Chapter 1

1274 Words
    The weather's fine that day. Plus, Vince really loves the smell of brewed coffee. Amoy pa lang eh tila ginigising na nito ang papatulog na niyang kaluluwa. He was alone at that time in the coffee shop and he certainly liked the ambiance because of the serenity it brought over his soul. So overall, it was a perfect day. Not until may pumasok na dalawang chikadorang babae at doon nagsimulang masira ang araw niya. Tila nang-inis pa lalo ang dalawa at umupo pa ito sa malapit sa kanya kahit ang dami namang bakante na upuan sa kabilang side ng coffee shop.      He groaned inside as he can’t concentrate on what he’s reading. “Ang shunga mo do’n sa part ni Yuna. Nakailang take na tayo, hindi mo pa rin nage-gets,” sabi ng isang babae na mahaba, tuwid, at itim na itim ang buhok sa kasama nitong kaibigan. Are they actors?     “Wow ah, ‘di mo nga ginagawa ng tama ‘yong part ni Ryujin bago mag-chorus eh. Maka-sita ka pa ah,” pag-ganti naman ng babaeng medyo maalon at kulay tanso ang buhok. So, they're dancers.      He reached out for his galaxy buds inside his bag. Ayaw na niyang makiusyoso nang hindi sinasadya sa usapan ng dalawang ito. Kahit pa siguro magsabunutan pa ang dalawa sa harapan niya ay wala siyang pakialam. Sinimulan niya na ulit i-analyze ang binigay sa kanya ni Angelica, his most trusted acquaintance and colleague. Kaso ay napatingin ulit siya sa magkaibigan. Nakita niya kasing tumayo ‘yong isa, ‘yong babaeng may tansong buhok. He couldn’t help but stare at her as she walks to the counter.      Her side profile wasn’t that bad. He instantly noticed the high bridge of her nose. Her long visible lashes didn’t look fake at all. Medyo manipis yata ang labi nito, ‘cause he almost didn’t notice it at all. In fairness, she had a thin S-line figure. Nakita naman niya ‘yon kahit pa parang naka P.E. outfit ito, because of her white shirt and gray jogger pants.      Jesus. She could be a student, for all I know. Agad din siyang nahimasmasan at binawi ang tingin dito. Pinilit niyang i-steady ang mata sa laptop niya at pinagpatuloy ang ginagawa.      Pero nang maglakad pabalik ang dalaga sa kinauupuan nito, he had a glimpse of her wholeness. She's truly dazzling. She has a lovely smile, and oh, he’s right, she has thin lips. However, a sense of uneasiness came over him. She looked familiar. Tuluyan nang nawala ang konsentrasyon niya sa ginagawa. He removed his earbuds too as he begins to listen to their loud conversation once more.     “Kailangan talaga ikaw ang mag-initiate? Lalaki ba talaga ‘yang dyowa mo, bish?” ani ng babaeng maitim ang buhok. Humigop siya ng kape sa ikalawang tasa niya. His curiosity strikes even more.     “Feeling ko nahihiya lang siya. Isa pa, he respects me that much. So, I’ll do my best. Kailangang malaman niya na pwede rin naman niya akong bastusin kahit papaano.” Napabuga siya ng kape sa sinabi ng babaeng kanina lamang ay kinagigiliwan niya. Bigla namang napatingin sa kanya ang dalawa. Tumikhim-tikhim pa siya dahil napaso ang lalamunan niya.      Narinig niyang nagtawanan pa ang mga ito pagkatapos bawiin ang tingin sa kanya, kaso ay bigla nang humina ang usapan ng dalawa, to the point na wala na siyang maintindihan. Na-gets yata ng dalawa na nakikinig siya.       Fine. Good riddance.     He plugged his buds once more. Ibinalik na rin niya ang konsentrasyon sa ginagawa at pinangako sa sariling hindi na muling magpapa-demonyo sa angking ganda ng babaeng kulay tanso ang buhok. Nagtagumpay naman siya nang mapansin na wala na pala ang dalawa sa kalapit na mesa pagkatapos niya magligpit ng gamit. He was about to leave for home when he suddenly got the urge to pee. So he went to the comfort room, only to find out that it was locked.       Tinanong niya ang isang staff kung under maintenance ba ang CR at sinabi nitong hindi naman. So he waited, nang makalagpas na ang kinse minutos at hindi pa rin lumalabas ang kung sino mang laman ng CR na ‘yon, ay pumunta siya rito para katukin sana. Kaso may narinig siyang kakaiba sa loob. Nilapit niya ang isang tenga sa pintuan.     "Lord, kahit ‘wag niyo na po pabalikin ‘yong kaibigan ko. Sana may kumatok lang sa pintuan para makahingi ako ng saklolo. Please, Lord!" malakas na saad ng babaeng nananalangin sa loob.      He panicked and immediately knocked on the door. “Hey! Are you okay there?” pag-aalalang tanong niya sa tao sa loob. Tatawag na sana siya sa 911 dahil sa sobrang kaba niya sa kung anong posibleng nangyayari sa loob ng banyo.      “Oh, God! Thank you! He heard my prayers!” sigaw ng babae. “Can you hear me?” tanong nito sa kanya.      “Yes! Do you need help? Should I call 911?” he asked again.       “No!” mabilis na sagot ng babae. “But, I badly need your help!”      “Then, what should I do?” nag-aalalang tanong niya.      “Okay. Just relax. First, I need you to get me some tissue paper. Pakiramihan mo, please. Then, I need you to cover your eyes and your nose at the same time, ‘cause I’ll open the door a little and get the tissue from you. Is that clear?”      What? That’s the emergency? What kind of person who’d go to war without a weapon?      “Um, did you hear me? Should I repeat everything I have said?” sigaw nito sa kanya.      “Yes, I heard you. Give me a second.” sagot niya rito.      He went over his things and got his box of facial tissue. Dinampot na rin niya ang mineral water niyang hindi pa nangangalahati. Then, he knocked on the door. “I’ll cover my eyes, instead. So don’t worry and just get these stuffs from my hand, okay?” he shouted.      “Okay!” she retorted. “I’ll open the door in three, two, one!” Pagkatapos ay narinig niyang dahan-dahang bumukas ang pinto at mabilis na hinablot nito ang tissue box at tubig sa kamay niya, at saka nito muling sinarado ang pinto. “Thank you for your help, gentleman!” narinig niyang sumigaw na naman ito sa loob.      “No worries!” Agad naman siyang umalis sa harapan ng banyo at bumalik sa mga gamit niya. Umurong na rin ang ihi niya kaya nagpasya na siyang umalis na lang. Isa pa’y ayaw niya na rin magkita pa sila face-to-face ng babaeng niligtas niya sa sakuna.      Dumeretso siya sa sasakyan at agad ipinasok ang mga gamit sa passenger's seat saka siya pumasok. As he started the engine, he glanced back at the coffee shop one final time. Kitang-kita pa rin kasi sa labas ang CR ng naturang coffee shop. Then he saw who just got outside of the comfort room. The woman with the copper hair.      Damn, these coffee shop needs to have tinted glass walls.       He can’t help but laugh at the previous situation he was in. Hindi naman siya nakaramdam ng pagkadiri sa dalaga. Sadyang kakatwa lang talaga ang pangyayari. Isa pa’y nasa’n ba ang kaibigan nito? The lady got out of the shop, he saw her before he started to drive away.      Sa’n ko ba nakita ang babaeng ‘yon? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD