Simula:Ang Kasal
The sunrise was as beautiful as I imagine it would be today. Parang ang araw mismo ang nagdidiwang sa amin, nagpapakita ng kanyang pinakamatingkad na liwanag kahit na ito ay isang madilim na kinabukasan.
Nasa isang magarang garden venue kami ng Azaraga Family, kung nasaan ang mansion ng pamilya ni Leo.
Puno ng mga bulaklak na tila sinadyang ipakita ang kanilang pinakamagandang anyo para sa espesyal na araw na ito.
Ang mga petals ng rosas, lilies, at orchids ay nakapaligid sa buong lugar, nagbibigay ng natural na dekorasyon and bringing elegance to the event and the old money crowd.
Ang aisle ay mayroong white carpet na may mga petals na inilagay sa bawat hakbang. Ang mga upuan ng mga bisita ay pinapalamutian ng mga ribbons at fresh flowers, creating a picturesque and romantic atmosphere.
Ang canopy na nagsisilbing altar namin ay gawa sa kahoy, natatabunan ng mga vines at white drapes na sumasayaw sa hangin.
Habang papalapit ako sa aisle, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang. Suot ko ang isang napakaganda at unique na white gown na may intricate lace details na fit na fit sa hubog ng aking katawan.
Ang alam ko ay it is crafted by a renowned designer as I've known. Leo's mom created this design at mukhang plinano talaga ang kasal.
Nakangiti ako habang hawak ang bouquet ko, trying to lighten the mood kahit na gusto konang umiyak, sumuka, at magdabog.
Hindi ko iyon magagawa dahil sa mga matang humuhusga sa amin. Kailangan ko tong gawin. I need to marry him.
I was already dead inside anyway. Pilit ko nalang binabalik ang nakaraan para hindi ako umalis at tumakbo dito sa kaniyang harapan. Hindi ito ang fairytale wedding na pinangarap ko noon.
Ikakasal ako ngayon sa isang taong minsan ay iniwan ako—si Leo, ang ex-boyfriend ko noong college. We are friends before, but after he left me with some other girls, ay parang kinalimutan ko na ang buong pagkatao niya at suklam na ang natira rito. Ang sakit at lungkot na nadama ko noong panahong iyon ay bumabalik ngayon habang papalapit ako sa kanya.
I don’t have a choice. Kailangan ko ang pera at proteksyon ni Leo para maisalba ang negosyo ng pamilya namin. Ang Montenegro Corporation, na minahal at minatayan ng aking mga ninuno ay hindi pwedeng mawala kahit na buhay at kaligayahan ko ang kapalit.
The investment that my dad made ay sobrang mali talaga. Our company went bankrupt at umutang pa sa kompanya ng mga illegal na business.
Si Leo lang ang makakapagbigay ng kapital na kailangan namin. Kaya kahit masakit, kahit hindi ito ang buhay na inakala ko, kailangan kong gawin ito.
Nakikita ko si Leo na nakatayo sa harap, sa ilalim ng canopy. Suot niya ang isang classic black tuxedo, at sa kabila ng malamig niyang aura, hindi ko maitatanggi na gwapo pa rin siya.
Nang magtagpo ang aming mga mata, isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang labi, ngunit alam ko ang tunay niyang intensyon. Para sa kanya, ito ay isang business deal, isang transaksyon na kailangan para mapalakas ang kanyang negosyo at pangalan.
"Isabelle, you look stunning," sabi niya habang iniabot ang kamay niya sa akin.
"Thanks, Leo," sagot ko, pilit na ngumiti. Ang kanyang hawak ay malamig, pero sinubukan kong hindi magpaapekto.
Habang nagsisimula ang seremonya, naririnig ko ang mga vow na parang scripted. "In sickness and in health, for richer or for poorer," mga linyang dapat ay puno ng pagmamahal at pangako, pero ngayon ay tila mga salita lamang na walang laman.
Ang init ng araw ay tila nagpaparamdam ng bigat ng sitwasyon. Ramdam ko ang mga patak ng pawis sa aking noo, pero higit sa lahat, ang bigat sa aking puso. Ang bawat salita, bawat pangako ay parang mga bakal na nagtatali sa akin sa isang buhay na hindi ko pinili pero kailangan kong yakapin.
Pagkatapos ng seremonya, habang papalabas kami ni Leo, sinalubong kami ng mga palakpak at mga masayang sigaw ng aming mga pamilya at bisita. Pero sa likod ng lahat ng ito, may isang malaking puwang sa aking puso. Isang bahagi sa akin ang umaasa na sana, sa kabila ng lahat, ay may pag-asa pa rin para sa isang tunay na pagmamahalan.
But that won't happen. I won't fall on Leo's trap anymore. Trabaho lang ang lahat ng ito. After this, I will divorce him at pupunta na ng ibang bansa to start a new life.
Sa reception, ang venue ay napaka-elegant. May mga crystal chandeliers, malaking dance floor, at mga mesa na puno ng mga magagarang pagkain at inumin. Ang bawat detalye ay planado, bawat sulok ay nagpapakita ng yaman at karangyaan.
Habang naglalakad kami ni Leo sa reception, ramdam ko ang mga mata ng lahat na nakatutok sa amin. we immediately become instant celebrity. All headlines in the news and articles. "Pagsasama ng dalawang malalaking pangalan sa negosyo".
How foolish.
Nang magsimula ang first dance namin, inilapit ako ni Leo sa kanya. "Isabelle, let's make this work for now. Huwag kang gumawa ng gulo," bulong niya sa akin na parang may ibang pinapahiwatig.
Ngumiti ako, pero sa loob-loob ko, hindi ko pa rin matanggal ang galit sa kaniya. "I hope so, Leo," sagot ko. "For both our sakes and our deal."
Habang umiikot kami sa dance floor, ramdam ko ang init ng kanyang katawan, pero hindi iyon sapat para palitan ang lamig ng kanyang puso. Sa kabila ng lahat, kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Ito na ang buhay ko ngayon, at kailangan kong magpatuloy.
Ang gabing iyon ay puno ng mga halakhak, mga cheers, at mga pekeng pangakong binuo sa ilalim ng mga bituin. Pero sa bawat ngiti, sa bawat yakap, alam kong may parte sa akin na nagtatago ng tunay na damdamin. At sa bawat hakbang ko sa bagong kabanata ng aking buhay, there's also part of me wishing that maybe someday my destiny would not be like this.
That I could fall in love in real not in contract and can live happily as my mom wishes me to.