“DATE?” tanong ni Carila kay Shan. “Yes. Anniversary ng MDHGC sa Friday. There will be a party and you come with me as my partner,” baliwalang sabi nito. “Kung ganoon ay kailangan kong mag-ayos?” Napangiwi siya. Thinking about dressing up and putting make up, ache her. Hindi siya sanay na mag-ayos. Jeans and big t-shirt are her thing. Nabibilang sa daliri ang magsuot siya ng dress. “Yes. You should be beautiful that night. You will be my date and I will introduce you to some of my friends. “ “Kung ganoon ay sabay tayong pupunta. Gagawa tayo ng eksena sa anniversary party ng kompanya?” aniya. Bumagal ang pamamaneho ni Shan. Inihinto nito ang kotse sa tabi ng daan. Nagtaka naman siya bigla. Malayo pa silang dalawa sa bahay niya. Umiwas silang dalawa sa traffic kaya sa West Ave., Q.C si

