Chapter 3:Baby

4991 Words
Zianah pov Monday ngayon. Kasalukuyan akung nasa klase, nakikinig kay Maam Ventura. Tinignan ko yung katabi kong si Rondell, ayun na tutulog . Isang linggo na ako ditong nag aaral sa Thompson Academy at sa isang linggong yun, hell ang buhay ko. Kung nagtaka kayo kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon, eh, tinutukan ako ni Rondell ng baril nung isang linggo, ganito kasi ang nangyari. **flashback* "Ibig sabihin wag mong tanongin pangalan ko" Idiniin niya yong baril sa ulo ko "Pero dahil katapusan mo na ngayon sasabihin k... I'm Rondell Carver Thompson. Ang tatapos sa buhay mo" Para akung na statwa sa tinatayuan ko pagkarinig ko nun galing sa kanya. 'Nalaman ko nga ang buong pangalan niya pero ngayon naman katapusan ko, ano bang buhay 'to?' R.I.P nalang sa nanganganib kong buhay. Sana may makapag sabi kay boss na hindi ko na magawa ang inutos niya. Pakshet! Pipikit na sana ako para mag handa na sa kamatayan ko ng biglang may nag pop na idea sa utak ko. Tama! bakit nga ba ako susuko. Ako si Zianah kayang lumusot. Hinawakan ko yung baril na nakatutok sa ulo ko pagka tapos kinuha sa kamay niya. "What the---" "Waaaah! laruan ba'to? ang ganda, parang totoong baril ah. Waaah akin nalang to please, ang ganda talaga eh! atsaka para may proteksyon ako sa sarili ko, malay mo baka may mag tangkang gahasain ako, oh, diba magagamit ko'to pangontra, kaya akin na to ha! para talaga siyang totoo" ang laki ng ngiti ko habang tuwang-tuwang 'kuno' sa baril niya. "Pero oy! naglalaro ka pala ng baril-barilan kahit malaki kana" tinapik-tapik ko ang balikat niya "Okay lang yan makapag move-on karin, di ka naman nakaka turn-off kahit mag lalaro ka ng toy gun hehehe pero ngayon hihingiin ko ito please akin nato pleeeaasee" *___* sabi ko with puppy eyes pa yan para may effect kahit nakakadiri Urg! Hindi siya naka imik sa inasta ko. Kunot lang ang noo niya. Mukhang umepekto ang acting skills ko hahaha wala akung ibang maisip na paraan. Pakengshet talaga. "Uy! ang sabi ko akin na'to" sinundot ko ang pisngi niya. Natauhan naman siya at tinignan ako ng napaka sama. "Do you think that's a toy gun, were on earth are you from!" lukot ang mukha niya pagka sabi niya nun, tumango ako at ngumiti parin ng napaka laki sa kanya. Hahahaha naniwala nga siya sa acting skills ko hahahaha uto-uto. "Ah! ako? galing ako sa p***s ng papa ko, tapos nag s*x sila mama at papa kaya napunta ako sa ovaries ni mama, hanggang sa lumaki ako sa tiyan niya kaya ito nandito na ako sa earth kinakausap ka hehehehe" Siguro ang pula na ng mukha ko kakapigil tumawa ng malakas. Ang epek kasi ng etchura niya, napangiwi pa siya. lol. napapikit siya ng mariin at hinilot ang bridge ng ilong, "Nakaka gago, damn! mababaliw ako sa babaeng 'to, malapit na" rinig kong bulong niya "Gusto mo hatid kita sa mental habang di kapa na babaliw diyan" offer ko. Diba nga malapit na daw siyang mabaliw, kaya habang mas maaga pa dadalhin ko na siya sa mental para marehab, adik yan e. Nagmulat siya ng mata at tinignan ako ng masamang-masama. "Hehehe sabi ko nga eh, ikaw nalang pumunta sa mental" saad ko at tumingin sa baril na hawak ko "Tsk insane, give me the gun" aniya Umiling ako "Ayaw" Baka iputok mo' to sakin. Gusto ko sana idugtong kaso di naman ako ganun ka tanga para sabihin yun. "Akin na sabi ang baril, ibigay mo sa akin yan!" sigaw niya "Ayaw" umiling ako at itinago ko yung baril sa likuran ko. Parang bata lang,e, noh? "I'm warning you" Umiling ulit ako "Akin na' to please, sege na, ang ganda talaga ng toy gun nato eh" Tinignan niya ako ng bagot na tingin, tumaas pa yong kilay niya. "How many times do i have to tell you, huh? that's not a toy gun, dimwit creature " 'Alam ko gago!' Sarap isigaw sa mukha niya yun, pero dahil tanga-tangahan ako ngayon, ito ang sinagot ko. "Yan ang paraan mo noh para makuha ang toy gun na ito sa akin, tinatakot mo ko tss. Luma na yang style mo, bulok na maiba naman" Mas lalong tumalim ang tingin niya sakin "I'm not kidding around dimwit, so give me that or else" "Or else ano?" tanong ko "Or else. I'm going to get that from you" Umiling ako "Edi kunin mo sakin, kung makakaya mo" Nag smirk siya saka dahan-dahang lumapit sakin Leche! ayan nanaman siya lumalapit nanaman siya sakin "A-anong ginagawa mo?" Hindi siya sumagot. Naka titig lang siya sa akin habang papalapit yung mukha niya. Napalunok ako ng tatlong beses. Parang maabusan yata ako ng laway sa titig niya. Bakit ganyan siya kong makatitig. End of the world na ba?, bakit natood ako. Tangina ang lakas kong mag hamon di ko naman mapanindigan. Pigil ang hininga ko. Di ako makagalaw naka dikit lang yung likod ko sa pinto. Hinawakan niya yung mukha ko na may nakaka akit parin na titig, pababa sa leeg ko, hanggang sa kamay kung.. kung kung kung kung kung... May hawak na baril... "Gotcha!" sabi niya sa mukha ko 'Tangna talaga ang bango ng hininga niya, pati pabango ang bango lang ' Hinarap niya sakin yung baril. Natulala ako sandali dahil sa pagka gulat. "Waah! bakit nasa sayo na yan" sabi ko ng matauhan, pilit kong inabot yung baril sa kamay niya. Tinaas-taas niya kasi ang baril. Hindi ko naman maabot. Hello hanggang leeg lang niya kaya ako, paano ko maabot tss. "Akin na sabi eh" sabi ko habang pinipilit parin abutin yung baril sa kanya "This is not yours dimwit" "Waah akin yan binigay mo na sa'kin yan" "I didn't give this to you, inangkin mo lang' to" "No that's min---" napahinto ako sa pag sasalita ng mapagtanto ko ang sitwasyon namin Ang lapit ng mukha niya sakin. Konti nalang magka halikan na kami. Tapos nakahawak pa yung kanang kamay ko sa dibdib niya, damn! situation Parang namumula ako sa kahihiyan tapos siya parang wala lang nangyari. Nababaliw na yata ako, di naman ako namumula noon. The fudge! what the f**k is happening too me? "Woah! yun oh, PDA dude" "Anong ginagawa niyong dalawa?" "Ang sweet niyo naman hahaha" Tinulak ko si Rondell para lumayo siya sakin tapos inaayos ko ang sarili ko. Di mapigilan mapa ikot ang mata ko sa kawalan. What a day nga naman. Ang apat nanamang nilalang ang nakakita sa amin. Bwesit! sarap mamatay. Pang ilang beses na ba akung napahiya ngayong araw? Hindi ko na mabilang. "Shut the f**k! kung ayaw niyong sa inyo ko ito ipuputok" sigaw ni Rondell Natahimik naman yung tatlo di kasama yung serious guy . Naka sandal lang siya sa ding-ding eh habang nakatingin sa akin,ikaw ba namang tutukan ng baril matatahimik ka talaga. "Ok.. ok.. alis na tayo mga pare mukhang na distorbo natin ang dalawa, tara na!" Tumalikod na yung apat. Nang biglang pinutukan ni Rondell si Tristan sa may paanan buti nalang may silencer yung baril kaya walang makakarinig "Ay! puta dude! wala namang ganyanan aalis na nga kami eh para di na kayo maistorbo. Naman oh! muntik na yun taena!" reklamo ni Tristan habang naka tago sa likod ni serious guy "Wag mo akong ginagalit Santillian. Im damn serious " seryosong sabi ni Rondell, mas lalong natakot si Tristan dahil mas lalong siyang nagtago sa likod ni serious guy 'Ganyan niya ba tratuhin mga kaibigan niya? ang brutal' "Get off Tristan ginusot mo na yung damit ko" walang ganang sabi ni serious guy Pero hindi parin lumabas si Tristan sa likod niya kaya nag lakad nalang si serious guy palayo "Teka wag kang aalis pareng Ivan, tatago muna ako sa likod mo" parang batang sigaw ni Tristan kay mysterious guy na tinawag niyang Ivan Pero hindi ito nakinig sa kanya at nagpatuloy lang sa pag lalakad na parang walang narinig. "Langya pre! para kang bakla" sabi nung isang kasama niya. Ang cute niya "Yeah! para kang bakla dude nag tatago sa likod ng daster ng kanyang ina" pagsang-ayon ni chinito guy "Ulol! walang daster si Ivan hahaha" tawang sabi ni cute guy "Hahaha wala ba, oh! sege nagtatago sa brief ng kanyang ama"---chinito guy "Hahahahaha ulol "__cute guy =________= "Anong sabi mo Dexter,e, kung suntukan nalang kaya tayo ha!"__ Tristan =__________= "Sege" =__________= Hindi ako makarelate sa pinag uusapan nila, maka-alis na nga dito. "And where do you think your going dimwit?" Napahinto ako sa paglalakad para humarap sa kanya. "Ah. hehehe papasok na sa next subject ko, kanina pa yata nag simula yung klase kaya mau--" "Stay were not done" maowtoridad na saad niya "Pero--" " I said stay" "Hindi talaga pw--" "Stay or die" "Sabi ko nga e, dito lang ako" sabi ko at bumalik sa kanyang tabi. Teka tama bang sinunod ko siya. Geez! "At kayong tatlo, get out of my sight!" sigaw niya dun sa tatlo Napatigil naman sa pag sapakan sina Tristan at si chinito guy. Si cute guy naman tuwang-tuwa pa habang nakatingin kina Tristan na nag-sasapakan. Mga sira talaga. "Porket may Chua kana jan papaalisin mo na kami. Anong klase kang kaibigan pareng Rondell" pag dadrama ni Tristan, may pahid-pahid pa daw siya sa mata niya. Akala mo may luha wala naman "Leave now or---" "Mga ugok tara na baka paputukan tayo niyan ng baril" putol ni cute guy sa sasabihin ni Rondell Hinila niya ang dalawa at naglakad na sila palayo. Nung hindi pa sila masyadong nakalayo narinig ko pa ang sinabi ni chinito guy. "Okay lang yan baby Tristan andito naman ako eh" sabi niya at inakbayan si Tristan "Gago! suntok gusto mo? di tayo talo putangina ka!"__Tristan "Suntokin muna ko basta mahal talaga kita baby Tristan"_chinito guy "Ulol!"_Tristan "Hahahaha"_cute guy Hanggang sa tuluyan na nga silang nawala sa paningin ko. Napatingin ako sa lalakeng nasa tabi ko. Umiling nalang siya pagkatapos tinignan ako kaya ang resulta nagka eye to eye kami. Umiwas ako ng tingin Awkward! Di ko akalain may sira sa pag iisip yong mga kaibigan niya, ang gulo. Isang minuto muna siguro kaming tahimik bago siya nagsalita. "I'll spare you this time but next time. Mapapatay na kita kapag di ka pa lalayo sa akin" aniya tsaka nag lakad pababa ng hagdanan. Ako naman nakatingin sa likod niya habang papalayo siya sakin. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Hindi ko naman alam kung anong pinagsasabi niya? As far as i know wala akung kasalanan sa kanya. How come na ganoon niya ako pag sasabihan. Wala pa nga akong nagawa binalaan na ako. 'Ay! ano pa bang aasahan mo sa drug adik, syempre sabog yun kaya nag sasalita ng ganon' *End of flashback* Pagbalik ko nga sa next subject ko sobrang late ko na. Ang resulta tuloy pinagalitan ako ng tigre kung teacher, e kesa daw ka bago-bago ko lang late na agad ako, eh kesa daw pa VIP daw ako. Eh isa lang naman daw akung transferee, e, kesa daw ang panget ko na nga, pa feeling pa raw ako. Grr. Sarap barilin ng matabang yun. Tama bang laitin ang studyante, pero dahil nag panggap akung mabait kaya ang ginawa ko nag sorry lang ako sa kanya. "Okay dismiss" sabi ni maam Ventura at nauna ng lumabas ng room Tumayo na ako para mag simula na sanang maglakad palabas ng classroom ngunit may humila sa back pack ko. "Come with me" sambit niya at hinila ako palabas ng classroom Narinig ko pang tinawag siya nila Tristan pero parang wala siyang pakialam dahil patuloy lang siya sa paghila ng back pack ko. Syempre pati ako kasali sa paghila niya. Naka sabit kaya yung back pack ko sa dalawang balikat ko. "Saan mo ba ako dadalhin may klase pa ako" sabi ko sa kanya Huminto muna siya sa paglalakad at tinignan ako sa mata. "Pwede itikom mo yang bibig mo" aniya at nagpatuloy na sa paghila sakin Ok! saan ako dadalhin ng isang' to?. Isang Rondell na dapat iiwasan ko na muna sana. Habang hila-hila ako ni Rondell, ramdam ko ang tingin ng mga studyante sakin na nakakamatay. But I don't care them at all, diba nila alam ang salitang. 'Mind your own business' Oh, diba, na copy ko agad yong sinabi ni Rondell sakin nung nasa hagdanan kami doon sa rooftop. Pagkatapos ng ilang hila niya sa back pack ko. Hindi ko namalayan na nandito na kaming dalawa sa parking lot. Dito niya pala ako dinala. Binitawan niya ako at sumandal siya doon sa Lamborghini na sasakyan at tinignan ako ng matalim. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko Hindi siya umimik naka tingin lang siya sakin. Kinunotan ko siya ng noo. "Oy! ano na? anong gagawin natin dito?" tanong ko ulit Naiilang na ako mga sa tingin niya. Para bang tagos hanggang buto yung mga tingin niya sakin. Hindi parin siya umimik kaya nag salita ulit ako. "Kung ayaw mong mag salita riyan at gusto mo lang palang mag titigan tayo dito, mas mabuti pang papasok na ako sa next period ko" tinalikuran ko siya Magsimula na sana akung mag lakad ng hinila nanaman niya yung backpack ko paharap sa kanya. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" mahinahong sambit ko. Mabuti nalang na control ko pa ang sarili kong murahin siya at sigawan. Sakit niya sa ulo, ito ba ang gustong pamanmanan ni boss sakin. Ang hirap basahin ng gago. "Tanggalin mo ang basurang naka harang sa kotse ko, dimwit" mariin na saad niya sakin Napatingin ako sa likuran niya at nakita ko yung sinandalan niyang kotseng Lamborghini at nasa harapan ang aking bike. Naka harang ito. Yong bike ko ba ang sinabihan niya ng basura? nahiya naman ako aa lamborghini niya. tss Bumuga ako ng hangin dahil sa katangahan ko. Sa kakamadali ko kanina kung saan-saan ko nalang na ipark yung bike ko. Hindi po siya bike na bike lang, kundi bike na malaki, as in motor talaga. Isang big bike Lumapit ako sa motor bike ko at pinaadar ito tsaka ipinark sa may space na lugar, yong malayo sa sasakyan niyang mamahalin. Lumapit ako sa kanya na ngayon ay nakasandal na siya sa hood ng sasakyan niya habang nakatingin sa akin. 'Pa cool pa' Kahit cool naman talaga. "Tapos na pwede na ba akung umalis?" sabi ko pagkalapit ko sa kanya "Tsk" Nag poker face lang siya at pumunta na sa pinto ng kanyang sasakyan. Bubuksan na sana niya ito ng mapahinto siya ng may nagsalita sa likuran ko. "Nandito lang pala kayo dude" "Bakit mo hinila si Ms.Chua dre?" Napa baling ako sa likuran ko para tignan kung sino ang dumating. At walang iba kundi ang apat nanaman niyang kaibigan. "Sumakay na kayo sa sasakyan may laban kami ni Tiu" aniya, binalewala yong tanong ng kaibigan niya Lumiwanag naman ang mukha nilang tatlo. Hindi kasali si Ivan mukhang wala naman yang pakialam sa paligid niya. One week na ako dito at alam ko na bawat pangalan nila. Ikaw ba naman kahit saan ka magpunta sa campus na ito usap-usapan sila. Take note mga good thoughts pa. "Pupunta na ba talaga tayo dun, ayos exciting'to" sabi ni Tristan at pumunta na dun sa kotse niya, na katabi kay Rondell "Tara na!" sabi ni Harvey tsaka pumunta na rin sa kotse niyang katabi kay Tristan 'Hindi ba sila papasok? tss.. pakialam ko sa kanila, may laban daw? Bakbakan kaya? bahala na nga sila diyan' Mag lalakad na sana ako paalis. Nang mapahinto ako sa sinabi ni Dexter kay Rondell. "Sama mo kaya si Zianah dude para may partner ka" Tama dapat sasama ako. Maganda yan ah, bakbakan eh. Napahinto sa pag bukas ng pinto si Rondell at napatingin sa akin, napatingin din ako sa kanya nang nagtataka. Di ako sigurado kong anong laban ang pupuntahan nila. Nakaka curious tuloy. Inistalk ko pala siya dapat makasama ako. Binaling niya ang tingin niya kay Dexter na ngayon ay naka ngiti na habang nakatingin sa akin. "No need" sabi niya at tuluyan na niyang binuksan yung pinto ng kotse niya Tinignan ko si Dexter at tinaasan ng kilay. Binigyan ko siya ng tinging 'Kumbinsihin-mo-pa' look. Mas lalong lumaki ang ngisi ni Dexter. "Ikaw rin baka kulitin kana naman ni Erica, para siya maging partner mo" sabi ulit ni Dexter sabay sulyap sa akin 'Sino si Erica?' Napahinto si Rondell sa pag pasok sa kotse niya at tinignan ng masama si Dexter. "Madali lang umayaw" walang ganang sambit ng damuhong Tumawa si Dexter "Hahaha kung makakaya mo dude, alam mo namang makulit at obsess ang babaeng yon sayo. Alam mo na ang ugali non dre" Pumikit si Rondell sa inis. "Damn, fine!" mura niya at padabog na sinara yung pinto ng kotse tsaka siya lumapit sakin pagka tapos hinila nanaman yung bag ko at ipinasok ako sa kotse niya. Mapapayag naman pala ang mokong dami pang arte. Pero sino kaya yong Erica? "Saan mo nanaman ako dadalhin?" Tanong ko pagka pasok niya sasakyan Ngunit hindi siya sumagot at pinaharurot lang ang kotse ng sobrang bilis. Saan nanaman niya ako dadalhin? Hindi na yata ako makakapasok sa mga susunod na subject ko. Ayos! ang galing lang, sana bakbakan nga pupuntahan namin. Hininto ni Rondell yung sasakyan niya sa 'anonymous place'. Di ko alam kung saan ito, basta ang alam ko ang ingay ng mga tao sa loob ng parang Track Field yata. "Saan tayo?" Hindi siya sumagot Nag lakad siya papuntang entrance,. Sumunod nalang din ako. Nasa likuran yung apat nakasunod lang din. Nag-uusap sila. Hindi ko naman naiintindihan. Kinapkapan si Rondell dun sa guard pagka tapos sina Dexter. Ako naman huminto sa pag lalakad dahil na tanggal yung sintas ng sapatos ko. Sinintas ko muna ito. Pagka tapos kung mag sintas, lumapit na ako dun guard para magpa kapkap na rin sana. Tinaas ko ang dalawang kamay ko. Kakap-kapan na sana ako nung guard. Nang may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako papunta sa likuran niya. "Don't touch her " sambit ni Rondell dun sa guard at hinila na ako papasok sa loob Napa kunot ang noo ko sa inasta niya. Anong ginagawa ng lalaking' to? "Bakit mo ginawa yun? Okay lang naman na kapkapan ako nung guard" sabi ko pagdating namin sa loob Binitawan niya ang kamay ko at tinignan ako ng bored na tingin. "Wala na akong oras hintayin ka. Happy?" Woah, ang lakas ng apog ah. May nalalaman pa siyang 'Don't touch her' dyan. Hindi ko nalang siya pinansin pa at inikot ko nalang yung paningin ko sa loob ng malaking field. At napagtanto ko na nasa Racing car competition kami. Huh? Racing car? Ito ba ang sinasabi nilang laban? Akala ko ba bakbakan? Hay. Totoo pala ang sabi-sabing 'too much expectations can bring you to dissapointment'. Kainis Mag tatanong na sana ako sa kanya kung anong ginagawa namin dito kaso hinila nanaman niya ako sa isang dressing room. "Wait here" sabi niya at pumasok na sa kabilang room Napa buga ako ng hininga. Okay anong ginagawa ko dito?, can somebody tell me. I'm clueless. Andaming tao sa labas, and they are so noisy. Ano pa bang aasahan mo, racing car competition ito Zianah wag ka ngang tanga. Para na akung baliw dito, kinakausap ang sarili ko. Akala ko ba lalayuan ko na siya. Bakit siya pa yata ang lapit ng lapit sa akin. Napa iling nalang ako sa kawalan. May saltik yata ang anak ni Roger. Kinuha ko yung magazine sa gilid at nag basa-basa ng mga pahina. Di kalaunan may nag salita sa harap ko. "Lets go dimwit" Napatingin ako kay Rondell, na ngayon ay bihis na bihis na ng pang racer na damit. Napa awang ang bibig ko, at kumurap-kurap. Isa lang ang masasabi ko.. LAGLAG ANG PANGA KO! He's so f*****g cool! damn it! Shit! bagay na bagay sa kanya ang sout niya. Naka all black siya, tapos may globes pa sa kamay niya na kulay black rin. Ni balat sa katawan niya natatakpan ng suot niyang pang racer. Damn! Damn! Ngayon lang yata ako nag compliment ng tao. At oo inaamin ko na gwapo talaga ang isang' to. Dagdag pa yung bangs niya na halos tumatakip na sa kanang mata. "Close your mouth, your saliva were almost drop" Natauhan naman ako dahil sa sinabi niya. Dali-dali kung pinahid yung gilid ng labi ko para macheck kung totoo ba ang sinabi niya, at na pagtanto ko na hindi pala totoo. "Wala naman eh" tinignan ko siya ng masama "Tsk... naniwala ka naman" sabi niya at nauna ng lumabas ng room Pakshet na lalakeng ito nagawa pa akong pagtripan. Pero pansin ko lang ha, ang pula ng mukha niya ngayon. Di naman yun pula kanina. Anong nangyari sa kanya? Ah, bahala nga siya, baka naman na tatae yun kaya ang pula ang mukha niya. Lumabas narin ako sa dressing room para sundan siya. Pag labas ko nakita ko siyang may kausap na magandang babae, pero parang b***h ang dating. Habang papalapit ako sakanila rinig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa. "I have already a partner Erica, so stop will you" walang ganang sabi ni Rondell doon sa tinawag niyang Erica So, siya pala si Erica. Ang tinutokoy ni Dexter na makulit at obsess kay Rondell. Tumaas ang kilay nung Erica at nag cross. "Is she a girl or a boy?" tanong niya "Some stupid girl" "What! akala ko ba ayaw mo sa mga babae!" "Will you stop! you're not my f*****g girlfriend so stop asking me!" sigaw ni Rondell "Fine! were is she then?" Sakto naman ang dating ko sa gilid ni Rondell pagka sabi ni Erica nun sa kanya Nagulat ako ng inakbayan niya ako kaya napa tingin ako sa kanya na gulat na gulat. "This is my partner and ..... ....my girlfriend" sabi ni Rondell habang titig na titig sa mata ko Nanlaki naman yung mata kong nakatititg sa kanya. Tama ba ang narinig ko?ako girlfriend niya? As-in G-I-R-L-F-R-I-E-N-D niya? kailan pa? wala akung maalala. Wala nga akung maalala na niligawan niya ako. The f**k! ano nanaman ang pinag sasabi ng isang ito. =_____= "What! pumapatol ka sa basura na yan!" gulat na sigaw ni Erica sabay turo sa akin Uminit bigla ang ulo ko sa narinig. Aba! ako basura? sarap daruhin ng pagmumukha ng babaeng' to. Ilan pa ba sila ang magsasabi sakin ng basura, ng matudas na. "Don't talk to her like th---" "Ako na baby, tumahimik ka na" putol ko sa sasabihin ni Rondell Bwesit mapapasubo ako nito sa kalokohan ng lalaking' to. Kung di lang ako tinawag ng basura sa Erica nato, baka kanina ko pa sinigaw sa mukha niya na di ko boyfriend si Rondell. Halatang nagulat si Rondell sa sinabi ko sa kanya dahil napatingin siya sakin Tinanggal ko ang akbay niya sakin pagkatapos nginitian si Erica ng katamis-tamis. "For your information Miss, ang basura na rerecycle yan, ang mga fake nabubulok yan, katulad mo bulok na. Hindi na pwedeng ere-cycle kasi nga bulok na, kaya kung pwede, yang plastic surgery at fake mong mukha, pwede isubsob mo sa BASURAHAN maging mapag MAHAL ka sa KALIKASAN huwag hayaang NAKAKALAT Ang mga PLASTIC sa LANSANGAN ... Baby lets go" sabi ko pagkatapos hinawakan ang kamay ni Rondell at hinila na siya papalayo sa kanya Narinig ko pang nag papadyak sa inis si Erica at nag sisigaw. Napangitii naman ako ng tagumpay 'Sabi ko sa inyo eh b***h ako kapag nagagalit' Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita ang katabi ko. Na mukhang namangha sa akin. "Baby" "Huh?" Huminto ako sa paglalakad at tinignan siya. Anong nangyari sa kanya? natatae ba talaga siya? di kasi maipininta ang mukha niya. "Anong pinagsasabi mo diyan?" tanong ko Tinignan niya ako na parang ewan. "Tinawag mo akong baby. What do you think of me, huh? A born baby?" Napa tanga ako at lumunok. 's**t! did i call him those enderment? the hell' "A-ah eh! a-ano ahm ano yun a-ah palabas lang yun at sumasabay lang ako sa kalokohan mo ok" sabi ko na hindi mapakali. Ano na nanamang nangyari sakin. Tumango siya "Hmm'K" sabi niya "But baby is a cute enderment" Halos mabilaukan ako sa sarili kung laway. What the f*****g s**t! Halos di na ako makahinga dahil sa sinabi niya. Cute daw ang baby na enderment, yuck! nakakasuka nga eh. "Cute- cute saan ang cute dun. Napaka sagwa nga" sabi ko na namumula na sa hiya Nag kibit balikat lang siya. "Yeah, baby sounds cute but I'd prefer myself to call you a dimwit creature" walang ganang sabi niya Nag kibit balikat siya. Suminghap ako. Magtatanong na sana ako kung anong ibig sabihin ng sinabi niya ngunit may nagsalita sa likuran ko. "Hanep! may pa holding-holding hands pa kayong nalalaman ha! ano yan hahahaha" "Shut up Dexter!" sigaw ni Rondell at binitawan ang kamay ko =________= Hala! ang shunga ko bakit di ko namalayan na magkahawak kamay kaming dalawa. Ah! oo nga,hinila ko pala siya kanina papalayo kay Erica. Napa-iwas nalang ako ng tingin sa kanya at ibinaling kay Dexter. Ang laki ng ngiti niya habang nakatingin saming dalawa.. Si Rondell naman parang wala lang sa kanya na mag kahawak kamay kami kanina pa. "Mamaya niyo na ipagpatuloy yang pag lalambingan niyo dahil magsisimula na yung laban" sabi ni Dexter na ang laki parin ng ngiti "Do you wanna die" banta ni Rondell kay Dexter Nawala naman ang ngiti ni Dexter at sumeryoso. "Joke lang dude, ikaw naman masyado kang seryoso. Pero dude ikaw nalang ang hinintay ng lahat para simulan na yung racing" "Tsk" sabi ni Rondell at na una ng maglakad papuntang gitna ng field Lilihis na sana ako ng daan dahil di ko naman alam kung anong gagawin nila. At anong laban pinag sasabi ni Dexter. Ngunt may humablot sa braso ko ,napatingin ako sa humablot sakin at walang iba kundi si Dexter. "Bakit?" takang tanong ko "Saan ka pupunta mag sisimula na yung race" "Oh! tapos?" "Anong tapos-tapos, pinag sasabi mo, sasamahan mo si pareng Rondell sa race at ikaw yung partner niya" "Ah! yun lang pala edi tar---Ano!" gulat na sigaw ko Nagkamot siya ng noo at bumuga ng hangin. "Basta, mamaya ko na ipaliwanag. Sasamahan mo muna si Rondell" kinaladkad niya ako sa kinaroroonan ni Rondell Shitt!! Pagdating ko sa harapan ni Rondell, agad umalis si Dexter at pumunta kina Harvey na nag pupustahan.Sa may gitna ng mga taong naka upo sa bleachers. Narinig ko pa yung mga sigaw ng mga babaeng nasa pinakatoktok ng bleachers. "GO ROOONDEEELLL!!" "MAG IINGAT KA RONDEELL! WE LOVE YOU!!" May fangirls pala dito at puro kay Rondell lang yung nag che-cheer. Wala man lang akung narinig na kahit anong pangalan, kundi puro Rondell lang. Paano naman yung ibang kalaban wala ba silang fans? Napatawa nalang ako ng mahina dahil sa inisip ko. "Wag ka ngang tumawa ng mag isa. Para kang sira ulo diyan" Napatigil ako sa pagtawa ng mahina dahil sa sinabi ng gago. Ako? Parang sira ulo? WTF! Tinignan ko yung mga kalaban niya. Baka nakita nila akong tumatawa na parang baliw at buti nalang busy yung mga kalaban ni Rondell at di nila ako napansin. "Get inside now, mag sisimula na" sabi ulit niya saka pumunta na sa kabilang pintuan ng kotse para pumasok. Tumango ako at di na umimik pa. Dinidibdib ko kasi yung sinabi niya. At isa pa di pa ako nakaka move-on sa pagpapahiya ko sa harap niya. Mukha daw akong sira ulo. Namumuro na talaga ang lalaking' to sakin. Binuksan ko na yong pinto. Ngunit natigil ako at ang lalaking siraulo rin sa pag bukas nito dahil biglang nag salita yung kalaban niya na mag kasing edad lang din namin. "Wait for a second Thompson" Binigyan siya ng seryosong tingin ni Rondell. "Spit it Tiu" Siya pala si Tiu? chinito pala at may echura rin. Ngumiti muna ng maka hulugan yung Tiu at nag salita. "If i win this race, mag lalaban tayong dalawa. Remember tayong dalawa lang. Wala ng iba, kapag ikaw nanalo ibibigay ko yung ferrari car ko sayo... Ano deal?" "I have many cars and besides hindi pa ako nag hihirap kaya sayo na yang ferrari mo tsk... Untill now gusto mo parin akung talunin. How pathetic. Hindi ko alam na ganito ka pala ka babaw, gagawin mo ang lahat para matalo ako kahit ang hirap gawin" Akalain niyo ang yabang niya. "f**k YOU THOMPSON!"galit na sigaw nung Tiu. Pero di man lang natinag si Rondell dahil nag kabit balikat lang siya. "Because of your f*****g insecurities, you kill your own self, so i will accept your childish game. I deal with it" aniya at pumasok na sa loob ng kotse. Napakamot nalang ako sa ulo ko. 'Ang gulo niya akala ko ba ayaw niyang tanggapin yung dineal ni Tiu bakit ngayon tinanggap niya, hays! ang gulo niyang kausap mababaliw ako' Tinignan ko si Tiu he's very angry. Padabog niya pang sinara yung pinto ng kotse niya. Nakita ko pa sa loob na si Erica ang partner niya. Tinaasan niya ako ng kilay at inikotan ako ng mata, tanging walang emosyon ang binigay ko sa bruha. Pumasok na rin ako sa loob ng kotse ng tahimik. I have many questions in my mind pero nanahimik nalang ako. Tinignan ko si Rondell, seryoso lang yung tingin niya sa harap at ang higpit ng pag kakahawak niya sa manobela. 'Who is Tiu?' yun agad ang tanong ng utak ko pag kakita ko agad sa kanya. I know. There is a story behind, so i need to find it out but now, ito muna ang racing competition ang iisipin ko dahil kinakabahan ako sa resulta ng race. But at the same time. I'm so excited!.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD