Aminado si Ana na masaya siya kahit hindi kasama ang nobyo dito sa Pucca Beach. Kailangan kasi medyo pormal ang acting-an niya kapag kasama ito. Medyo naramdaman niya nga ang disappointment nito noong malaman nito na mahilig siya sa K-Pop at K-Drama. Tingin ata nito eh nakakabawas ng pagkatao kapag mahilig ka sa mga ganito.
Atleast ngayon, nailalabas niya ang kulit kahit hindi niya kilala ang mga kasama niya. May namuo na ngang friendship sa kanila ng bata, mula ng utusan niya itong kuhanan siya ng picture doon pa lang pagkababa nila. Hinatak niya na ito kung saan niya ma-trip-an magpa-picture. Napatingin siya sa gwapong lalaking kasama nila. Hindi niya man lang pala naitanong kung ano ang pangalan nito.
“Alam mo ba pangalan noong lalaking kasama natin?” mahinang tanong niya sa bata.
“Hindi eh. Ba't 'di mo itanong sa kanya?” sagot nito. Hindi niya naman siyempre sasabihin dito na nahihiya siya ano. “Baka si papa, alam,” sabi nito sa kanya kapagkuwan. Naramdaman niyang kumalam ang sikmura niya. Hindi pa pala siya nag-aagahan, to think na tanghalian na pala.
“Saan ang kainan rito?” tanong niya sa bata.
“Doon, malapit na tayo," sagot nito habang itinuturo ang nasabing kainan. Kumaripas ito ng takbo kaya hinabol niya ito ng tingin. Magkalapit na pala sila ng lalaking kanina lang ay iniiwasan niya. Humarap siya rito na siyang ipinagtaka nito. Inilahad niya dito ang kanyang palad.
“Ayana nga pala,” medyo pabebeng sabi niya rito habang inilahad ang kanyang kanang kamay. Medyo matagal din nitong pinagmasdan ang kanyang nakalahad na kamay, jusko nangangawit na siya. Akmang ibababa na sana niya ito nang hawakan nito ang kanyang kamay.
“Vince,” maikling sagot nito. Kita niya ang pagtataka sa mukha nito ngunit bigla din naman itong napawi ng makita niyang ngumiti na naman ito at nilabas ang nakakaloka nitong dimples. Agad siyang bumitaw sa pagkahawak nito, mamaya maramdaman pa nito ang kanyang kumaripas na namang pulso. Isa pa, hindi naman ito nakikipagkamay, basta na lang humawak ito sa kamay niya so kahit papaano may reason siyang palisin ang kamay nito diba? Hindi naman siguro ito mawi-weirdo-han sa kanya.
“Um, salamat pala sa libreng island hopping. Maglunch na tayo. My treat,” sabi niya rito na siyang sinabayan naman ng malakas na pagkalam ng sikmura niya. Medyo nahiya siya rito, pero no'ng narinig niyang tumawa ito ay natawa na lang din siya. Napatigil lang silang bigla sa lakas ng tawag ng bata sa kanila. Agad naman nila itong sinundan. Akala niya ay may mga five-star na restaurants dito pero parang karinderya lang pala ang kakainan nila.
Sinabihan niya ang bata na tawagin ang ama nito at ililibre din niya kaya naman lumabas ito at naiwan na naman silang dalawa ni Vince. OMG, hindi kaya isipin nito na sinadya talaga niyang paalisin ang bata para masolo niya ito? Tinakpan na lang niya ang mukha niya ng menu ng restaurant at nagkunwaring pipili ng oorder-in. Bumalik na ang bata maya-maya kasabay ng pagdating ng mga in-order niya. Sinabi nitong hindi sasabay ng kain ang ama sapagkat may ginagawa pa. Akala niya ay matatapos silang kumain ng walang magsasalita sa kanila, nang biglang nagsalita si VInce.
“How’s your night?” tanong nito na siyang pinagtaka niya. Naalala na naman niya kung gaano niya sinayang ang unang gabi sa Boracay.
“Ayun, nakakadismaya,” sagot niya dito. Nagtaka siya sa reaksyon nito na akala mo ay mali ang sinagot niya. Naguguluhan na nga siya rito ay mas lalo pa siyang naguluhan sa itinanong niya rito.
“Ikaw, kamusta ang gabi mo?” nanunubok na tanong niya dito.
“It was hot and intense,” mabilis na sagot nito. Muntik na siyang mapabuga ng pagkain sa tinuran nito. Hindi niya alam kung ma-iinggit ba siya dahil buti pa ito may kaganapan kagabi, o kaya ay mag-seselos sa kasama nito sa kaganapan nito. Napapa-sana-all na naman siya sa isip niya. Naisip niya tuloy asarin ito.
“Oh, an'yare ngayong umaga?” balik tanong niya rito. Nakitaan niya ng kaunting inis ang maamong mukha nito. Effective naman pala ang resbak niya.
“She left me, again,” malungkot na saad nito. Nadala din yata siya sa lungkot na dinaramdam nito. Magkaiba man ang sitwasyon nila ay pareho pala silang sawi sa pag-ibig. Muli siyang nabuhayan ng pag-asa na may ganito pa rin palang klase ng lalaki sa mundo. Pero nawawalan na siya ng pag-asa relasyon nila ni Juluis. Pakawalan na lang kaya niya ito. Sa totoo lang eh naiinggit siya sa ibang mag-dyowa na halos araw-araw may LQ. Pakiramdam niya ay wala na talaga itong pakialam sa kanya, halatang pinababayaan na lang siya nito sa mga gusto niyang gawin.
Kaya siguro kung makikipaghiwalay siya dito ay tatanggapin din nito agad-agad ito. Siya na lang talaga ang kumakapit sa relasyon nila. Bakit ba bigla niyang naiisip makipaghiwalay kay Juluis habang nakatingin sa gwapong mukha ni Vince? Heller, as if liligawan ka niya sakaling single ka 'no?
Gusto niya usisain dito kung anong itsura ng minamahal nito. Oh kahit man lang sana kung ano ang gusto nito sa isang babae, kung may pag-asa kaya siya rito.
“Huy baka matunaw si Sir!” kataga ng bata na bumasag sa pananaginip niya nang gising.
Bigla din siya natauhan at napakurap ng mapagtantong nakatitig siya ng malupit sa mukha ng lalaking nasa harapan lang niya. Nakita niya namang ngumiti ito kaya kahit papaano eh nabawasan ang kahihiyan niya.
“You want to cliff dive?” tanong nito sa kanya na parang hindi niya ito pinagnasahan ng harap-harapan kanina.
“Pass, hindi ako marunong lumangoy.” Nakita niya na naman ang disappointment sa mukha nito. Aw, poor baby.
“Mag-parasail na lang tayo,” sabi niya rito sa tonong parang bibilhan ng ice cream ang isang batang nagmamaktol. Then she saw the sparkle in his eyes.
“Sure. Then let’s scuba dive after?” Ah ito na naman ito sa pagda-dive nito.
“Scuba dive for you, snorkel for me, deal?” Snorkel lang naman habang hatak hatak ng bangka ay masaya na siya. Naiinis na siya sa sarili niya kung bakit ba hindi siya natuto-tutong lumangoy. Sayang naman ang moment.
“Deal! Sure ka bang hindi ka magba-back-out bigla?” paghahamon nito sa kanya.
“Of course not!” Mapait ko ngang relasyon hindi ko tinatalikuran eh.
~~~~
Triple yung naramdaman niyang kaba nung lumilipad na sila sa itaas ni Vince. Gusto niyang maiyak pero panay lang yata siya sigaw. Puro ‘ayoko na’, ‘tama na’, at ‘ibaba n'yo na ko’ lang halos ang namumutawi sa bibig niya. Gusto sana niyang pumikit at matulog na lang kagaya ng ginawa niya kanina sa bangka pero hindi yata papayag si Hanging Amihan na tulugan niya ang mga sandaling ito sa lakas ng pagbuga nito. Medyo matagal din bago niya napansin na magkahawak na pala sila ng kamay ni Vince sa ere. Ibang kaba na yata yung nararamdaman niya.
Aba jusko Ayana, makasalanan kang g*ga ka.