you think I'm believing your f*****g reasons!" Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nakasandal sa pinto ng sumigaw siya. Kumunot ang noo ko. Ang lapit lang namin pero ang lakas sumigaw. Napakamot naman ako sa ulo ko at ngumuso. Nakakatawa naman ang lalaking siga na ito. Tanga lang dude. "Sinabi ko bang maniwala ka hindi naman ah" Nakita kung umigting pa lalo ang panga niya at sinamaan ako ng tingin. Agaran kung binaling ang atensyon ko sa ibang dereksyon... geez! scary eyes of him make my knees shivered. "Hahahahahaha langya dude basag ka" "Hahahahahahaha" "Hahahahahaha" Nabaling ulit ang atensyon ko sa apat na lalaki sa gilid na panay hagalpak sa tawa. Hindi kasama yung isang seryosong lalaki. Bakit ba sila tumatawa? Talaga bang nakakatawa ang lalaking nasa harap ko?, mga praning talaga. "You!" Nabaling ulit ang atensyon ko sa kaharap ko. Halatang nangangalaiti siya sa galit. "Ako ba? hehehe" turo ko sa sarili ko sabay tawa nang pilit. Ang sama kasi makatingin sakin parang kakainin na ako. "Tsk... were not yet done" aniya at humarap na sa pinto tsa parang may preness siya dun then * Boom* Bumukas yung pinto. Napa mangha naman ako. May ganon!? Kaya pala hindi nila ako pinag buksan ng pinto kanina dahil may pipindotin ka lang pala sa gilid at bubukas na ito. Automatic. Pahiya ako sa sinagot ko sa lalaking humarang sa pinto kanina ah, tsaka kaya pala tawa ng tawa yung chinito at yung dalawang lalaki dahil hindi pala local yung pinto. Original ang pinto dre, original. Bakit kasi walang seradura ang pintong' to. May pindot-pindot pang nalalaman. Pumasok na siya sa loob. Sumunod yung apat na lalaki sa kanya pero bago pumasok yung chinitong lalaki kinindatan niya muna ako bago pumasok sa loob. Tumindig naman yung mga balahibo ko dahil sa ginawa niya. Tsk playboy na' to. Hilahin ko yang mata mo e. Bago pa ako mag mukhang tanga sa labas pinigilan ko ang papasarang pinto para pumasok sa loob room A-142. Lahat nang mga mata nila ay nabaling sa akin, pati guro napahinto sa pag lelecture. Kumunot ang noo ko. Wrong timing ata ako. Anong ginawa ko ngayong araw na'to, bakit ang palpak ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naging stupid. Nilibot ko ang paningin ko sa boung classroom. Sa may likuran nakita ko yung limang lalaki kanina sa labas ng classroom. Nakatingin din sila sa akin, tinging natutuwa. Kaya siguro sila natutuwa dahil napahiya ako sa unang pasok ko dito sa classroom pero yung kaninang humarang sa pinto ang sama nang tingin sa akin. Naalala ko pa yung sinabi niya kanina sa akin bago siya pumasok sa classroom. "Tsk....were not yet done" Huh! akala niya matatakot ako sa kanya. Wala yata akung kinatatakutan, ako pa! "Yes miss? Anong kailangan mo?" napatingin ako sa guro nang magsalita siya Nag bow ako tapos ngumiti sa kanya. Nakalimutan kung nasa kahihiyan ako ngayon.. "Ako po yung new transferee maam" magalang na sabi ko Grabe nakakasuka ang inasta ko ngayon, di ako sanay. "Ah! ikaw pala yun, come here and introduce yourself" Nasa may pinto pa pala ako naka tunganga. Wait, did i hear it right? Introduce your self!?, magpa kilala ako sa kanila. Wow! college na kami..Hindi ba mawawala sa kanila ang introduce your self? Kaya nga ayaw kong mag aral kasi nakakatamad at nakakaumay na ang ganito pero heto balik nanaman ako. Kahit labag sa loob ko pumunta akung harapan at pinilit maging masigla ang boses. "Hello sa inyo! I am Zianah Lee Chua half chinese and half filipino I am 18 years old hope we can all be friends" sabi ko at ngumiti Lahat ng sasabihin ko pawang hinanda na ni Boss. Pure filipino naman talaga ako pero dahil chinita ako at maputi. Ipagpalagay nalang ni Boss na half chinese ako. Narinig kung sumipol si chinito guy sa likuran. Tinignan ko siya tapos yung katabi niyang pinapatay na ako sa isipan niya. Tinaasan ko siya ng kilay tsaka kinunotan ng noo. Iniwas ko agad yung tingin ko sa kanya at ibinaling ang tingin sa iba ko pang kaklase. Di sinasadyang napatingin ako sa may gitna at nakita ko yung babae doon sa parking lot na pinandilatan ako dahil ipinark ko sa tapat nang kotse niya ang big bike ko. Ang sama nang tingin niya sakin. Ok fine ka bago-bago ko lang dito andami ko ng haters. Kung hindi lang ako nag papanggap na mabait baka kanina ko pa sila sinasabihan nang.. . "f**k OFF HATERS!" sabay taas nang middle finger ko kaso sa isip ko lang yun pwedeng gawin. Baka magtaka sila sa akin. An angel transform into a demon, mahirap na. "Okay, Miss Chua you can sit now between Dexter and Mr.THOMPSON" Napatingin ako kay Maam pagkarinig ko sa huling sinabi niya, ang huling salita na nagpa tigil sa akin. Ang salitang nagpa ngiti pa sa akin nang malaki. Did i hear it right? Thompson? Mr.Thompson, huh? did she say Thompson? So he is my classmate. Nice, mas mapaagang matapos ang trabaho ko. "Where is my chair Maam?" Tinuro niya yung upuan sa likuran na pinagitnaan ni chinito guy at yung lalaking humarang sa pinto kanina at hanggang ngayon kanina pa ako pinapatay sa isipan niya. Ramdam ko talaga bawat titig niyang nakakapaso. I don't know why he's angry at me. Wala naman akong ginawa sa kanya, teka wala nga ba? Bahala nga siya diyan. Hmm, saan kaya ang anak ni Roger diyan? Si chinito kaya? Maybe one of them is Roger son. Pumunta ako sa upuan ko at umupo nang walang imik. "Hi" napatingin ako kay chinito guy ng mag hi siya sakin Nginitian ko siya., "Hello" and greeted back. I'm a good girl right, so i need to act like one.. Baka siya nga si Thompson ang anak Roger na pinaimbestiga sa akin ni boss. I need to be close to him, so that I have more something to know about him. "So you're a half chinese right?" tumango ako "Really!? me too. I am a half chinese" "Hindi ako interesado" bagot na saad ko. Bakit ang bobo ng ibang mga tao. Hindi naman tinatanong ay magsasalita out of the blue Tss! Diba nakakainis yang mga ganyang tao. Nakakainit ng ulo. Hindi ko akalaing playboy ang anak ni Roger. Isang seduce ko lang yata dito tapos na agad ang trabaho ko. "Sinasabi ko lang eh napaka sungit mo naman" nag pout siya. Napangiwi naman ako..Ew! di bagay sa kanya Hindi lang pala ito playboy, isa ding isip bata. Bigyan ko kaya ito ng lollipop eh, noh. "Tangna pre ang panget mo" sabi ni golden hair. Isa siya sa kasama ni chinito guy doon sa labas ng classroom kanina. "Gago! mas panget ka!" sigaw ni chinito guy kay golden hair sabay batok sa kanya "Gago ka rin, gwapo ko kaya"__golden hair "Saan banda sa pwet"__chinito guy "Lintek di lang pwet pati na buong katawan ko. Ikaw hanggang pwet ka lang kaya wag ka nang mangarap pa"___golden hair "Ulol mo Tristan! saan banda ka gwapuhan mo? kamukha mo lang naman yung paa ko "__chinito guy Tristan pala pangalan ni golden hair. Okay. I am pissed right now.Can someone stop this two, dahil sila lang naririnig ko kahit nag lelecture si maam sa harap. Kapag hindi sila hihinto sa pagbabangayan babangasin ko ang dalawang' to. Si Maam naman dedma lang ang dalawang gago na'to. Napatingin ako sa isang katabi ko. Natutulog na siya, aba ayos rin buhay nito ah, pwede matulog rin. "Insecure ka lang kasi" sabi ni Tristan "Ako insecure sayo? pakamatay kana pre. Mas gwapo pa ako sayo kahit sino tatanongin mo"__chinito guy "Talaga ilan ex mo?" tanong ni Tristan "Isa lang. ikaw?"___chinito guy Tumawa naman si Tristan "Eh wala ka pala e, isa lang ex mo ang sa akin 100+. Ang gwapo ko talaga" pagmamayabang ni Tristan kay chinito guy at tawang-tawa pa ito Usapang lalaki ba' to? Walang kwenta. "Tangna! anong konek. Isa lang Ex ko kasi mahal ko yun, e, ikaw mahal mo ba yang 100 plus na exes mo? diba hindi at wala akung balak paramihin ang ex ko mas gusto ko pang paramihin yung flings ko. Kung tinatanong mo kung ilan sila nasa 300plus na pare half of them are obsess sakin kaya mas gwapo talaga ako sayo" Napa iling nalang ako. Nangongolekta pala ng babae ang dalawang bugok na'to. Magsasalita na sana si chinito guy ng sumigaw ang isang katabi ko na akala ko mahimbing ng natutulog. "BULLSHIT, HINDI BA KAYO TATAHIMIK DALAWA. O PUPUTULIN KO ANG WALANG KWENTANG LEEG NIYO!" sigaw niya at padabog na lumabas ng classroom Tinignan ko yung dalawa, edi natahimik rin. Hindi na bumalik yung katabi ko pagkatapos niyang sigawan sina Tristan at chinito guy. Inaamin ko, medyo natakot ako sa pagsigaw niya leche! first time ko yata matakot. Lahat nang classmate ko at si Maam natulala pagka labas nang katabi ko. Pero di kalaunan nag patuloy na siya sa pagtuturo at binalewala ang nangyari. Para bang sanay na sila at ang ipinagtaka ko bakit hindi nagalit si Mrs.Ventura kahit mag cutting pa yung katabi ko. Natigilan ako sa pumasok na idea sa utak ko. Hindi kaya, siya ang anak ni Roger Thompson?. s**t kung siya man yun. I need to know his full name dahil walang binigay si boss sakin maski pangalan ng anak ni Roger. Kung mag tatanong ako sa kanya ang sasabihin lang niya . "It's for you to find out" So i have no choice kundi sundin ang sinabi niya. May pinasukan pa akung isang subject. Akala ko kaklase ko ang isa sa kanilang lima buti nalang hindi, pagkatapos breaktime na. Hinanap ko yung Cafeteria at nahanap ko naman agad ito dahil sa laki ng placard na nilagay sa itaas. 'THOMPSON CAFETERIA' Pumasok ako sa loob ng Cafeteria. Napaka laki ng cafeteria nila. Para na nga itong high class restaurant sa laki nito. Andami ding studyanteng kumakain at nakatingin sa akin na para bang ngayon lang sila nakakita nang nerd at baduy. Inaamin ko na ang panget ko talaga kumpara sa mga sosyal nilang sout. Ako para akung basahan. Sana walang bully dito, yan pa naman ang kadalasang nababasa ko sa libro, binubully yong mga nerd. Nakatingin parin sila sa akin. Napa-simangot tuloy ako. I hate attention seekers tss. Kung pwede lang kunin mga mata ng mga' to kanina ko pa ginagawa. First day na first day ko sa pagpasok para na nila akung babalatan ng buhay. But i dont mind at all, dahil lahat ng nasa utak nila mali, dahil ang totoong ako palaban ,cold ,mean, mahilig magmura malakas ang self confidence at higit sa lahat di marunong maawa. Bumili na ako ng shake at ang favorite kong desert, mango float . Pagkatapos kung bumili humanap ako ng mauupuan pero wala nang vacant table. Habang palinga-linga ako sa paligid para mag hanap nang table nang biglang mayroong bumangga sa akin. Muntik na akung mapamura. Nang muntik nang matapon yung binili kung pagkain buti nalang talaga nahawakan ko nang mabuti yong tray. Liningon ko yung bumangga sakin at walang iba kundi ang tatlong ugly duckling, in short ang tatlong bebe na naka taas ang kilay. 'Ano nanamang problema ng tatlong' to?" "Bakit?"nakangiting tanong ko sa kanila Kailangan ko ng mahabang pasensiya, baka mapatay ko ang tatlong' ito kapag di ako makapag pigil. "Nothing i just want to steal your shake" sabi ni bebe1 the leader, tapos kinuha yung shake ko na nasa tray "And me too. I want to steal your mango--Ouch!" Hindi na natuloy ni bebe2 ang pagkuha ng mango float ko dahil biglang sinapak ni bebe3 ang kamay niya "This is mine " saad ni bebe3 tapos kinuha yung mango float ko. Sinamaan naman siya ng tingin ni bebe2 Uminit naman yung ulo ko dahil sa ginawa nila. Sila yata ang mag papahirap sa akin dito, peste! Huminga muna ako ng malalim para makalma ang sarili ko saka nag salita ng mahinahon. "Teka lang ha! unang- una, akin yan at pangalawa ako ang bumili niyan, at pangatlo hindi 'free' yan, at pang apat bumili kayo, at panglima hindi 'steal' tawag diyan sa ginagawa niyo. May steal bang nang hingi muna ng permiso bago kuhanin. Napaka bobo niyo naman. Akin na yan pwede" Humihingal pa ako pagkatapos kung banggitin yon. Mag diwang kayo dahil first time kung mag salita ng mahaba. Isa-isa kung kinuha yung binili ko tsaka ko ito nilagay pabalik sa tray. Nakita kung natulala silang tatlo. "What the! hey b***h come back here!" sigaw ni bebe1 Nagmadali akung lumabas ng cafeteria baka sabunutan ako nang tatlong yun dahil sa mga pinag sasabi ko. Hindi naman talaga ako takot sa kanila, umiiwas lang talaga ako sa gulo. Habang nag lalakad ako na nag mumuni sa inis. Hindi ko napansin, na nasa rooftop na pala ako napadpad. "Hay. Bakit di ko na pansin na dito ako dinala ng mga paa ko " bulong ko sa sarili Nagpatuloy ako sa pag-akyat ng hagdanan papuntang rooftop hanggang sa makarating ako sa pinto nang rooftop. Bubuksan ko na sana yung pinto ngunit may nakita akung naka sulat. Dahilan nang pag tangka kung pag bukas. Nasa pinto ito naka ukit. Sobrang liit ng mga letra pero klaro ko parin ito. Tinitigan ko nang mabuti yung nakasulat. 'BLACK MAMBA' Black Mamba? Nakakasiguro ako na pangalan ito ng Mafia Organization, kailangan ko itong matanong kung anong klaseng Organisasyon ang 'BLACK MAMBA kay boss. Itutuloy ko na sana ang pagbukas nang pinto ng may biglang sumigaw sa likuran ko. "What the hell are you doing here!?" Napaayos ako sa pagtayo ng marinig ko ang sigaw niya. Shit! s**t! "Answer me..creature!" Kinalma ko ang sarili ko sa pagka gulat sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya nang nakangiti. "A-ah, eh... Ano ikaw?" Bwesit for the first time nagkanda-utal utal ako, putangines! at sa lalaking hindi na bumalik sa klase pa talaga ang dahilan, leche talaga! Lumukot naman yung mukha niya sa sinagot ko. "Anong sabi mo?" Kulog ba boses nito. Nangilabot ako. Nagkamot ako ng ulo. "Ah..hehehe ang ibig kung sabihin ikaw anong ginagawa mo dito?" balik na tanong ko sa kanya Matalim niya akung tinignan. "Rule#5 stupid...And none of your f*****g business" aniya at dahan-dahang siyang lumapit sakin (Rule#5-Dont talk back) Napaatras naman ako dahil ang lapit nalang niya sakin "Ah, hehehe wala akung business eh, kaya share mo na bakit ka nga rin nandito?" nakangiting tanong ko sinundot ko pa yung tagiliran niya. Nanlaki yung mata niya dahil sa ginawa ko, tinulak niya ako dahilan para mapasandal ako sa pinto. "Aray!" daing ko, ang lakas niya ha tss. " You ruin my Rule#5, pati ba naman yong Rule#3 and what's next huh!?" galit na sigaw niya sakin (Rule#3-Don't touch or come near him) "Sorry naman at anong rules- rules na yan hindi kita maintindihan" Napaka weird niya ha. At naiinis na rin ako sa kakasigaw niya. "And next is my Rule#2" tumaas ang kilay niya. Tila napigtas ang pising nagpipigil sa kanya (Rule#2. Don't ask to much) "Huh?" Hindi ko siya maintindihan, paki explain please baka mabaliw ako ng wala sa oras.. Di ko talaga siya maintindihan naka drugs yata siya at ang lakas ng tama sa kanya. "Adik ka ba?" i bite my lips "What! No!" he looked my lips and closed his eyes "Yon naman pala eh, bakit andami mong pakulo may pa rules rules ka pang nalalaman...tss" iniling-iling ko ang ulo ko "Do you wanna die" binuksan niya ang mata niya at may galit na nagingibabaw akung nakita Nanlaki ang mata ko. "Hoy! ang bobo mo naman, may tao bang gustong mamatay, syempre wala!" sigaw ko Kung kanina nag babaitan pa ako, ngayon naman lumabas na talaga ang totoong ako. Hindi ko na talaga masikmura pag uugali ng mga studyate dito. Remember unang pasukan ko palang dito suko na ako sa bait-baitan portion ko. Urg! "Nag sasarcastic kana ngayon. Hmm" kumunot ang noo niya "Pinagsasabi mo syempre hindi" sagot ko '"Naging pilosopo ka ba?" mas lalong tumalim ang boses niya "Naging pilosopo ba ako? syempre hindi" confident na saad ko "And i know do you know me" Nag isip ako hmm...kilala ko ba siya? mukhang di naman eh , pero may duda ako na siya na ang hinahanap ko ang anak ni Roger. "Di pa kita kilala eh. Sino ka ba at anong pangalan mo?" Nag smirk siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Mas lalo kung idiniin ang likuran ko sa pinto. Ang lapit na niya sa akin, pati mukha niya ang lapit rin at mas lalo niya pang nilapit. 'Gosh! ang bango nang hininga niya' Ay! leche anong pinagsasabi ko? ang landi. "A-anong ginagawa mo?" sa wakas nakuha ko rin yung dila ko na nalunok ko yata "Rule#4. No name" Napapikit ako sa bango ng hininga niya, para akung nasa langit. Fuck! anong pinagsasabi ko ang sarap kung batukan ngayon grabe, pero anong sabi niya? Rule#4:No name? Ano daw? Sira na yata utak niya. Napamulat ako ng may maramdaman akung matigas na bagay sa ulo ko, tinignan ko yun at tangna lang talaga, tinutukan niya ako ng baril. "Ibig sabihin, wag mong tanongin pangalan ko" diniin niya yong baril sa ulo ko "Pero dahil katapusan mo na ngayon. Sasabihin ko... I'm Rondell Carver Thompson, ang tatapos sa buhay mo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD