"CARILA." Sigaw ni nanay ang nagpagising sa kanya.
Inaantok na bumangon si Carila at tinitigan ang kanyang ina na ngayon ay nakatingin sa kanya. Nakapamaywang sa harap niya at hindi maitago ang inis.
"Nay, anong problema?" tanong niya.
"Gumising ka na at harapin ang boss mo. Nakakahiya ka." Kinuha ni nanay ang unan niya na nalalaglag at muling ipinatong sa kanyang kama.
Nagsalubong ang kilay niya. "Boss ko? Sinong boss?"
"Bago mong boss. May usapan kayong pupunta ngayon ng Boracay at mahuhuli na kayo sa flight niyo." Sigaw ng kanyang ina.
Nanlaki ang mga mata niya. Namutla din siya sa kaalaman na nasa loob ng bahay nila ang kanyang boss. Mabilis siyang tumayo. "N-nasaan siya?"
"Nasa labas at kausap ng tatay mo."
Mabilis pa sa alas-kwarto siya lumabas ng kanyang kwarto. Nabungaran niya si Shan na naka-upo sa kahoy nilang upuan at kausap ang kanyang ama. Lumapit siya at galit na hinarap ang amo.
"Anong ginagawa mo dito?"
Sabay na tumingin sa kanya ang dalawa. Namaywang pa siya sa harap nito. Bumukas ang pagkagulat sa mukha ni Shan.
"Anak, ano bang klasing tanong iyan?" puna sa kanya ng ama.
Tumingin siya sa kanyang Tatay na bakas ang pagkagulat sa ginawa niya. "Tay, bakit niyo pinapasok ang lalaking iyan dito sa bahay natin?"
"Bakit hindi? Boss mo siya." Nagtatakang sabi ng kanyang ama. "Ano bang problema kung papasukin ko siya? At saka, bakit ngayon ka lang nagising? May usapan kayo nitong boss mo." Tinuro ng kanyang itay si Shan na ngayon ay nakatingin sa kanya.
Salubong ang kilay na hinarap niya ang walang-hiya niyang boss. "Sinabi ko na sa iyo na hindi ako sasama sa Boracay. Hindi mo naman ako kailangan doon."
Instead of getting mad at her for shouting, Shan smiles at her. "I told you. I need you."
Napakuyom ang dalawa niyang kamao. Alam niyang may iba pang ibig sabihin ang sinabi nito. Pinagdikit niya ang mga labi.
"Sa tingin ko ay kailangan ko kayong iwan." Agaw ng kanyang ama sa atensyon nila ni Shan.
"Thank you po, Tito." ngumiti si Shan na lalong ikinainit ng kanyang ulo.
'Ang plastic ng gago.'
Tumungo ang kanyang ama kay Shan at siya naman ang hinarap. "Ipapaayos ko na sa nanay mo ang mga gamit na dadalhin mo."
Pipigilan pa sana niya ang ama kaso mabilis siyang tinalikuran nito. Gamit ang tungkod ay naglakad ito papunta sa kusina. Na-iinis na hinarap niya si Shan na ngayon ay may naglalarong ngiti sa labi.
"Ano ba talagang gusto mo sa akin?" sigaw niya. Wala siyang paki-alam kung amo niya ito. Nasa loob ito ng kanyang pamamahay. Wala itong karapatan munduhan siya. Nasa teritoryo siya nito.
Tumayo si Shan at lumapit sa kanya. "Ang bait ng mga magulang mo pero ikaw ang taray-taray mo."
Tumaas ang isang kilay niya. "Pinipili ko ang taong pakikisamahan ko ng maayos. Sorry ka na lang kasi isa ka sa mga taong gusto kong pakitaan ng sungay ko."
"Well, gusto ko nga iyan. Remember, I love my woman fierce." Shan moves closer to her.
Napigil niya ang hininga dahil sa ginawa ng binata. Sobrang lapit nito sa kanya na halos amoy na niya ang hininga nito. His breath smells like green mint. Wala nga talagang kapintasan ang binata maliban sa ugali nito. Tinulak niya si Shan habang nasa matinong pag-iisip pa siya. Kapag tumagal pa sa ganoong ayos ang binata ay siguradong matutuliro na naman ang utak niya. Hindi niya mapagkakatiwalan ang sarili pagdating kay Shan.
"I'm not your woman."
"Well, malay natin." Umayos ng tayo si Shan at sumeryuso ang mukha. "Ms. Salmingo, if you don't remember. Ako ang boss at dapat na masusunod sa atin dalawa. So you better change now or I will drag you to the plane without you taking a bath." May pagbabanta ang boses na sabi ni Shan.
Lalong kumulo ang dugo niya sa sinabi ng binata. Gusto niyang ipadyak ang isang paa sa sobrang inis dito. "Jerk!!!" sigaw niya bago inirapan ang binata.
Babalik na sana siya sa kanyang kwarto ng marinig niyang nagsalita ang kanyang abnormal na boss.
"By the way, I love your pajama."
Napatingin siya sa suot na pantulog. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang blue doramon pajama niya. Hindi lang iyon, wala pa siyang suot na bra ng mga sandaling iyon kaya talagang halata ang dibdib niya. Gusto niya tuloy sabunutan ang sarili sa katangahan na ginawa. Kung gaano siya kabilis lumabas kanina para harapin ang kanyang boss ay ganoon din siya kabilis bumalik ng kanyang kwarto.
She locks the door and shouts without a sound. Sinabunutan niya din ang sarili.
'Ang tanga-tanga mo, Carila. Saan napunta ang talino mo? Com laude ka pa naman, bruha ka.' Pangaral niya sa sarili.
Ilang beses pa niyang sinabunutan ang sarili bago nagdesisyong mag-ayos. Baka mamaya ay ma-inip ang abnormal niyang boss at kung ano na naman ang gawin. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isipan nito. Hawak siya nito sa leeg dahil kailangan niya ang kanyang trabaho. Mabilisan lahat ng ginawa niyang pag-aayos. Mabuti na lang talaga at hindi siya mahilig mag-make up kaya hindi na siya gaanong nagtagal. Na ayos na din ng kanyang ina ang kanyang gamit.
Paglabas niya ng kwarto ay kausap na muli ng kanyang ama si Shan. Nagsalubong ang kilay niya. Para kasing maamong tupa ang malandi niyang boss habang nakikipagkwentuhan sa kanyang ama. Nakangiti at tumatawa pa ang lalaki. Ang bilis naman yata nito nakasundo ang strikto niyang ama. Lumapit siya sa mga ito.
"Boss, mahuhuli na tayo. Tara na."
Tumingin sa kanya ang dalawang lalaki. Hinarap niya ang ama at hindi pinansin ang kanyang boss na tumaas ang isang kilay. "Tay, alis na po kami. Iyong gamot niyo. Wag niyong kalimutan. Ganoon din si inay." Yumuko siya para mahalikan sa pisngi ang ama.
"Wag mo kaming masyadong isipin, Carila. Kaya na namin ng inay mo ang mga sarili namin. Nandyan naman ang dalawang kapatid mo." Tinapik ng kanyang ama ang kamay niya.
Sumimangot siya sa tugon ng ama. "Wag ako, tay. Kilala ko kayo. Tatawag ako pagdating namin ng Boracay. Tatawag din ako kapag oras na para uminum kayo ng gamot niyo."
Hindi na sumagot ang kanyang ama. Muli lang nitong tinapik ang kanyang kamay. Hindi na din niya pinahaba pa ang usapan nila ng ama. Hinarap niya si Shan pagkatapos paalalahan ang ama. Nagpaalam na din ito sa kanyang ama. Hindi na sila nakapagpaalam sa kanyang inay dahil umalis na daw ito para pumunta ng palengke. Kapag tinanghali kasi ito ay siguradong wala na itong mabilhan ng sariwang isda.
Paglabas niya ng bahay ay nanlaki ang kanyang mga mata ng bumungad sa harap niya ang asul na kotse nito. Pinapalibutan iyon ng mga batang nandoon sa kanila. Napansin din niya ang ilang kapit-bahay nila na nag-uusap. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Siguradong siya ang tambok ng usapan ng mga ito mamaya. Huminga siya ng malalim at tuluyang lumabas ng bahay. Nauna na ang boss niyang may tupak sa ulo dahil inilagay pa nito ang luggage niya sa back compartment.
Papasok na sana siya sa kotse ng may narinig siyang pagtawag sa pangalan niya. Napatingin siya sa likuran at napangiwi ng makita ang best friend niya na tumatakbo papalapit sa kanila.
"Rila..." matiis ang boses ng babaita.
Nakalapit na sa kanya si Jane Sarah ng mapansin nito ang lalaking ngayon ay nasa kabilang bahagi ng kotse. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanya at sa lalaki.
"Boyfriend mo?" tinuro pa nito si Shan.
"Hindi ah. Siya ang boss ko." Agad niyang sagot.
"Owwww!!!" tumungo-tungo si Jane Sarah, hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. "Boss mo."
"Boss ko siya. Siya ang bagong CEO ng MDHGC. May kailangan ka ba? Nagmamadali kasi kami. May flight kaming hinahabol."
Tumaas ang isang kilay nito. "Okay, madali lang naman ito." Lumapit pa sa kanya si Jane Sarah at bumulong. "May nakilala akong gwapong lalaki kagabi. Pag-uwi niyo ipakikilala kita."
Tumaas ang isang kilay niya. Akala pa naman kung anong sasabihin nito. Jane Sarah Mercado is her bestfriend since college. Pareho silang nagsusunog ng kilay noon kaso hindi kagaya niya na pinalad sa trabaho, puro raket lang ang nakukuha ni Jane Sarah. Noong nakaraang buwan ay bartender ito sa isang bar. Iwan niya lang ngayong buwan.
"Jas, hindi ako interesado." Sagot niya.
Sumimangot si Jas. "Kaya ka single eh. Sige na. Umalis na kayo ng boss mo." Nagtatampong pangtataboy nito sa kanya.
Tumawa na lang siya. "Sige na nga. Bye." Humalik siya sa pisngi ni Jas bago sumakay ng kotse.
Sumunod naman sa kanya si Shan. Inaayos niya ang seatbelt ng magsalita ang binata.
"You should introduce me to your friend." Mahinahon ang boses na sabi nito.
Nakataas ang kilay na tumingin siya sa lalaki. "Bakit ko naman iyon gagawin?"
"Because I'm your boss." Binuhay na nito ang makina ng kotse.
"It's exactly the reason why I shouldn't introduce you to her. You are just my boss and it's not part of my job description to introduce you to my friends." Mataray niyang sabi dito.
Tumaas ang kilay ni Shan. "Well, this boss of yours will be yours soon."
Nagtagpo ang dalawang kilay niya sa sinabi nito. "In your dreams, Sir Shan. After what you did the other night, I won't fall in your trick. Hindi ako kagaya ng mga babaeng nahuhumaling sa iyo. Wala akong balak na maging babae mo."
"Dahil ba ang kapatid ko ang gusto mo?"
Nanigas siya sa tanong nito. Para siyang tinuklaw ng ahas ng mga sandaling iyon. Paano nito nalaman ang tungkol sa nararamdaman niya sa kapatid nito? Napansin ba nito? Paano? Anong gagawin niya ngayon?
"A-anong s-sinasabi mo?" nautal niyang tanong dito.
Tumawa ng mahina si Shan. "Carila..." sumulyap si Shan sa kanya. "I'm a jerk, remember? I'm just kidding."
Hindi siya umimik. Tinitigan niya ng masama si Shan. Binibiro lang siya nito? Isang pabirong tanong o hinuhuli lang siya nito? Ano ba talaga klasing laro na meron ang lalaking ito? Inirapan niya si Shan at tumingin na lang sa labas. Hindi niya dapat pinapatulan ang lalaking ito. Isa itong malaking gago. Halata naman kasi na may masama itong balak sa kanya. Una palang na kinuha siya nito bilang sekretarya.
Hindi na pinansin ni Carila si Shan sa buong durasyon ng kanilang byahe. Pagdating nila ng airport ay may security agad na lumapit sa kanila na ipinagtaka niya. Kina-usap ng isang security si Shan. Nakatayo naman siya di kalayuan sa mga ito. Napansin niyang parang may inuutos si Shan sa security, na napag-alaman niyang security ng airport basi sa suot na uniform. Doon niya lang naalala na kanina pang-seven o'clock ang kinuha niyang flight ni Shan. It's already ten o'clock and they are already late. Pagkatapos ka-usapin ni Shan ang security ay lumapit ito sa kanya.
"Our flight is ready." Pumunta ito sa likurang bahagi ng sasakyan at kinuha sa back compartment ang luggage niya.
Sinundan na lang niya ng tingin ang bawat galaw ng binata. Ibinigay nito ang kanilang luggage isang security personel bago siya muling nilapitan.
"Saan nila daldalhin ang gamit natin?" nagtatakang tanong niya.
"Sila na ang magdadala sa eroplano. Let's go." Hinawakan nito ang kamay niya.
Mabilis naman niya binawi dito ang kamay. "I can manage. Just lead the way."
Tinitigan siya ni Shan sa mga mata bago inilapit ang mukha sa kanyang tainga. Habbit yata ng binata na gawin iyon sa kanya. "Wag kang tatakas sa akin, Carila. Alam mo kung anong mangyayari sa iniingatan mong trabaho. Wag na wag mo akong kakalabanin dahil masama akong kaaway."
Nanindig ang balahibo niya sa banta ng lalaki. Naramdaman niya ang pag-ihip ng malamig na hangin sa katawan niya. Napatitig siya sa mga mata ni Shan ng unti-unti nitong inilayo ang sarili. Bigla siyang kinalibutan ng makita ang matalim at puno ng galit nitong mga mata. Hindi na isang mukhang angel ang nakikita niya ng mga sandaling iyon kung hindi isang demonyo. Shan gives her a different chill. Nakakatakot ito ng mga sandaling iyon at nasisigurado niyang tutuhanin nito ang banta.
Ito na ba talaga ang totoong ugali ng lalaki o may mas itinatago pa dahil ngayon palang ay natatakot na siya. Paano pa kaya kapag lumabas ang sungay nito? Shan holds her hand again. And this time, she didn't pull her hands back. Hinayaan niya din na hatakin siya ni Shan papasok ng airport. Sumunod na lang siya dito dahil sa sobrang takot. Nawala ang tapang na mayroon siya.
Pagdating nila sa tapat ng ereplano ay agad niyang napansin ang pangalan na nakasulat sa katawan ng ereplano.
'Kristina'
Nagsalubong ang kilay niya dahil parang private plane iyon. Kaninong private plane naman kaya ito. Ang alam niya kasi ay ang ama lang ng mga ito ang mayroon at ang pangalan naman ay 'Wang'. Shilo doesn't have one. Okay na kasi ito sa private plane ng pamilya. Hanggang sa makapasok sila sa loob ng ereplano ay hindi binitiwan ni Shan ang kamay niya. Sa pang-isahang sofa siya pina-upo ni Shan at tama nga ang hinala niya. Isang private plane ang gamit nila. Kaya pala hindi ito nagmamadali kanina dahil private plane naman ang sasakyan nila.
Umupo sa katapat niyang upuan si Shan. Wala ng emosyon ang mukha nito. Inayos nito ang seatbelt.
"Put your seatbelt, Carila." Narinig niyang sabi ni Shan.
Napakurap si Carila. "Ha!"
Tumingin sa kanya si Shan. "I said put your seatbelt."
Agad naman niyang sinunod ang binata. Ilang sandali pa ay nasa himpapawid na sila. Wala silang imikan ni Shan kahit na lumapit sa kanila ang isang flight attendant. Isang oras lang naman ang byahe nila ni Shan galing Manila airport to Kalibo Airport. Inabala na lang niya ang sarili sa pagtingin sa mga ulap. Natatakot siyang kausapin ang binata dahil baka nakita niya ulit ang galit na iyon.
"May problema ka ba, Carila?"
Napatingin siya kay Shan ng marinig ang tanong nito. Nakatitig na pala sa kanya ang binata. Hindi niya iyon naramdaman, masyado siyang natuwa sa pagtingin sa mga ulap.
"You seem so quiet, Carila. May problema ka ba?"
Nais niyang tarayan ang binata ngunit natatakot siyang muling makita ang galit sa mga mata nito. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya natakot ng ganoon. Sanay siya sa mga taong lasing at basaguliro sa lugar nila pero pagdating kay Shan ay iba ang dating sa kanya. Para bang kaya siya nitong burahin sa mundo.
Umiling siya bilang sagot sa tanong nito. Umiwas din siya ng tingin dito.
"I don't bite, Carila. Basta ba maging masunurin ka lang. You can fight me back if you want."
Napakuyom siya. Humarap siya sa binata. "Pinaglalaruan mo ba ako, Sir Shan?" seryuso niyang tanong.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "No, Carila."
"Kung ganoon, bakit ganyan ka makitungo sa akin? Bakit ganyan ka gumalaw sa harap ko?"
"Ano bang pakikitungo ko sa iyo, Carila?" he asks like her questions interest him. He even leans back at the seat.
"Like you are playing with me. You act like you are seducing me and in the next few minutes you are threatening me. Ano ba talaga kasi ang gusto mo sa akin?"
Nawala ang ngiti sa labi ni Shan. Napalitan ng kaseryusuhan ang mukha nito. Tumayo ang binata ng hindi inaalis ang mga titig sa kanya. Nang makalapit ito sa kanya ay bigla na lang hinawakan ang kanyang baba.
"I'm not playing with you, Carila. Sinabi ko na sa'yo noong isang araw ang dahilan. I want to know you more."
"Why?" naguguluhang tanong niya. Hindi niya tinangkang alisin ang daliri nito sa kanya.
"Because I like you, Carila... I like you a lot."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
CARILA tried to avoid Shan. Hindi niya ito kinibo maliban na lang kapag tungkol sa trabaho. Nakaiwas siya kanina sa sinabi nito ng magsalita ang piloto mula sa speaker na malapit na sila ng Kalibo airport. Natulog naman siya sa van na nirentahan ng binata na siyang maghahatid sa kanila sa Caticlan port. Inalalayan siya ni Shan na makasakay ng yate. Sa isang malaking hotel sa Boracay sila tumuloy ni Shan. May sumundo sa kanila sa port papunta sa hotel at sa buong byahe ay nagkunwari siyang busy sa pagtingin sa paligid.
Shan book two rooms and she feels relief. Akala niya ay isang hotel room lang ang kinuha ng binata. Mukha naman hindi ito ganoon kagago. Hindi na siya kumain ng lunch. Sinabi na lang niya na gusto niyang matulog dahil napagod sa byahe. Binili naman ni Shan ang kanyang dahilan na ikinagulat niya. Mamayang hapon daw nila pupuntahan ang site ng hotel na itatayo ng kompanya doon. Masyado pa daw mainit at para mas makapagpahinga silang dalawa.
Nasa veranda siya ng hotel room ng may narinig siyang mahinang katok. Tumayo siya at pinagbuksan ng pinto kung sinuman ang nasa likod noon.
"Good afternoon, ma'am. Room service po." May dalang isang tray na may takip ang babaeng room attendant.
Nagsalubong ang kilay niya. "Miss, wala akong pina-room service."
"Ma'am, dito po pinapahatid. Order po ito ni Mr. Wang."
Pagkarinig ng pangalan ng kanyang boss ay saka lang niya pinagbuksan ng pinto ang babae. Pumasok ito ng room na agad niyang sinundan. Inilapag ng babae ang hawak na tray sa mesang nakalagay sa gitnang bahagi ng kwarto niya.
"Thank you." Aniya ng mailapag ng babae ang dalang tray.
"You're welcome, madam. Kung may kailangan po kayo, tumawag na lang po kayo sa receptionist."
"Sige po."
Yumuko ang room attendant at lumabas na ng kanyang kwarto. Sinundan niya ito at agad na ni-lock ang pinto. Binalikan niya ang tray at binuksan ang takip noon. Tumambad sa harap niya ang isang bowl ng Japanese ramen. Umuusok pa iyon at halatang bagong luto. Saka lang kumalam ang sikmura niya. It's already two o'clock in the afternoon and she hasn't eaten anything. Hindi siya sumabay kay Shan dahil sa iniiwasan niya ito.
Umupo siya sa sofa at sinimulang kainin ang ramen. Kapag Japanese food talaga ang usapan ay hindi siya umaatras. Iyon ang paborito nyang pagkain. She loves Japanese food and one day she will visit Japan. Sarap na sarap siya sa kinakain ng tumunog ang phone niya. Kinuha niya iyon sa suot na jeans.
Muntik na siyang mabulunan ng mabasa ang text na pinadala ng kanyang magaling na boss.
'Hope you enjoy the food I send. Don't try to avoid me, Carila. Hindi mo ako matatakasan sa ganyang paraan. See you at the front desk later at four o'clock.
Like you a lot, Shan'