NAKA-UPO SA PANG-ISAHANG sofa si Shan. Pinagmamasdan niya si Carila na ngayon ay nakahiga sa kama. May hawak siyang isang baso na may lamang alak. Pagkatapos ng nangyari kanina ay binuhat niya si Carila na nakatulog bigla at dinala sa hotel suite niya. Lahat ng resort at hotel na pagmamay-ari ng pamilya ay may sarili silang kwarto. Nais niyang mag-wala ng mga sandaling iyon para alisin ang sakit na nararamdaman sa puso. He keeps on drinking to forget what happen but it keeps on repeating at his head. Para iyong sirang plaka pa-ulit ulit niyang naririnig. At habang tumatagal ay lalong tumitindi ang nararamdaman niyang kirot sa kanyang puso. Inisahang inum ni Shan ang laman ng baso bago tumayo. Humakbang siya palapit sa kama. Habang lumalapit sa babaeng nakahiga doon ay hindi niya inaalis a

