“Medical mission? Busy na kamo siya sa papers niya, tapos ngayon medical mission naman? Nagdadahilan na lang ata yang dyowa mo sa’yo eh?” pang-aasar ni Jane sa kanya. Sabay silang nag-lunch ng kaibigan sa isang fastfood na nasa tapat lang halos ng building nila. “G*ga ka ba, ikaw kaya riyan ang mag-doctor?” naiinis na sagot niya rito. Lahat na lang kasi yata gagawan nito ng issue eh. Parang gusto na niya tuloy bawiin ang planong iset-up ito kay Kenneth. “Anyway, bukas na daw isi-ship ‘yong mga hanbok natin!” natutuwang balita nito sa kanya. Kumislap ang mga mata niya sa sinabi nito. Pareho na sana sila nawalan ng pag-asa na makahanap ng kakaibang gown para sa masquerade party nila. Pero nang mapadaan sa feed niya sa social media ang isang teaser clip ng upcoming na saeguk drama, nagkar

