Chapter 13

1424 Words
    Kasalukuyan silang nasa Bouldering Hive ng kaibigan niyang si Jane. Sa totoo lang gusto talaga niyang magpahinga lang sa bahay ngayong weekened. Ang kaso ang kaibigan niyang kesyo nami-miss daw siya ay nagkaroon na naman ng kakaibang trip. Wala naman siyang magagawa kundi sakyan ang trip nito. Mahirap na, baka mag-drama pa itong bigla.      “Oh ano? Wala ka pa sa kalahati, bakit bumaba ka na?” pang-aalaska niya sa kaibigan. Kitang-kita niyang hirap na hirap ito sa pag-akyat sa mga stone boulder. Bakit ba kasi biglang naisipan nitong mag-indoor rock climbing. Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya.      “Nauuhaw lang ako ‘no,” sagot nito sa pangungutya niya. Kapagkuwan ay nilagok nito ang natitirang tubig. Nagulat siya nang biglang umubo ito at talagang tinalsikan pa siya ng tubig galing sa bibig nito.      “Ano ba ‘yan! Kadiri ka naman eh!” reklamo niya rito. Hindi siya nito pinansin at tumitig lang sa may bandang kanang gawi niya. Di kalaunan ay nanlaki ang mata nito at pakiramdam niya ay tutulo na ang laway nito. “Hoy! Okay ka lang?” pag-aalala niya rito na sinabayan pa niya ng tapik sa hita nito.      “Bish, I spy in my eye something peachy and yummy.” Hindi pa rin siya tinitingnan nito, kaya naman nagpasya siyang tignan kung anong pinagpipiyestahan ng mga mata nito. Napaawang na lang din ang bibig niya nang makita ang pinagnanasahan ng kaibigan. Isang yummy na oppa ang kasalukuyang umaakyat sa pader. Matangkad at maputi ito, at kahit likod lang ang nakikita nila rito, alam agad nilang gwapo ito. Proof na yata ang mga babaeng nakanganga habang nakatitig sa pag-akyat nito, at kasama na sila roon.      “Grabeng bottom ‘yan bish,” ani ng kaibigan niyang hanggang ngayon ay nakanganga pa rin. Hindi naman kasi gano’n ka-fit ang suot nitong shorts, ang kaso, humulma ito dahil sa harness nitong nakapulupot sa bewang at puw*tan nito. “Sana harness na lang ako.”      Napangisi siya sa sinabi ng kaibigan at agad na lumipad ang imahinasyon niya at inisip ang sariling kamay na nakapulupot sa ibabang parte ng katawan nito. Agad din naman siyang nahimasmasan at pinawi agad ang kakatwang ideya. “Hoy! Magtigil ka na nga d’yan! Kumain na tayo, gutom na ‘ko!” saway niya sa kaibigan.      Totoo namang gutom na ang sikmura niya kahit buog na busog ang mga mata niya. Tila ayaw pa rin kumilos tumayo ng kaibigan niya sa kinauupuan. Nakailang hatak pa siya rito bago niya ito napilit.      “Ikaw naman eh! Kaya nga tayo lumalabas-labas para makapag-boys-hunting tayo. Ang KJ mo!” pangungutya nito sa kanya. Pumasok sila sa isang restaurant na katabi lang halos ng Bouldering Hive.     “Ah, ‘yon pala ang pakay mo. Dinamay-damay mo pa ‘ko.” balik kutya niya rito. Lumapit sa kanya ang isang waitress at kinuha na ang order nila. Siguro ay ilang minuto rin natigil ang usapan nila dahil sa pagtingin nila sa menu. Kaya naman laking gulat niya nang sigawan siya bigla ng kaibigan matapos makuha ng waitress ang mga order nila.       “Wow! Porke’t nadiligan ka na ng dyowa mo hindi mo na ko dadamayan? Samantalang dati, ikaw pa nagyayaya mag boys hunting kahit may dyowa ka na!”      “Sabi ko na nga ba, ‘yan na naman ang argument mo.”     “Eh ano pa nga ba?” paghahamon nito.           Napabuntong-hininga na lang siya sa inaasal ng kaibigan. “Okay, fine. Ipapakilala kita sa bestfriend ni Juluis, si Kenneth. Yung kasama namin sa Bora. Pogi rin ‘yon at single. Since malapit na ang anniversary namin ni Juluis, I’ll set up a double date. Gusto mo ‘yon?” Sakto naman dumating na ang mga pagkain nila at nagtaka sila pareho roon. Iniisip kasi nila mga kalahating oras pa ang hihintayin nila bago dumating ang mga pagkain nila.     Nabingi siya sa delayed na tili ng kaibigan. Mabuti na lang at sila pa lang ang tao sa kinakainang  restaurant. “Bish naman, bakit ngayon mo lang naisip ‘yan?” pagtatampo pa nito.           Kaso ay naubo na naman itong bigla kasabay ng tunog ng bumukas na pintuan. She scoffed at her friend. Tila naging notification na nito ang pag-ubo sa tuwing makakakita ng gwapo. Okay din naman sana para aware siya, ang kaso eh lagi na lang siyang nabibiktima ng ubo nito. “Ano, pogi na naman, bish?” pagtanong niya sa kaibigan nang hindi lumilingon sa tinitignan ng kaibigan. Siyempre masyado nang halata iyon kung lilingon siya sa likuran niya bigla.      Nagbalik-loob na ang kaibigan niya sa kanya. “OMG, bish. He’s the same guy! ‘Wag kang lilingon. Nakatingin siya sa gawi na ‘to. Kunwari nag-uusap tayo, tapos tatawa tayo after three seconds, G?”      Hindi na niya nahintay ang tatlong segundo at talaga namang humagalpak na siya ng tawa. “Bish, pa’no ka magkaka-dyowa kung gan’yan ang galawan mo palagi? Do you like him? Is he that handsome?”      “Positive, bish. I super duper like him. I think he’s the one for me.”      “Then, hindi naman natin kailangan hintayin ang double date natin. Let’s just ask that guy if he’s still single. I bet he is.” Hindi niya maintindihan ang kakatwang katahimikan at facial expression ng kaibigan. “I’m sure of that, bish. Hindi naman mag-rarock climbing ‘yan mag-isa kung may-dyowa na ‘yan.” Panay ngiwi lang ang sinasagot sa kanya ng kaibigan. “Sure ka bang pogi siya? Is that your final answer?”      She was about to stand up, nang may biglang tumikhim sa may bandang likuran niya. “Why don’t you see for yourself?” ani isang baritonong tinig ng lalaki sa likuran niya. Tinignan niya ng masama ang kaibigan bago niya ito pinanlakihan ng mata. Why didn’t you tell me!      Gumanti rin ito at talagang umirap pa. I tried to, pero ang daldal mo! Balakajan!        I will kill you! At tinapos niya ang telepathic conversation nila ng kaibigan at naglagay ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Nang tumayo siya at humarap sa lalaking nasa likuran niya, agad ding napawi ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng gulat. Nasapo pa niya ang bibig ng dalawang kamay niya bago sinambit ang pangalan ng lalaki.      “Vince?” pagtanong niya sa lalaki. Baka sakaling kamukha lang nito ang binata, o ‘di kaya ay kakambal lang.      “Ayana,” pagkatamis na sambit nito sa pangalan niya. Oh sh*t. I’m doomed.      Gano’n na ba kaliit ang Pilipinas para magtagpo na naman sila? Binaling niya ang tingin sa kaibigan at humingi ng saklolo. Help me!     Ipakilala mo na ‘ko! Dinig na dinig niya ang sinisigaw ng isip ng bruhang kaibigan niya na pasimpleng dinuduro-duro ang sarili. Oh. That’s it. Para mabawasan ang awkwardness, ibubugaw na lang niya ang kaibigan dito.      “Vince, how are you? I’m so glad to see you here. Such a small world ‘no?” Hindi rin niya matanggap ang sariling kaplastikan.      “Oh. Are you really glad to see me here?” tila nangungutyang balik-tanong nito sa kanya.      Mahinhing hinampas niya pa ito sa braso kasabay ng pekeng tawa bilang sagot sa pagbibiro nito. “Oo naman ‘no!”      “So, Am I handsome? Do I deserve your friend?” pang-aasar pa nito sa kanya.      “Of course! I almost forgot. Vince, my best friend, Jane.” Humarap naman siya sa kaibigan. “Jane, si Vince.” Agad namang tumayo ang maharot niyang kaibigan sa kinauupuan nito at nakipagkamay sa binata.      “Nice to meet you.” Nainis siya nang marinig ang tinis ng boses ng kaibigan niya.       “Nice to meet you too,” sagot naman ng binata. Hindi niya alam kung bakit tila kumirot ang puso niya sa tinuran ng binata. Isn’t it nice to see me too? Gano’n na lang ba ‘yon?  Parang hindi nag-moment sa Bora ah.     Binasag ng tunog ng ring ng cellphone ng binata ang pagmumuni-muni niya. Agad naman nitong sinagot ang tawag. “Yes, Angelica?” narining niyang bigkas nito habang lumakad palayo sa kanilang magkaibigan.     Nagkatinginan silang magkaibigan at sabay nagkibit-balikat. Edi wow.      Pinagkibit-balikat na lang din niya ang kirot na nadarama nang marinig ang magandang pangalan sa bibig ng binata.       Sabi ko na nga ba eh, taken na siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD