Chapter 12

1444 Words
    “Wait, ano? You mean, you kissed some handsome stranger in the morning, tapos pagka-gabi, you f*cked Juluis? Woah! Awesome girl! How to be you po?” sunod-sunod na litanya ng kaibigan niyang si Jane bago siya binigyan nito ng masigabong palakpak. Sino nga ba naman kasi ang hindi mababaliw sa kwento niya ‘di ba? “Pero sure ka bang pogi talaga si kuya mo? Picture, or it didn’t happen!” paghahamon nito sa kanya.      “Teka, bakit ba ‘yon ang pinagkainteresan mo? Hindi ka ba magtatanong about sa nangyari sa’min ni Juluis?” balik-hamon niya sa kanyang kaibigan.      “Yuck! S*x and tell!” sigaw nito. Agad naman niyang binusalan ng palad niya ang bibig nito. Lahat na yata ng tao sa coffee shop na pinag-chichikahan nila eh nakatingin na sa kanilang dalawa.      “I almost broke up with him.”      “Bakit? Dahil kay kuya mong pogi? Malay mo may pamilya na ‘yon ‘no! Gawin ka pa no’ng kerida, sige ka.”      “Hindi naman dahil sa kanya ‘no!” Pinandilatan siya nito kaya naman medyo binawi niya ang sinabi. “I mean, siguro may parte rin siya, pero all-in-all, si Juluis talaga ang rason,” pagpapaliwanag niya.      “Kamo sabihin mo, ayaw ka kasing diligan ni Juluis, at ‘yon talaga ang pinaka-reason. Eh ngayong may nangyari na sa inyo, nakipag-break ka pa ba? O ‘di ba, hindi na? Mas naging hot pa ang lovelife ninyong dalawa.”      Hindi na niya alam ang itutugon sa kaibigan. Tama naman kasi ito. “Bakit ba inaaway mo ‘ko, eh nagkukwento lang naman ako,” pagtatampo niya rito. Hinampas naman nito ang balikat niya na para bang sinasabi nitong wala siyang karapatang magtampo dahil siya na nga yung nagbakasyon, nabinyagan at nagawa pang makipag-two-time. “Na-miss kong kumanta at sumayaw ah. Karaoke bar?” Nakita niyang sumigla ang mukha nito at ngumiti nang pagkalapad.               “Gaja!” agad namang tugon nito.     Ang kaso, imbes na karaoke bar ang mapuntahan ay sa isang sikat na night club sila napunta. Pinagbigyan na lang niya ang bruha niyang kaibigan, tutal masaya naman siya. Kaya naman pareho silang nagwalwal at umuwing suka ng suka sa daan. Mag-aala una na ng madaling araw siya nakarating sa bahay niya. Partida, may pasok pa sila kinabukasan. Ang pinagtatakhan lang niya, bakit ni isang text message wala siyang natanggap galing sa kanyang nobyo.      Tahimik ito buong biyahe nila kahapon. Maski si Kenneth ay hindi nito kinikibo. Isang halik sa noo lang ang binigay nito sa kanya bago sila naghiwalay ng landas.       Wala man lang pagkamusta? Di kaya may dual personality ‘yong mokong na ‘yon? Parang ibang-iba siya sa naka-s*x ko.      Nasapo niya ang bibig. Hindi dahil sa nasusuka siya, pero dahil naalala na naman niya ang mainit na gabing pinagsaluhan nila. Kahit na nami-miss niya na ang abnormal niyang dyowa, natulog siyang may matamis na ngiti sa mga labi.       ~~~~     Napatulala na lang si Ana sa screen ng computer niya. Parang nakalimutan na niya yata kung paano magtrabaho. Kaya naman, gano’n na lang yung gulat niya nang biglang mag-ring yung telepono niya sa may bandang kanan ng mesa niya. Noon lang niya naalala na may presentation pala siya sa susunod na araw. Panigurado ay sasabunin na naman siya ng kanyang butihing manager na si Kathrine Estacio, palagi pa naman siya nitong pinag-iinitan. Napalis naman agad ang kaba niya nang makita ang numerong tumatawag sa kanya.      Nasa ikalimang ring na yata ang telepono bago niya sinagot. “Hello, Ms. Montez may delivery ka dito sa lobby pakipick-up na lang,” mabilis na sabi ng babaeng nasa kabilang linya na agad naman nitong pinutol. Alam niyang si Susan ito, ang kanilang masungit na receptionist. Kung tutuusin ay halos kaedad lang naman niya ito pero saksakan ito ng sungit kaya akala mo ay nasa PMS phase na ito ng buhay nito. Agad naman siyang tumayo kahit medyo nagtataka siya. Kung tama ang pagkakaalala niya, wala naman siyang kahit anong in-order online. Pero minsan kasi ay hindi na din niya mapagkatiwalaan ang sarili niyang alaala.     Sa isip-isip niya, pwede naman nitong papasukin ang delivery boy, bakit kailangang siya pa ang lumabas. Oh baka naman may bago silang memorandum na bawal nang magpapapasok ng delivery, at na-enforce lang ito nung nasa Boracay siya. Napangiwi siya dahil sa inis kay Susan, magtatanong pa dapat siya dito ngunit binabaan na lang siya nitong bigla. Tumayo siya at lumabas ng office.      “Ms. Montez. Paki-iwasan ang personal deliveries dito sa company,” mataray na bungad sa kanya ni Susan. Nginitian na lang niya ito at saka hinarap ang delivery man na tila kanina pa tinatarayan nito. Kaagad itong umalis pagka-receive niya ng package.      She realized na hindi niya nga order ang package. Kaya naman dumungaw siya sa reception counter at tumikhim para makuha ang atensyon ng maldita nilang receptionist. “FYI. Hindi ko to order. Surprise gift lang sa’kin ni boyfie, so, I’m sorry. Pero don't worry, pagsasabihan ko siya,” sarakstiko niyang paghingi ng paumanhin. Kaagad siyang bumalik sa office, dere-deretso sa cubicle niya at akmang bubuksan na ang regalo nang mag-ring na naman ang telepono niya. Galit niyang tinignan ang caller id, at nang rumehistro ang numero ng kaibigang si Jane, agad niyang binalingan ito ng tingin bago sinagot ang tawag nito.      “Ano na naman ba ‘yan?” tanong nito sa kanya.      “Pati ba naman ikaw? Ano bang problema niyo sa mga delivery ko?” pagtataka niya. Tiningnan niya ito sa kinauupuan nito.     “Dahil sa’yo, bawal na personal deliveries dito sa office. Ano ba yang mga pinagbibibili mo?”      “Anong pinagbibibili? Galing yata ‘to kay Juluis.” Hindi niya maialis ang tingin niya rito dahil sa asar niya.      “Girl, nakita mo na ba yung ilalim ng desk mo?” Kumunot ang noo niya saka sinilip ang ilalim ng mesa. Doon niya nakita ang tatlong magkakaibang box packages na magkakapatong sa ilalim ng mesa niya. Tiningnan niyang muli ang kaibigan niya.     “Bakit ngayon mo lang sinabi? Kanino galing ‘to?”      “Aba malay ko sa’yo! Dumating yan no’ng nasa Bora ka na.”      “Okay. Pantry. Now na!” sigaw niya sa telepono bago niya ito ibinaba.      ~~~~     “Pang-apat mo na ‘yan. Kaya nanggagalaiti sa’yo si Susan eh. Istorbo ka rin sa trabaho niya eh.”      “Wala naman kasing sinabi si Juluis, heller!” asar niyang sagot sa kaibigan.      Dala ang isang cutter, at apat na magkakaibang laki ng box packages, sinimulan na niya ang unboxing. Inumpisahan niya sa pinakamaliit na karton na kasinglaki ng isang nobelang libro. Parehong nanlaki ang mata nila ng kaibigan nang makita ang matagal nang inaasam-asam na Galaxy Buds BTS Edition, bago sila sabay na tumili.      “Shutahamnida! Ang yaman naman ng dyowa mo!” Halos mangiyak-ngiyak siya sa sayang nadarama. Totoo pala talaga yung kasabihan na 'Money can buy happiness.'      Dinampot niya ang susunod na kahon na mas malaki at makapal ng kaunti sa una niyang binuksan. Grabe ‘yong kaba na nadarama nila pareho. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa Wowowin ka.  Sabay pa silang napasigaw ng “Chimmy!” nang ilabas niya ang lamang dilaw na plush toy na mala-anim na pulgada ang laki sa, ikalawang kahon.       Ang ikatlong kahon naman na kanina lang niya natanggap ay mas malaki sa dalawa, pero manipis lang. Hindi na talaga niya mapigilan ang sarili at talagang napa-iyak na siya nang makita ang lamang Light Ring ng Itzy, ang pinakabago nilang kinahuhumalingang grupo.      “Ano ba ‘yan! Kaya mo ba ko sinama rito sa unboxing mo para inggitin ako! Napakawalang’ya mo naman eh!” naiiyak na reklamo ng kaibigan niya. Hindi niya ito pinansin at kinuha na ang ikahuling kahon na siyang pinakamalaki sa lahat. Nabagsak niya ang ikahuling kahon matapos masilip ang laman. Reebok BT21 Edition:  Classic Royal Shoes, Mang.       Sure ka hindi mo sinabi kay Juluis ‘to? Bakit parang lahat to nasa wishlist ko ah, at ikaw lang ang may alam no’n,” pagkuwestyon niya sa kaibigan.      “Adik ka ba, never naman nagtanong sa’kin ‘yang dyowa mo eh. Baka nabasa niya sa diary mo,” inosenteng pagpapaliwang nito.           "Ikaw nga 'yong diary ko 'di ba? Lahat naman ng nangyayari sa'kin sinasabi ko sa'yo." Nanlaki ang mata ng kaibigan sa tinuran niya.           "Shuta, may stalker ka, bruha! Mayamang stalker! OMG! Eottoke?"      Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa tinuran ng kaibigan.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD