INAAYOS NA ni Carila ang gamit niya. Nagtext na kasi si Shilo at sinabing nasa parking area na ito. Its five o’clock and they will going out. Kakain sila sa labas ng binata. Pinatay na ni Carila ang computer niya. Kukunin na sana niya ang bag na nakapatong sa mesa ng lumabas sa opisina nito si Shan. Nagulat pa siya ng makita ito. Akala niya ay umalis ito dahil ang alam niya ay may meeting ito kasama ang new investor.
“Going somewhere?” tanong ni Shan.
“It’s already five o’clock, Sir. Uuwi na po ako.”
Tumingin sa waist watch nito si Shan. Tumaas ang kilay nito. “Well, you can do overtime.”
“Ano po, sir?” nagulat siya sa sinabi nito.
“You do overtime. I want you to revise this contract and this proposal.” Iniabot nito ang hawak na mga papel. Tinanggap niya iyon at binasa.
“Sir, pwede po bang bukas na lang ito? Ang alam ko next week pa naman kailangan ang kontrata na ito. Ganoon din po itong proposal.”
Tumaas ang kilay ni Shan. “Are you telling me what I should do, Ms. Salmingo?”
“Hindi naman po, Sir. Kailangan ko lang talagang umuwi na.”
“I’m sorry but I need that contract today, Miss Salmingo. I will give it to Attorney Calderon tomorrow for checking. And the proposal, I want it also today. Nagpalipat ng meeting si Mrs. Saavadra dahil aalis sila ng bansa ng anak niya. So, I need that proposal and contract today.” Pagkatapos sabihin iyon ay pumasok itong muli sa opisina nito.
Nanlalamu naman siyang umupo. Sumimangot siya at pinagmasdan ang hawak na papeles. Bakit ngayon pa nangyari ito gayong may lakad sila ni Shilo? Akala pa naman ay gabi niya ngayon. Kinuha niya ang phone sa bag at tinext na lang si Shilo na hindi siya makakapunta. Nakakalungkot na hindi matuloy ang lakad nila. Inilapag niyang muli ang bag sa likuran at sinimulan ang kanyang trabaho.
Hindi niya namalayan ang oras. Nagulat na lang siya ng may naglapag ng isang plastic sa harap niya. Napataas siya ng mukha.
“Kumain ka muna.” Seryusong sabi ni Shan at pumasok sa loob ng opisina nito.
Sinundan niya ng tingin ang boss niya. Nagtataka siya sa ginawa nito. Ano na naman ang ginagawa nito? Para saan na naman ang ginawa nito?
Tumingin siya sa plastic na inilapag nito. Nakaramdam siya ng gutom ng makita kung anong laman ng plastic. It’s a Japanese food na talagang gustong-gusto niya. Pumunta siya ng pantry para doon kumain. Ayaw niya sa kanyang table dahil baka madumihan ang mga papeles. Ayaw niyang umulit uli sa pagtype noon. Isa-isa niyang inalis sa plastic ang pagkain. Una niyang kinain ang Tendon Tempura. Iyon ang pinakapaborito niyang Japanese food. It’s combination of tempura and donburi. May kasama din iyong gulay na siyang isa sa nagustuhan niya. Masarap din ang pagkakagawa ng sauce na lalong nagpagana sa kanya. It does satisfy her hungry. Ikaw ba naman ang pina-overtime ng wala sa oras ng boss niya. Kumakain siya ng Mochi bilang desert niya ng mapansin si Shan na nakatayo sa pinto ng pantry at nakahilig. Pinagmamasdan siya ng binata.
“May kailangan ka ba?” tanong niya.
“Are you done eating?” tumayo ito ng tuwid at naglakad palapit sa kanya.
“Yes.” Parang wala sa sariling sagot niya. Nakatitig siya sa mga mata nito at nawawala na naman siya sa sarili.
Mayroon kung ano sa mga mata ni Shan para makalimutan niya kung sino ba ito at kung bakit kailangan niya itong iwasan. This man infront of her is dangerous. His aura scream dangerous and fear. Ang mga mata nitong sinasabi na dapat siyang mag-ingat dito pero kahit anong gawin niya ay nahihipnotismo siya. He looks like an angel. Mabait ang bukas ng mukha nito at kahit sino ay masasabing hindi nakakatakot lapitan si Shan kaysa kay Shilo pero alam niya sa likod ng maamo nitong mukha ay tinatagong kasamaan. Kagaya na lang ng nakita niya kanina sa parking lot.
Upon remembering what happen today at the parking lot. She immediately stands up and cleans the table. Nagtataka naman na sinundan siya ng tingin ni Shan na uupo sana sa isang upuan. Mabilis ang mga galaw niya. Gusto niyang umalis agad sa pantry dahil nakaramdam siya ng pagkailang. The atmosphere suddenly become thin and it’s suffoscating her.
“Babalik na po ako sa trabaho ko.” Paalam niya kay Shan pagkatapos linisin ang pinagkainan.
Sinundan lang siya ng tingin ni Shan. Hindi na niya pinansin ang mainit nitong titig sa kanya. Agad niyang inabala ang sarili sa trabaho. It’s already ten o’clock in the evening ng matapos siya sa ginagawa. Bitbit ang kanyang bag at mga papeles na ginawa ay kumatok siya sa pinto ng opisina ni Shan. Pumasok siya kahit walang narinig na sagot sa binata. Nabungaran niya si Shan na nakatayo sa may glass window at pinagmamasdan ang mga building. Tumikhim siya na siyang ikinalingon ng binata.
“Tapos ko na po ang pinapagawa ni Sir.” Aniya.
“You can put on my table.”
Sinunod niya ang binata. Lumapit siya sa table nito at inilapag ang folder na nilalaman ng kontrata at proposal. Hinarap niyang muli ang binata.
“Aalis na po ako sir. Good night po.” Tatalikod na sana siya ng magsalita si Shan.
“I will ride you home.”
“Naku, sir! Wag na po. Kaya ko naman po umuwi.” Tanggi niya. She doesn’t want to be alone with this man.
“I insist, Ms. Salmingo. Masyado ng gabi. Hindi safe na umuwi ka ng mag-isa.” Naglakad ito papunta sa swivel chair at kinuha ang coat nito.
“Magtaxi na din naman po ako sir. At saka, sanay na po ako umuwi ng ganitong oras sa bahay. Safe naman po akong nakakauwi.”
“No! I still ride you home.” Lumapit sa kanya si Shan. Huminto ito ng ilang pulgada sa kanya. “Are you afraid to be with me alone, Ms. Salmingo?”
Bigla siyang nanginig sa tanong nito. Hindi siya makasagot sa tanong nito. Ngumisi si Shan at inilapit ang mukha sa kanya.
“Don’t worry. I don’t bite.” Bulong nito.
Gumapang ang malamig na hangin sa katawan niya dahil sa ginawa ng binata. Tumama sa kanyang tainga ang hangin na nagmula dito. Amoy na amoy niya ang pabango nito. It’s hugo boss the private accord. Nang magawi siya sa mall ay inalam niya kung anong pabango ang gamit ni Shan. It’s a perfume that a man like Shan would buy. A very seductive smells and would attract a woman on their first date. Shan smells like chocolate and peach that she really likes. It’s addictive. Kung hindi lang sobrang mahal ang pabangong iyon ay baka binili na niya.
Napakurap siya ng mapansin na wala na si Shan sa harap niya. Napatingin siya sa pinto at nandoon na ang binata. May naglalarong ngiti sa labi nito. Nakita nito kung paano siya natulala dahil dito.
‘What’s happening to you, Carila?’ kistigo niya sa sarili.
“Common, Carila.” Anito bago lumabas ng opisina nito.
Muli siyang napako sa kinatatayuan ng marinig dito ang pangalan niya. Iyon ang unang beses na tinawag siya nito sa kanyang pangalan at hindi pwedeng magkamali ang kanyang pandinig. Bumilis ang t***k ng puso niya na para bang gustong lumabas sa katawan niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksyon ng kanyang puso kay Shan. Pinakalma niya muna ang kanyang puso bago sumunod dito. Naabutan niya si Shan sa loob ng elevator. Nakasandal ito doon at nasa bulsa ng suot nitong slack ang dalawang kamay.
He looks so handsome lening on the wall of elevator. Para itong isang modela na may pictorial. Pinigilan niya ang sarili na hagurin ito ng tingin. Pumasok siya ng elevator at siya na ang pumindot ng close button. Tahimik na lang siya habang bumababa sila. Nararamdaman niya ang mga titig ni Shan sa kanyang likuran. Gusto niya iyon baliwalain ngunit sobrang lakas ng hatak niyon. Naiilang siya sa ginagawa nito. Nagpapasalamat siya ng mabilis nilang marating ang parking lot.
Nag-iisang nakapark sa parking lot ang Blue BMW i8 Roadster ng kanyang boss. Iba naman iyon sa kotseng gamit nito kanina. The pricked of being one of the rich families in the Philippines. Pinagbuksan siya ng pinto ni Shan. Sinuot niya agad ang seatbelt.
“Give me your address.” Anito ng makapasok sa kotse.
Sinabi niya sa binata ang address ng bahay niya. Hindi nagtagal ay nasa Edsa na sila. Mahaba ang bhaye nila dahil sa Caloocan ang bahay niya. Siguradong out of way din si Shan. Tumingin siya sa labas habang nasa byahe sila.
“Tell me about yourself, Carila.”
Natigilan siya ng marinig na nagsalita si Shan. Napatingin siya dito bigla. Nasa daan pa rin ang tingin nito. Hindi naman ganoon katraffic sa Edsa dahil late na.
“Tungkol sa sarili ko?” tanong niya.
“Ya! Gusto kong makilala pa ang sekretarya ko. I want a good team between us and knowing each other is the best way.” Sinulyapan siya ng binata at binigyan ng isang ngiti.
“Hindi agad siya nakapagsalita. Inaarok niya ang mga sinabi nito. Nagulat siya dahil nagtatanong nito ng tungkol sa kanya. Tumikhim siya. “Wala naman interesadong bagay tungkol sa buhay ko. I’m not nothing.” Sagot niya.
Tumawa ng mahina si Shan. “Everyone is interesting, Carila. Lahat tayo ay may kwento ng buhay.”
Yumuko siya. Hindi niya alam kung anong laro ang meron si Shan. Ayaw niyang ipakilala dito ang sarili o mas tamang ayaw niyang buksan ang sarili dito. Letting him know about her is like she is opening herself to him and letting him being part of her life. Kung may bagay man siya na dapat gawin ngayon ay hindi hayaan si Shan na makapasok sa buhay niya. Siguradong masasaktan si Shilo. Ito ang mahal niya at galit ito sa kuya nito. Ano na lang ang mararamdaman ni Shilo? Kaibigan siya nito. Galit na nga ito ng maging sekretarya siya ni Shan kapag naging malapit pa kaya siya sa binata.
“My father sends me to China after I graduate in college. Gusto niya kasi na pamahalaan ko ang negosyo namin doon. I was young back then. Wala akong alam sa China kaya tumutol ako pero nakinig si Dad. He still sends me there as if i’m a trash need to dispose but I survive. Natutunan ko ang culture ng China at nakipagsabayan sa mga tao doon. I become strong because of what my dad did.” May nahimigan siyang galit sa boses nito.
Napatingin siya sa binata. Nakangiti ito pero nasa mga mata naman ang kislap ng galit at pagkamuhi. Iyon ba ang dahilan kung bakit ito galit kay Shilo?
“Ikaw, Carila. Anong kwento ng buhay mo na siyang nagpabago sa iyo?” sinalubong ni Shan ang mga titig niya ng huminto sila sa stop light.
Suddenly she becomes tense. Napalunok siya ng makita ang nag-aapoy nitong mga mata.
“Tell me. Are you afraid of me, right now?” unti-unting lumapit si Shan pero huminto din dahil sa suot na setbelt. “Did I make you feel uncomfortable?”
“Ano bang ginagawa mo, Sir Shan?” tanong niya. Hindi niya sinagot ang tanong nito dahil alam naman nila na nakikita sa mukha niya ang sagot.
She is afraid of his presence. She feels so uncomfortable with his stares and being near to her. He makes her stop thinking straight.
“Anong ginagawa ko? Ano sa tingin mo, Carila?” gumalaw ang isang sulok ng labi ni Shan.
Umayos ito ng upo ng makitang nag-green na ang stop light. Hindi na nagsalita si Shan hanggang sa marating nila ang kanto kung saan siya laging bumaba. Doon na lang siya magpapahatid. Ayaw niyang ipasok nito ang sasakyan dahil takaw iyon sa mata ng kanyang mga kapit-bahay na sigurado siyang gising pa ng mga sandaling iyon.
Hinubad niya ang seatbelt bago hinarap si Shan. “Salamat po sa paghatid, Sir.”
Pinakatitigan lang siya ni Shan. Lalabas na sana siya ng hawakan ni Shan ang kanyang braso. Napatingin siyang muli sa binata. Seryuso ang mga mata nito.
“You are beautiful, Carila.”
Bago pa niya mahulaan ang gagawin nito ay lumapat na ang labi ni Shan sa labi niya. Nanlalaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Simpleng paglapad lang iyon ng mga labi nila pero nagbigay iyon ng milyon-milyong bultahe sa katawan niya. She is shock. Napako siya sa kinauupuan hanggang sa inilayo ni Shan ang labi nito sa kanya.
“I have a good time with you, Carila.” Hinawakan nito ang pisngi at labi niya.
Natauhan naman siya at agad na tinabig ang kamay nito. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya. Nagtaas baba ang dibdib niya dahil sa namumuong galit doon. How could he stool her first kiss? Inilalaan niya lang iyon sa taong mahal niya. And he just grab it like a lightning.
“Why you do that?” sigaw niya.
“I just can’t help myself. I really want to taste your lips.”
Lalo siyang nagalit sa sinagot nito. Tumaas ang kamay niya at malakas na pinadapo sa pisngi ng binata. Malakas ang ginawa niyang pagkakasampal dito dahil talagang napabaling ang binata. Anong karapatan nitong gawin iyon sa kanya? Tama nga ang hinala niya, walang mabuting gagawin ang binata sa kanya?
Isang mahinang tawa ang narinig niya mula kay Shan. Hinawakan nito ang pisnging nasaktan. Tumingin sa kanya si Shan.
“How could you do that to me?” naiiyak niyang tanong.
“Bakit ka nagagalit, Carila? It’s just a peak on your lips.”
Napakuyom siya. Nais niya ulit bigyan ng isang malakas na sampal ang lalaki pero pinigilan niya ang sarili. Mukha naman baliwala dito ang ginawa niyang pagsampal kanina.
“Yes! It’s just a peak on my lips but it’s my first kiss, Sir Shan. I’m saving my first kiss to someone I love and you just stool it. And now, your acting like it’s not a big deal.”
Nakita niyang natigilan si Shan. Nabura ang ningning sa mga mata nito. Tuluyang pumatak ang mga luha niya. Hindi niya yata mapatawad ang binata sa ginawa nito.
“Kung para sa iyo ay wala lang ang ginawa mo. Pwes, sa akin meron. I don’t want to experience my first kiss to a manwhore like you.” Pagkatapos sabihin ang mga iyon ay lumabas siya ng kotse nito at pabaksag na isinara ang pinto.
Galit na galit siya dito. Hindi niya inaasahan ang ginawa ng lalaki. She is his secretary and a woman who are off his radar. Alam naman niyang mababa ang tingin nito sa kanya. Na pwede siya nitong paglaruan. Hindi niya matanggap na sa isang tulad nito nauwi ang unang halik niya.
TINATAMAD pumasok si Carila ng araw na iyon. Ikatlong araw pa lang niya bilang sekretarya ni Shan pero gusto na agad niyang mag-quite pero kapag naiisip niya ang kanyang mga kapatid at mga magulang ay hindi niya magawa. She needs to sacrifice for the sake of them. Mabagal ang ginawa niyang paghakbang palabas ng kantong iyon. Late na siya pero ayaw niyang bilisan ang mga hakbang. Bahala ng mahuli sa pagpasok sa opisina basta hindi niya lang makita ang boss niya. Hindi niya kayang harapin si Shan ng mga sandaling iyon pagkatapos ng ginawa nito kagabi.
Pagdating niya sa labasan ay nakita niyang maraming taong nag-aabang ng bus. Rush hour na ng mga sandaling iyon at siguradong tulakan na sa pagsakay ng bus. Others are running everytime that the bus stop. Siksikan doon, agawan ng masasakyan at kung hindi ka madiskarte ay hindi ka makakasakay. Ganoon ang buhay niya sa umaga kapag late na siyang umaalis. Kaya nga lagi siyang maaga pero ngayon araw ay talagang tinamad siya. Instead of fighting with other commuters, Carila decided to stand and watch those people. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatayo doon ng huminto ang isang black Honda Acura NXS. Ilang commuters ang napatingin sa kotseng huminto sa harap niya. Sino ba kasing hindi mapapatingin doon? It’s one of the most expensive cars.
Nanlaki ang mga mata niya ng bumaba ang driver ng kotse. Nakasuot ng itim na sunglass at nakasuot ito ng white long sleeve polo. Kahit napakasimple lang nito sa suot ay nakaka-agaw pansin pa rin ito. Humarap sa kanya ang lalaki na walang iba kung hindi si Shan. Napaatras siya bigla dahil kahit may suot na sunglass ang binata ay nararamdaman niya ang mainit nitong titig. Naglakad ang binata palapit sa kanya. Lahat ng mga tao ay nakasunod ang tingin dito. Sino ba kasi ang hindi? Isang gwapong lalaki ang lumabas sa isang magarang sasakyan. Shan is like a prince charming. Nakakaagaw pansin ito.
“Let’s go.” May bahid ng utos na sabi nito ng makalapit sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito?” hindi niya sinunod ang binata.
“I am picking you up. Inaasahan ko na itong gagawin mo pagkatapos ng nangyari kagabi.” Hinawakan nito ang braso niya.
“What are you doing?” gulat niyang tanong.
“Taking you to my car.”
Hinatak siya ng binata. Babawiin na sana niya ang brasong hawak nito ng mapansin ang mga matang nakatutok sa kanila. Wala siyang nagawa kung hindi sumunod sa binata. Ayaw niyang gumawa ng eksena sa lugar na iyon. Maraming tao at maaring isa sa mga ito ay kapit-bahay nila.
Sumakay siya sa kotse nito. Unang sumalubong sa kanya ang pabango nito. Ang nakaka-adik nitong pabango. Napalunok siya at pilit na kinalma ang sarili. Isinuot niya ang seatbelt sa nanginginig na kamay. Nakapasok na sa kotse si Shan ng maisuot niya ang seatbelt. Sinulyapan lang siya ni Shan bago binuhay ang makina ng kotse.
Wala silang imikan ni Shan habang nasa byahe. At wala siyang balak na kausapin ang binata. Pinalala niya sa sarili ang ginawa nito sa kanya kagabi. Galit pa rin siya sa binata.
“I’m sorry.”
Napatingin siya kay Shan ng marinig ang dalawang salitang iyon. Nasa daan pa rin ang mga mata nito. Nakasandal ang isang siko nito sa bintana ng kotse at kinakagat ang kuko. Nagkamali yata siya ng rinig sa sinabi nito.
“Anong sabi mo?”
“I said I’m sorry. I shouldn’t stool your first kiss but…”tumingin sa kanya si Shan. “I’m not sorry for kissing you.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Ano daw? Humingi ito ng pasensya sa ginawang pagnakaw ng halik sa kanya pero hindi ang paghalik sa kanya. Ang gulo naman yata nito.
“What are saying? Can you just say; you are sorry for what you did last night?” inis niyang tanong.
“Carila, hindi ko na babawiin ang sinabi ko. Kagaya ng sinabi ko kagabi. I want to taste your lips and I won’t say sorry for that. Iyong pagnakaw ko lang ng unang halik ang hihingian ko ng kapatawaran.”
Umusok sa inis ang ilong niya. “Jerk!” sigaw niya.
Tumawa lang si Shan. “I love seeing this side of you, Carila. Hindi ka naman pala kagaya ng inaasahan ko. Plain and simple woman. A lady with a proper manner is not turning me on. I like my woman fierce like a leon. Sa kapatid ko lang pala ang ugaling pa dimure mo.”
Napakuyom siya sa sinabi nito. Nakatingin si Shan sa kanya habang sinasabi nito ang mga iyon. Na-iinsulto siya sa sinabi nito. Hinuhusgahan nito ang pagkatao niya kahit tatlong araw palang siya nitong sekretarya. Wala na bang isasama ang ugali ng lalaking ito. Kung gaano kaamo ang mukha nito ay siyang kabaliktaran ng totoong ugali nito.
“By the way Ms. Secretary, book us a flight.”
“Flight?”
“Yes. We are going to Boracay. Kailangan natin matingnan ang lupa ng pagtatayuan ng bagong hotel. As my secretary, you need to come with me.”
HanjMie